XII

6 0 0
                                    

"Jake," bakit nandito siya sa tapat ng bahay namin? Akala ko ba ihahatid niya si Bianca?

Napatayo siya nang makita niya ako. "Hi..." nag-aalinlangan pa siya kung lalapit ba siya o dun na lang pero hindi na siya gumalaw kaya ako na lang ang lumapit. "Ginabi ka ata?"

"Bakit ka nandito?" Pinuno ko nang panlalamig ang puso at tono ko. Hindi ko na dapat ipakita na naapektuhan pa ako sa kanya dahil siya mismo ay wala nang pake sa aming dalawa.

"Uh..." yumuko siya at may kinuha sa bulsa niya. "Gusto ko lang sanang personal itong iabot sayo," tapos ay inabot niya sa akin ang isang dilaw na clip.

Mabilis kong kinapa ang buhok ko. Kaya pala kanina pa bumabagsak ang bangs ko. "Nahulog mo ata kanina..." hinablot ko iyon sa kanya. Nakita kong may sasabihin pa sana siya.

"Salamat," di ko na siya hinayaang makasagot at tumalikod na ako at deretsong naglakad papunta ng gate.

"Cath," napahinto ako. Ngayon niya na lang ulit ako tinawag ng ganyan. Napapikit ako dahil sa biglaang pagpasok ng mga emosyon sa puso ko. Naghahalong sakit, panghihinayang at galit ang naglalaro sa loob ng sistema ko. Muli kong minulat ang mata ko. "I'm sorry,"

Pumihit ako paharap sa kanya. "Bakit?" Sinusubukan kong ipakita na wala na siyang epekto sa akin.

"Sa lahat. Sa lahat ng nangyari. Sa pananakit, sa pagpapaiyak at sa pang-iiwan. Sorry Cath, sorry," I can feel the sincerity in him. Tumango ako.

"Wala na yun," and with that I switched away. "Okay na ako." i smiled bitterly. Napakasinungaling Cathy, napakasinungaling. Sinabi ko yun kahit halos mag alab ang puso ko sa mga nakita ko kanina at ngayon ay napaka lakas ng loob niyang pumunta sa harap ko? Napaka lakas ng loob niyang humarap sa akin.

"Napatawad mo na ba ako?" napahinto ako sa pagbukas ng gate namin. Nanigas ang lahat ng kalamnan ko. Hindi ako makagalaw. Umiling ako.

"Hindi ko pa alam Jake." matatag na sabi ko.  "Pero sa isang bagay sigurado ako, hinding hindi ko malilimutan ang lahat ng iyon."

Totoo. Sa buong buhay ko ay ngayon ko palang ito naramdaman. Ang mamuhi, masaktan at magmahal ng sabay sabay at sa iisang tao lang. Aaminin ko na lahat ng maiitim kong balak ay umurong, naglaho  iyon nang makaharap ko siya. Tila hindi ko rin kaya. Nanginginig pa rin ang mga tuhod kko, pinapakaba pa rin ako ng presensya niya at nagkakarerahan pa rin ang mga kabayo sa puso ko pag nagtatagpo ang mga mata namin. Sht.

"Napakapalpak natin!" Sigaw ni Chloe mula sa Ipad ko.

"Sucks! Buti di tayo nahuli," sabi ni Daine habang kumakain ng chips habang nakikipag usap sa amin sa Skype.

Napabuntong hininga si Misha. "Cathy is soooo stupid! Bakit kasi andun ka na mali pa yung motor na binutas mo!" Kailangan kong makaisip ng bagong paraan para makaganti. No way in hell that I will be the only one who'll suffer here. I must give them at least a taste of my bitterness. "CATH!" agad akong natauhan at napabaling sa kanila.

"S-sorry guys. I..." bumagsak ang tingin ko sa clip na nasa side table ko. "I'm just sleepy. Uhm... I guess I'll go ahead. Goodnight!" I smiled at them then I immediately logged out my account.

Kinuha ko yung clip na inabot niya sa akin kanina. Bow tie yellow clip. Matagal kong tinitigan iyon.

Tumayo ako at tinapon iyon sa basurahan.

Hindi Cathy. Huli na nag lahat para buhayin niya pa ang lintek na mga paro paro sa tiyan mo.


"WOOOOOOOOH!" maaga akong nagising dahil kanina pa sumisigaw si Papa.

Nanonood kami ni Papa ng NBA. Cavaliers ako habang siya naman ay Golden State Warriors.

"Matatalo ata kayo Pa, lupit tong si Lebron e," nakangisi kong sabi habang kumakain ng pop corn. Inabot niya ang bowl at kumuha na rin.

"Even the best falls down sometimes Cathy," gumanti siya ng ngisi at napasigaw nang muli ay nakatatlong puntos si Curry

Napalingon naman ako sa side table dahil sa malakas na pag ring ng cellphone kong nakapatong dito.

"Hello?"

(Guess who's here!) Pinaikot ko ang mata ko. Baka may nakita na naman tong bagong lalaki.

"Who is it this time Chloe?" bagot kong tanong sa kanya.

(Bianca.) I can feel her grinning at me. Oh My Gosh.


Dahan dahan kong tinulak ang glass door ng restaurant. Mabilis ko namang nakita si Chloe na kumakain ng Ice cream.

Tama nga siya. This restaurant is not as classy as a five star one but not as cheap as it may seem.

I guess my high waist shorts and hanging blouse suits the place. Umupo ako sa tabi niya. Tiningnan ko siya at agad niyang nginuso ang babaeng hindi kalayuan sa kinauupuan namin.

Bianca Mae Montejo. How can I ever forget her? Seeing her gives me these little shits crawling into my heart. These shts are recklessly and tardily killing me, killing me with pain.

I looked at her from head to toe? What does he sees in her? She's wearing a plain tee and a skinny jeans. "Is she beautiful?" I asked Chloe without looking at her.

"Hmm," she's now tapping the table. "Yes she is," It caught my attention and so I shifted my eyes at her. "And you're insecure..." she said while nodding.

I heaved a sigh! How dare she! "No I'm not!"

"Yes you are because you know she is way better than you," I shook my head. No way in hell!

And then I looked back at her. There goes Jake. He kissed her in the cheeks. Something he's not doing to me in public.

Masakit sa mata ang mga nakikita ko. Nadaanan niya kami pero di niya ako napansin. Bakit kailangan ko pang makita kung gaano siya kasaya sa babaeng yun?

Sumisikip ang dibdib ko sa bawat ngiting pinapakawalan niya, ngiting hindi para sa akin. Gustong kumawala ng puso ko sa sobrang higpit na nararamdaman nito.

"You should not be Cathy," muli akong lumingon kay Chloe. "Maganda siya oo pero maganda ka rin. Hindi ibig sabihin na maganda siya ay di ka na maganda Cathy," hindi tinatanggap ng sistema ko ang lahat ng naririnig ko.

Tinakpan ko ang bibig ko. Nagiging mabilis na ang paghinga ko. Nanginginig ang mga labi ko at bago ko pa namalayan ay kumawala na ang mga luhang kanina ko pa pinipigil.

Umiling si Chloe. "Tigilan natin to," hinila niya na ako palabas ng coffee shop at ako naman nang dahil sa panghihina ay nagpahila na lang.

Nang nasa labas na kami ay binitawan na niya ako. Tinitigan niya lang ako. Napaupo ako sa sobrang panghihina. "Walanghiya siya Chloe! Napaka walang kwenta niyang lalaki! Manloloko siya! Inulul niya lang ako. Bakit niya ako ginaganito! Siraulo siya!" Halos sabunutan ko na ang sarili ko sa sobrang panggigigil ko.

"A-ano..." lumapit sakin si Chloe at hinila ang kamay ko. "Bakit mo ginaganyan ang sarili mo?!" Napahinto ako.

"KAILANGAN KO TONG GAWIN! KAILANGAN KO SIYANG KAGALITAN AT KAMUHIAN PARA MAPUNTA NA AKO SA ANGER STAGE CHLOE!" Siya naman ang napahinto. Naguguluhan ang mukha niya. "Gusto ko ng umusad Chloe!"

"Naririnig mo ba ang sarili mo? Kusa mong mararating yun! Di mo kailangan pilitin!" Tumayo na siya namaywang sa harap ko.

"Hindi," umiling pa ako. "Pakiramdam ko ang bagal e. Pakiramdam ko di na ako makakamove-on e,"

"Wag mo siyang kagalitan," umupo ulit siya sa harap ko. "Mahalin mo lang siya ng mahalin. Mahalin mo siya hanggang sa mapagod ka. Mapapagod ka rin kasi di niya susuklian ang pagmamahal mo," kumikinang ang mga mata niya nang tiningnan ko ito.

"Cathy kung kamumuhian mo siya mas lalo kang di uusad at magiging bitter ka pa. Isipin mo nga Cathy! Siya lang ba ang nagkamali sa relasyon niyo?! Maghihiwalay ba kayo kung siya lang ang may kasalanan?" marahas kong hinawi ang kamay niya at pinunasan ang luha sa mga mata ko.

Kasalanan nga naming dalawa to! Oo inaamin ko pero bakit ako lang ang nasasaktan dito?

The Chaos Of A BrokenheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon