**********
**********
- Day 16 -
**********
**********
-Author's Point Of View-
Kumpulan ang mga tao sa labas ng Girls Dorm Building habang inilalabas mula sa loob ang walang malay at bugbog saradong nakahigang si Gina kasunod sila My at May na bakas sa kanilang mga mukha ang lubhang pag-aalala, sa likod naman nila ay sina Kimmy at Filothea.
Mula sa malayo naman ay nakamasid ang isang lalaking nakatayo sa likod ng isang malaking puno. Purong gulat ang rumehistro sa kanyang mukha, hindi rin ito nagtagal at napalitan ng matinding galit. Pagkaraan din ay lumisan na ito sa lugar na siya ding pagpasok ng stretcher ni Gina sa loob ng ambulansya.
Nakakadalawang hakbang pa lamang siya ng sa isang iglap ay nasa harap na siya ng isang kulay pulang pinto. Pabalibag niya itong binuksan.
"WHAT.DID.YOU.DO?!" May diin at pasigaw niyang bungad sa babaeng sa kanya ay nakatalikod. Hindi siya sinagot at kinibo nito. Muling nagtiim ang kanyang bagang at marahas na hinawakan at hinila ang kamay nito dahilan para ngayon sila ay magkaharap na.
Mahigpit na hinawakan nito ang magkabilang balikat ng naturang babae na halos ika-durog na ng mga buto nito ngunit isang matamis na ngiti lamang ang sumilay sa labi nito.
"I didn't do anything" Nakangiti at kalmado niyang pahayag.
"You didn't do anything huh! Fuck that! I know that you did something to her" nanggigil na sambit nito.
"A-aray, ano ba nasasaktan ako, aray!" Daing ng babae habang pilit na inaalis ang pagkakahawak ng lalaki sa kanyang magkabilang balikat.
"FUCKING ANSWER ME!!!" Nanggagalaiti niyang sigaw at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa magkabilang balikat nito.
"FUCK! LET ME GO! AHHH!" Sigaw ng babae dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak ng naturang lalaki sa kanya. Sigaw lamang ang pawang umaalingawngaw sa apat na sulok ng kwarto.
Ilang beses itong nagmakaawa pero nanatiling walang imik at walang emosyon ang naturang lalaki hanggang sa unti-unting umalingawngaw ang nadudurog na mga buto.
Mas lalo pang lumakas ang paghiyaw ng babae, nagpupumiglas at pilit na kumakawala pero ito'y walang nagawa. Nagsimulang tumulo ang dugo mula sa magkabilang balikat nito bunga nagpapakakadurog ng mga buto nito't yung iba ay lumabas na sa balat.
"P-parang...a-awa mo na ta..."
Hindi na natapos ng babae ang kanyang sasabihin dahil nawalan na ito ng buhay bunga ng pagkakadurog ng mga buto nito sa magkabilang balikat at ang walang tigil na pagtagas ng dugo.
Pabalibag na binitawan ng lalaki ang walang buhay na katawan ng babae at tumalikod. Naglabas ito ng puting panyo at dahan- dahang pinunasan ang mga dugo na sa kanya ay tumalsik.
Muli niyang tiningnan ang nakahandusay at walang buhay na katawan ng babae ilang segundo siyang binalot ng nakapangingilabot na pakiramdam. Dilat at nanlilisik na mga mata ang sa kanya ay tumambad.
Madiin itong napapikit at napatingala, sa muli nitong pagmulat ay dahan-dahan na itong naglalakad papalabas ng kwarto pero bago pa man niya ito marating isang matinis at malakas na halakhak ang sa kanya ay nagpatigil.
"HAHAHA!!! Not so fast honey" Sabi ng babae habang ito'y tumatayo.
Maririnig mo ang tunog ng mga butong wari ba ay naisasaayos. Nanatili lamang na nakatalikod ang lalaki habang mahigpit na nakahawak sa doorknob. Muli itong napapikit ng mariin.
"Paano nga pag may ginawa ako" Ani ng babae at sa isang iglap lang ay nasa likod na ito ng lalaki, nakayakap habang hinahaplos ang dibdib nito.
"Hinding-hindi kita mapapatawad" Sagot ng lalaki.
Isang mahinang pagtawa ang kumawala sa babae at unti-unti itong bumitaw sa pagkakayakap sa lalaki saka naglakad ng limang hakbang paatras makaraan ay tumigil din. Hindi pa rin nawawala ang mala anghel nitong ngiti sa kanyang labi habang nakakatitig sa lalaki.
Humawak ang babae sa kanyang panga na wari ba ay nag-iisip ilang segundo itong nagtagal hanggang sa binasag ng babae ang katahimikan.
"Hindi mo ako mapapatawad?" Pag-uulit nito sa sagot ng lalaki.
"HAHAHA... t-talaga?" Mapang-uyam na tawa't pahayag at segunda niya.
Pumikit ang babae't tumingala sabay dila sa labi nito at sa muling pagtitig nito sa lalaki ay nanlilisiksik na dalawang pares na kulay berdeng mga mata ang sa kanya ay nakatingin.
Naging alerto ang lalaki at inihanda ang sarili sa ano mang magaganap dahil alam niyang muli ay may sinimulan na naman siya na kailangan niyang tapusin at sa pagkakataong ito sa mabuti at magandang katapusan.
Kahit gaano pa ka alerto ito ay hindi niya nagawang sabayan ang bilis at liksi ng babae at sa isang iglap ay hawak-hawak na siya nito sa leeg while pinning him on the door.
"Doing that same mistake again huh, di ka pa rin ba... NADADALA!" Sigaw nito sa kanya. Imbes na sumagot ay isang napakalakas na suntok ang dumapo sa pisnge nito dahilan para tumilapon ang babae.
*Bogsh*
"Yes, I'm doing it again but not the same mistake, this time hindi na ako magpapadala sa takot ko. If I need to kill you just to secure her safety and just to be with her, I will do that" Wika ng lalaki at sinugod ito.
Hindi binigyan ng pagkakataon ng lalaki ang babae at patuloy lamang sa pag-atake dahil alam niyang pagbinigyan niya ito ng pagkakataon ay katapusan na niya.
Isang pagkalakas-lakas na sipa ang dumapo sa tiyan ng babae dahilan upang bumaluktot ang katawan nito dahil sa lakas ng pwersa at tumama't bumaon sa pader.
"P-pagsisisihan mo...i-ito" Mahinang saad ng babae habag pilit na iniaalis ang sarili mula sa pagkakabaon sa pader.
Sa kabilang banda naman ay itinutok ng lalaki ang kanyang kaliwang kamay sa naturang babae habang ang isa naman niyang kamay ay nakahawak sa pulsohan ng kanyang kaliwang kamay ma wari ba ay inaalalayan ito sabay bigkas ng isang orasyon.
"Me tin karmikí arithmó ischýos trión,
Aftó to xórki deména kai kómpous na eínai,..""A-anong ginagawa...m-mo?" mahinang saad ng babae habang unti-unting tumatayo pero wala itong nakuhang sagot bagkus nagpatuloy lamang ang lalaki.
"...étsi óste to periechómenó tou na meínoun mazí,
kai den boreí na vlápsei tin anthrópini, thirío í tis kairikés synthíkes."
"Tumigil ka... TAMA NA, AHHHHHHHH!!" Sigaw ng babae habang unti-unting binabalot ng kulay gintong likido at makaraa'y binalot ng mga gumagapang na baging.
Nang masiguradong hindi na ito gumagalaw ay agad na nilisan ng lalaki ang lugar at wala pa mang limang minuto ang nakakalipas ay may dumating muli bitbit niya ang isang batang babaeng may pulang buhok atsaka itinabi sa katawang ng babae.
Ilang minuto siyang nakatayo lamang habang hindi inaalis ang tingin sa dalawang katawan. Nakita niyang kumilos ang kamay ng batang babae at makaraa'y unti-unting iminulat ang mga mata nito.
Sumila'y ang mga berdeng mga mata nito at nagpakawala ng isang matamis na ngiti.

BINABASA MO ANG
The Long Lost Queen Of Vampires
VampirIsang simpleng babae na may simpleng pangarap, ang makapasok sa akademyang matagal na niyang ninanais at hinahangad. Ang akala niyang simpleng buhay studyante ay magbabago at marami siyang makikilang iba't-ibang mga tao. Paano kung ang mga taong sa...