**********
**********
- Day 12 -
**********
**********
-Gina's Point Of View-
Up until now, sariwang-sariwa pa rin sa aking isipan yung mga katagang binitawan ni clemenz noong mga oras na iyon.
"Gina, I will court you"
"Gina, I will court you"
"Gina, I will court you"
"Gina, I will court you"
Urgh! what the hell! kaagad akong napaupo sa kama ko habang ginugulo ang buhok sa sobrang pagkairita. Kasi naman, sino ba namang hindi maiirita eh! hindi ako pinatulog eh! saka...
"Gina, I will court you"
*DUG*DUG*
Kaagad akong napahawak sa dibdib ko. Ba't ganito yung nararamdaman ko. Muli akong humiga sa kama at pumikit saka pilit binubura sa isipan ang mga katagang iniwan niya. Gusto niyo bang malaman ang buong nangyari? Eto oh.
[ flashback ]
Hindi ko talaga alam kung saan ako dadalhin ng lalaking 'to and since sinabi niya kanina na libre niya lahat, sino ba naman ako para tanggihan ang grasya na nakahain na 'di ba kaya sinunggaban ko na agad. Lahat ata ng booths ay napasukan na ata namin, iwan ko ba dito kay Clemz parang 'di na uubusan ng pera at parang hindi siya napapagod o na uubusan ng energy man lang.
"Wow! we are really a good team, panalo na naman tayo and rinig ko first time na may nakatapos sa larong yun and that is us! Oh, 'di ba ang galing!". Masigla at parang bata niyang pahayag habang papalabas kami sa Class 36, section Mercury. Oo nga 'no narinig ko rin yan kanina kasi naman, yung mga staffs ng booth na yun magbubulungan na lang eh! ang lalakas pa rin ng mga boses parang nakalukot ng megaphone kaya ayun, narinig ko. Saka ba't nila nasasabing ang hirap ni hindi nga kami napagod ni Clemz eh pinagpawisan lang saka may konting sira sa mga damit at galos . Alam niyo ba kung anong klaseng booth yung pinasukan namin syempre hindi kasi hindi ko pa nas-share kaya ngayon sasabihin ko na.
Ang tawag sa booth na yun ay Complete Me Booth. Isa siya sa mga mga branches na booth ng Couples Extreme Date Extravaganza o mas kilala sa tawag na CEDE at alam niyo naman hindi ba sa L.A lahat ay posible. So, ayon nga! yung CMB, isa siyang puzzle game, 3000 puzzle pieces to be exact ang bubuuin namin with a twist.
Kung nasa labas ka para lang talaga siyang normal na classroom pero pag nakapasok na kayo sa loob mamamangha talaga kayo kasi sa isang kisap mata lang nasa ibang lugar na kayo kumbaga maihahalintulad siya sa Dokodemo door ni doraemon. Ayun nga, pagkapasok namin sa loob ng dapat sana eh, classroom, ang bumungad sa amin ay isang kagubatan. Hindi mo maipagkakaila na para talaga siyang isang totoong kagubatan kasi lahat parang totoong-totoo talaga at nahahawakan pa.
Sa harap namin nagkalat ang 3000 pieces ng bubuuin naming puzzle without any kodigo of a picture basta bubuuin lang namin siya at kailangan mabuo siya within 20 minutes lang, yan ang dalawa sa mga twists ng game, yung pangatlo sabi ng host kanina surprise daw.Sinimulan na namin ang pagbuo sa puzzle at after 10 minutes nangangalahati na kami then, nakatawag ng pansin ko yung biglang paglitaw ng isang chimpanzee. Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy na lamang sa pagbuo sa puzzle pero bigla akong na alarma ng bigla silang dumami at alam ko na may gagawin 'tong mga hayop na ito kaya naman siniko ko si Clemz.

BINABASA MO ANG
The Long Lost Queen Of Vampires
VampireIsang simpleng babae na may simpleng pangarap, ang makapasok sa akademyang matagal na niyang ninanais at hinahangad. Ang akala niyang simpleng buhay studyante ay magbabago at marami siyang makikilang iba't-ibang mga tao. Paano kung ang mga taong sa...