- Day10 -

2.2K 88 8
                                    

*****************

*****************

-Day 10-

*****************

*****************

[ Third Person's Point Of View ]

"Honey" anang ng isang boses ng babae. Kakapasok lamang nito sa isang kwarto kung saan ay may isang lalaking nakatayo malapit sa bintanang yari sa salamin at may hawak na kupitang may lamang inumin habang tahimik na nakatingin sa mga studyante at iba pang mga taong papasok ng campus.

Nakangiting papalapit ang naturang babae, may maamo at mala angel itong mukha, mala gatas na kulay ng balat, may wavy brownish-blonde na buhok at mapupulang kurting pusong mga labi.

Ng makalapit ay sumilay ang isang ngiti sa labi ng babae, kaagad na nilingkis ang mga kamay sa leeg ng naturang lalaki. Nanatili lang na nakatingin sa mga taong nasa baba ang lalaki at wari ba'y parang may tinitingnan.

"Honey, hindi mo ba bibigyan ng meryenda ang iyong nobya" tanong ng babae habang nakayakap pa rin patalikod sa lalaki sabay tingkayad at dinilaan ang leeg nito pataas pero wala pa ring imik yung lalaki.

Napansin naman yun ng babae na wala sa kanya ang atensyon ng. lalaki na siya namang ikinakulo ng dugo nito.

*PAAAAAK*

Isang malakas at malutong na sampal ang siyang dumapo sa pisnge ng lalaki na siyang dahilan upang mapabaling sa kabilang direksyon ang mukha nito.

"Alam ko ang mga kilos mo iyan, kaya't ngayon pa lang binabalaan na kita, lumayo ka na sa babaeng yaon kung ayaw mong matulad lamang siya sa mga babaeng noon ay iyong kinabaliwan at tinangkang ipalit sa akin dahil.."

humakbang ang babae papalapit sa lalaki hanggang sa isang dangkal na lamang ang pagitan nila saka tumingkayad at inilipat ang bibig nito sabay bulong..

". . . dahil pagmamay-ari kita naiintindihan mo, akin.ka.lang." may diing sambit ng babae. Hinawakan nito ang panga ng lalaki saka ito pinalingon sa kanya. Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis habang ang lalaki naman ay malamig at walang emosyon lamang na nakatingin sa kanya.

"Kaya wag na wag kang magtangkang iwanan ako dahil sa isang hamak na tao lamang kasi alam kung alam mo ang mga kaya kung gawin" muling sambit ng babae habang nilalandas ang hintuturong daliri nito sa  panga ng lalaki patungong labi nito.

Nagtiim ang bagang ng lalaki, ang kaninang mga matang kulay itim at walang emosyon ang pinapakita ay napalitan ng mga nanlilisik na kulay pulang mga mata. Sa isang kisapmata lamang ang isang kamay ng lalaki ay nasa leeg na ng babae at sinasakal ito. Nagpupumiglas ang babae at pilit na kumakawala sa pagkakasakal nito ngunit dahil mas malakas ang lalaki kaysa babae wala ring nagawa ang pagpupumilit nitong makawala.

Mas lalo pang hinigpitan ng lalaki ang pagkakasakal nito sa sinasabinfmg nobya nito. Nilapit ng lalaki ang mukha nito sa may bandang tenga ng babae saka bumulong "Wag na wag mong gagalawin ni katiting ng buhok niya dahil ako ang makakaharap mo at wala kang magagawa kung ipagpapalit kita. . . hindi na ako magpapanipula sayo katulad noon. . . kung kailangan kitang patayin para lang wag mo siyang magalaw gagawin ko".

Walang anu-ano'y binali ng lalaki ang leeg nito saka binitawan ang walang buhay nitong katawan at tahimik naglakad ito papalabas ng silid pero bago ito tuluyang makalabas ay nagbitiw pa ito ng mga salita "Kahit ikaw pa ang dahilan kung bakit ako ngayon ay nabubuhay pa saka . . . sawa na ako sayo ".

Ilang minuto na katahimikan ang namayagpag sa loob ng kwartong yun. Ang kanina'y walang buhay na babae ay bigla na lamang tumayo mula sa pagkakahandusay sa sahig at pinagpagan ang kanyang damit

The Long Lost Queen Of VampiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon