VIII

12 0 0
                                    

Add as friend.

Yan ang nakalagay eh. It means he unfriended me. Napahiga ako sa kama. Sht. There's a sudden pang in my heart. I wanted to shout, I wanted to scream to everyone how it feels then I just realized that it would not lessen the pain so I just shut my eyes.

How could this ever happened to us?

It feels like I want to strangle anyone. Anyone. Naghahalo yung pain at anger sa puso ko.

Tumayo na ako at pumunta sa mini sofa ng kwarto ko. I turned on the TV.

Nagulat ako ng biglang pumasok si Mama. "Ma!" Agad kong pinunasan ang mata ko.

Naglakad siya papalapit sa akin.

"Nak," sabi niya sabay upo sa tabi ko. Tsk! Tiningnan niya ako ng matagal tapos ay nagpakawala siya ng buntong hininga. "Ikwento mo sakin yan,"

Umiling iling lang ako at nanoond pa rin ng Phineas and Ferb. Naramdaman niya siguro na wala akong balak magkwento sa kanya kaya naman bumuntong hininga ulit siya.

"Kamusta na nga pala kayo ni Jake?" Sabi niya habang nakatingin sa TV.

"We broke up," pakiramdam ko ay may malaking bagay ang dumagan sa aking dibdib, nag alaang talaga ako na sabihin ang salitang yun kasi sa totoo lang may parte sa akin na umaasa pa na baka maayos pa, na baka magawan pa to ng paraan.

She looked at me. Napakatagal niya akong tiningnan tapos ay binalik niya ang tingin sa TV. "You'll find someone better anak, marami pang higit dyan, higit sa kanya," then there I cried. I pursed my lips to stop myself letting out a sob. I just knew that she would say those but I don't know if I shall believe her or not.

"Ewan ko ba Ma kung bakit ko siya minahal, iiwan niya lang pala ako, dapat talaga di ko na siya sinagot eh," nakatingin lang siya sa TV pero alam kong nakikinig siya.

"Di ko alam kung bakit ko to nararamdaman Ma. Ang hirap," pinilit kong ipeke ang tawa ko. "I knew that this would never be easy for me but no one said this could be this hard and painful,"

Tumingin ulit siya sa akin. "Bata ka pa nak, wag mo muna masyadong isipin yan. At wag mong iyakan ang lalaking yun. Pinagloloko ka lang niya. Kung mahal ka nun di ka niya iiwan. Hindi ka nga madala sa bahay nila,"

"Pero Ma kilala naman ako ng parents niya!" Di ko mapigilan na ipagtanggol siya eh.

"Pero alam mo nak yung di ka niya madala ng bahay nila? Parang di ka niya kayang ipaglaban sa pamilya niya eh, parang di niya kayang ipaglaban ka sa paraang ginagawa mo. Makakahanap ka ng iba na mas magmamahal sayo nak," hinawakan niya ang pisngi ko at tumayo na siya. "Iwan muna kita, baka gusto mong mapag isa," pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto ko.

Humiga ako sa sofa. Nakahiga habang nanonood ng Phineas and Fernb. Nanonood habang umiiyak sa isang palabas na di ko alam bakit ko iniiyakan.

***

"Ang bitter mo bebs!" Sigaw sakin ni Chloe. Tiningnan ko siya ng nakakunot ang noo.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya pagkatapos ay kinuha na ang frappe ko sa counter.

"Kanina ka pa nakatingin ng masama sa mga couples dito," bulong ni Daine.

"Bakit niyo kasi ako dinala dito. Pangalan pa lang ng shop kalokohan na. There's no such thing as infinity. Everything must come to its end," I must've mastered the art of deadpan.

Bumuntong hininga si Misha. "Ganyan ba talaga ma-in love? Parang ayoko na magka-bf," sabi niya habang nakatingin sa milk tea na inorder niya. Nagtinginan naman kaming tatlo.

The Chaos Of A BrokenheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon