*****************
*****************
-Day 5.1-
*****************
*****************
( a/n : guys pagtyagaan niyo 'tong chap na 'toh medyo sabaw may pinagdadaanan kasi :/ )
[ Author's Point Of View ]
Ikalawang araw na ito simula noong nangyaring insidente kay Kimmy at dalawang araw na din pero hindi pa rin siya gumigising. Kasalukuyang tinatahak ngayon ni Gina ang saan papunta sa kwarto kung saan siya naroon ngayon. Sa kanyang pagpasok ay agad niyang nakita ang isang babaeng may maamo at mahimbing na natutulog. Lumapit siya sa tabi nito saka nilagay ang supot na kanayang dala na may lamang prutas at inilagay ito sa mesa na nasa tabi nito at saka umupo, hinawakan niya ang kamay nito bago magsalita.
"Kimmy, tama na yang beauty sleep mo maganda ka na naman eh . . . sige ka baka makahanap ng iba yang ay moa lam mo naman kung gano yun kalandi diba kaya gumising kana atsaka . . . Kim na mimiss kana ng barkada".sabi niya na bakas ang lungkot sa mga tinig. Nanlaki ang kanyang mga mata ng maramdaman niya ang pagkilos ng daliri nito. Dali –dali siyang tumayo at pinindot ang pulang buton bago nag wika.
"Nurse . . . p-parang magkakamalay nap o ang pasyente dito".sabi niya ng may halong pagkagalak at halong pag-aalala sa boses.
[ . . . sige po ma'am, ano po pala room number niyo ? ]
"Ahm . . . room 10 po pwedeng pakibilisan lang ha"
[ 'wag po kayong mag-alala ma'am ilang sandal na lang may darating na po diyan . . . ]
"Maraming salamat".wika niya umalis siya sa upuan, nagpalalakad –lakad habang hindi mapakali.
"hmmm . . .".ungol ng kaibigan at agad siyang napatigil saka nilapitan ito.
Bigla itong dumilat dahilan para saglitang magitla si Gina at bahagyang mapaatras lalapit na sana siyang muli ng biglang bumaling ang tingin nito na nakapagpatigil sa kanya sa paghakbang pa abante. Namumula at nandidilat na mga mata ng kaibigan ang sumalubong sa kanya mga titig dahilan para manigas siya sa kinatatayuan at magsimulang mangibabaw ang takot sa buo niyang katawan.
--
[ Gina's POV ]
Nanginginig at hindi ako makakilos mula sa kinatatayuan ko habang nakatuon lamang ang atensyon kay Kimmy na ilang hakbang lang ang layo mula sa kinahihigaan niya.
Humakbang ako ng isang hakbang paatras ng makita kung unti –unti na siyang bumabangon mula sa pagkakahiga. Hindi ko alam bakit ako humahakbang paatras, kung bakit kaba at takot ang nararamdaman ko sa mga oras na ito imbis na saya.
Hindi pa rin nawawala ang kaba, panginginig at takot sa aking katawan. Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan siya. Nakaupo habang nakayuko siya at natatakapan ang mukha ng hibla ng kanyang mga buhok dahilan para hindi ko maaninag ang kanyang mukha. Ilang minute kaming ganon ng naglakas loob akong mgasalita.
"Kimmy s –si Gina 'toh . . . k –kaibigan mo".wika ko pinilit kung itago ang panginginig sa aking boses pero hindi ko nagawa at wala rin akong sagot na nakuha mula sa kanya.
"Kim -------------"
"aaaAAAAHHHHHHHHHHHHH"
Napatakip ako ng tenga at mariing napapikit ng siya'y sumigaw ng ubod na pagkalakas at pagkatinis na boses.
Ng tumigil na ito ay unti –unti kung dinilat ang aking mga mata at tumingin sa direksyon kung saan nakatayo si Kimmy at nakayuko. Sa aking paghakbang pa atras ay siya namang biglang pag-angat ng kanyang mukha habang ang mga mata'y nanlilisik na nakatitig sa akin.
Unti –unti siyang humakbang pasulong papunta sa akin na pasuray –suray wari ba'y isa siyang lasing habang umuungol.
Gusto kung kumilos at tumakbo papalayo sa kanya pero hindi ko magawa para bang nilagyan ng semento ang aking mga paa. Papalapit na siya ng papalapit sa kinaroroonan ko at unti –unti na rin akong kinakain ng takot ko, pinikit ko na lamang ang aking mga mata . . . may tiwala ako kay Kimmy alam kung hindi niya ako kayang saktan.
*BLAG*
Napamulat ako at napatingin sa pinto doon ay nakita ko sin a humihingal at sa likod niya ay ang doctor at nurse. Nabunutan ako ng tinik at unti –unting humupa ang takot na nararamdaman ko. Tumingin ako sa direksyon ni Kimmy pero wala na siya sa harapan ko kundi nasa isang sulok siya ng kwarto habang nakatakip ang mga kamay sa mukha at nanginginig.
"Kim".sambit ko sa pangalan niya at humakbang papalapit sa kanya.
"Wag kang lumapit sa kanya !!".ma –otoridad na sabi ni Aeron na nakapagpatigil sakin sa paghakbang tumingin ako sa kanya ng may nangungusap na mga mata.
"bakit?".mahinang sabi ko pero sapat na upang kanyang marinig. Sinenyasan niya ang doctor at mga nurse na pumasok sa loob, Nilagpasan nila ako at lumapit kay Kimmy.Sinudan ko sila ng tingin at nakita kung naglabas ng isang injection ang doctor at isang boteng may lamang puting likido pagkatapos ay pinitik –pitik niya ito saka niya tinurok sa may bandang siko nito.Ilang minute lang ay nawalang na ng malay si Kimmy akala ko ay ibabalik na siya nito sa kanyang pagkakahiga pero hindi pala.
"Dalhin na siya".mahinahon na sambit ni Aeron na siyang dahilan para muli akong mapatingin sa kanya.
"T-teka sandal anong gagawin niyo sa kanya atsaka saan niyo siya dadalhin".bakas ang pagkataranta sa boses ko. Agad akong nilapitan ni Aeron at pinigilan sa pagsunod sa mga doctor.
"Teka Aeron bitawan moko kailangan ko silang sundan baka kung anong gawin nila sa kanya".sabi ko pero hindi ako pinakinggan nito at hinawakan lang ako ng mahigpit sa braso, ng makalabas sila ng kwarto ay ay agad akong tumingin sa kanya at siya din sakin.
"Aeron ano ba talaga ang nangyayari . . . a –at saan niyo dadalhin ang kaibigan ko?".pagmamakaawang tanong ko sa kanya, unti –unting lumawag ang pagkakahawak niya sa aking braso saka ito binitawan, tumalikod at humakbang papalabas.
"T-teka san ---sino ka!! Bitawan mo ko!".sigaw ko at nagpumiglas dahil may isang lalaki ang humawak sa kanang braso ko para pigilan ako sa pagsunod kay Aeron. Naramdaman ko na lamang ang isang kamay ng lalaki sa aking ulo at nagliwanag ito.
Unti –unti akong nakaramdaman ng antok at unti –unting nalalabo ang aking paningin pero bago ito tuluyang lumabo ay nakita ko pa si Aeron na lumingon at nagsalita pero hindi ko na iyon narinig and everything went black.
--
( I T U T U L O Y ) a/n J
COMMENT
VOTE
and be a FAN !! kailangan .-Arigatou ne<3-

BINABASA MO ANG
The Long Lost Queen Of Vampires
VampirosIsang simpleng babae na may simpleng pangarap, ang makapasok sa akademyang matagal na niyang ninanais at hinahangad. Ang akala niyang simpleng buhay studyante ay magbabago at marami siyang makikilang iba't-ibang mga tao. Paano kung ang mga taong sa...