"Nasa first step of moving-on ka na."

Paulit ulit kong naririnig ang boses ni Chloe na sinasabi sa akin na nasa first stage na raw ako ng moving-on ano to laro na may stages?

Pagkauwi ko ay nagbihis na ako at kinuha ang mga libro ko at nag-aral na.

Ilang minuto palang ng pagbabasa at pagbuklat ng mga libro ko ay di ko na napigilan ang sarili ko na kunin ang cellphone ko. Namalayan ko na lang na hawak ko na ang phone ko.

Nagbukas ako ng FB account ko. May sarling utak ata ang mga kamay ko at sinearch nito ang account ni Jake.

Nag scroll scroll lang ako. Wala namang bago sa account niya. Nag-open ako ng messages at masakit na wala akong natanggap na bagong message sa kanya.

Binuksan ko ang convo naming dalawa at sa akin pa galing ang huling mensahe. Na siya namang na-seen na niya.

Seen. Parang kanina lang, na-seen niya ako. Seen na walang reply at sagot.

Binuksan ko rin ang viber ko at seen na naman ang bumungad sa akin. Parang dati lang pag ako ang nakapag-seen sa kanya ay tampong tampo siya pero bakit ngayon iba na.

Naka-online naman siya. Active now naman siya sa messenger. Ano ba! Para na akong napra-praning. Paulit ulit ko pang binasa ang ilan sa mga convo namin. Yung mga sweet messages. Tangna! Ang sakit. Parang mababaliw na ako, bakit kailangan na umabot pa kami sa ganito.

Nilapag ko ang phone ko at tumingin ako sa kisame ng kwarto ko. Lord, kahit isang hi or hello lang galing sa kanya. Pede na po.

*ting!

Madali kong kinuha ang phone ko at binuksan ito. Umaasang kay Jake ang mensahe.

Ito na....

Chloeeee:
Bebs, you alright?

Hays. Di pala si Jake.

Cathylicious:
Yeah, I'm fine :)

Could not find the right term sa nararamdaman ko. Nasasaktan is an understatement.

But we have to get back together.

Pag tingala ko I saw the big box above my cabinet. The things he gave me.

Kinapa ko pa ang kwintas na binigay niya sa akin. JS promenade namin nun. Naalala ko suot ko pa yung gold necklace na bigay ni Mama. Magkasayaw kami nun kasi sabi ng emcee last three songs na lang at tapos na ang after party.

"Cath, I have something for you." Dumistansya siya ng onti at may dinukot aa bulsa ng coat niya. A necklace.

"Jake..." at this time, kilala na siya ni Mama. Alam na ni Mama na may isang Jake na nagbabalak na manligaw, may isang Jake na akong katxt gabi-gabi, may Jake na nagbigay ng chocolates sa akin nung nakaraang Valentines. May Jake na sa buhay ko.

"Ok lang?" Panghihingi niya ng permiso regarding may gold necklace. Ngumiti ako at tinanggal niya yung gold necklace. Pinalitan niya nung silver na binili niya. Alam kong mas mahal ang gold pero mas gusto ko na suotin ang silver necklace na to.

"Jake, baka mag-expect ka? Anong ibig sabihin nitong kwintas?" Sa totoo lang di ako makatingin sa kanya nung mga oras na yun.

"Wala, binigay ko yan kasi espesyal ka," hinigpitan niya ang yakap sa bewang ko. Ramdam kong medyo nahihiya siya. "Pasensya ka na yan lang ang nakayanan ko ha. Tsk! Nagkulang pa nga pera ko nun eh." Napangiti ako nung maalala ko yung...

"Yung araw na nagtxt ka na nasa SM ka at wala kang pamasahe pauwi?" Tiningnan ko siya pero nakayuko lang siya. "Tinawanan pa kita Hahahahahaha! Nakakahiya ako pala ang dahilan."

"Cath..."

"Jake, kung inaasahan mo na magiging tayo na dahil dito okay lang ba kung hindi? Sa tingin ko hindi pa ngayon ang tamang panahon para diyan, kailangan ko muna makausap si Mama."

"Okay lang yun sakin ano ka ba!"

"Sus! Mawala ko pa tong gold na kwintas ni Mama babatukan kita dyan. Hahahahaha!"

Di ko talaga malimutan kung pano ko kwinento kay Mama ang lahat. Buong ngiti at pagmamalaki kong kwinento lahat sa kanya. Natuwa naman siya nung gabing yun.

Kinuha ko yung box sa taas ng cabinet ko.

Andito yung balat nung first chocolate na binigay niya naalala ko na may sulat pa na nakaipit dun. Ito yung araw na mukha akong tanga na naiiyak kasi lahat ng kaibigan ko may chocolates, roses at teddy bears ako lang ang wala. Nagkunwari pa akong nagbasa ng libro para ibaling ang atensyon ko. Tapos ay nagulat ako ng ibigau niya ang chocolates na ito na may ribbons at sulat na nakadikit. Yun din ang unag pagkakataon na hinalikan niya ako sa cheeks. Nakakahiya.

Andito yung tickets ng first date namin sa sinehan.

Yung unang popsicle stick ng magnum na binigay niya sa akin.

Yung couple shirt na regalo niya sa first monthsary namin at yung unang ferrero na natanggap ko magmula nung naging kami.

Yung una at huling beses na binigyan niya ako ng hugis pusong illustration board na may sulat. Di na naulit kasi nilapag ko lang yun at ayoko kasi magpakita ng kilig kaya nagkunwari akong wala lang ang lahat sa akin kahit sa totoo lang ay kinikilig talaga ako.

Binasa ko ang lahat ng yun. Tapos ay umiyak na naman ako. Ako pa pala ang maiiwan mag isa matapos ang lahat.

Naalala ko rin yung mga gabing nagpupuyat ako sa pagsulat ng mga letters (nagkaroon kasi kami ng usapan na sa tuwing monthsary namin ay bibigyan ko siya ng sulat at kung ano ano na siya namang iipunin niya.), paggawa ng regalo ko sa kanya. Halimbawa na lang ay yung sticky note na pinuno ko ng mga bagay na minahal at nagustuhan ko sa kanya, yung sketch pad na pinuno ko ng I love you ko sa kanya. Gusto kong kunin ang lahat ng iyon. Ayokong itapon niya iyon, ayokong mabalewala yun.

Matagal akong nag isip isip bago ko hinubad ang kwintas at nilagay sa box. Gusto kong itapon ang lahat ng ito pero sa tingin ko hindi pa ngayon, masyado pang maaga.

The Chaos Of A BrokenheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon