Isang simpleng babae na may simpleng pangarap, ang makapasok sa akademyang matagal na niyang ninanais at hinahangad. Ang akala niyang simpleng buhay studyante ay magbabago at marami siyang makikilang iba't-ibang mga tao.
Paano kung ang mga taong sa...
Dahan-dahang lumapit ang lalaki kay Gina at akmang hahawakan ang buhok nito ng kaagad akong nagsalita.
"Don't you dare lay your filthy hands on her". May diing sabi ko. Tinaas niya ang dalawang kama niya saka nagkibit balikat.
"okay". Simpleng sabi nito. Nabigla ako ng bigla niyang sinipa si Gina ng pagkalakas-lakas. Narinig ko ang malakas na pagdaing niya habang lumilipad sa ire. Nanlaki ang mga mata ko. Shit! tatama siya sa pader kaya ginamit ko ang aking bilis at mabilis pa sa alas kwatrong sinalo siya bago pa man siya tumama sa pader.
Niyakap ko siya habang nakalutang kami sa ire at unti-unting ibinaba at inilapag sa sahig. Tiningnan ko siya nakapikit siya at bakas sa mukha niya ang sobrang sakit.
"Gina". Mahinang tawag ko sa kanya habang hinahawi ang ilang mga hibla ng kanyang buhok na tumatakip sa kanyang mukha gamit ang isa ko pang kamay. Unti-unting niyang iminulat ang kanyang mga mata at kahit hirap na hirap na siya ay bahagya niya akong nginitian.
"A-Aeron". Utal at nanghihinang pagtawag niya sa pangalan ko. Alam kong magsasalita pa siya pero pinigilan ko na siya gamit ang hintuturong daliri sa aking kamay na siyang ginamit kong panghawi sa ilang hibla ng kanyang buhok kanina.
"Everything's gonna be fine Gina, I promise just, hold on for a little 'kay? I just need to finish the bastard that do this to you". Kalmadong sabi ko sa kanya habang inaayos ko ang pagkakahiga niya. Nang masiguro kong maayos na ang pagkakapwesto niya ay hinarap ko na ang lalaking prenteng nakaupo sa harap ko.
"Bravo, bravo! what a lovely scene, sobrang kinilig ako". Sabi niya habang papatayo mula sa pagkaka-upo at pumapalakpak pa.
"Alam mo---
"Enough with the talking!". Sabi ko at mabilis na sinugod siya. Sinuntok ko siya ng pagkalakas lakas at nasalag niya iyon pero dahil sa malakas na pwersang pinapakawalan ko sa suntok kung iyon at lumipad siya sa ire at buma-on sa pader.
"Not bad...". Sabi niya habang kumakawala sa mariing pagkakabaon sa pader. "but it's not enough!". Segunda niya at siya naman ang sumugod. Pina-ulanan niya ako ng mga santok pero lahat ng iyon ay nasasalag ko.
"Yan lang ba ang kaya mo?". Nakangising tanong ko habang sinasalag at umiiwas sa mga pagsuntok at pagsipa niya sa akin.
"YOU!". Sigaw niya sakin at nagpakawala ng napakalakas na suntok dahilan para napaatras ako ng ilang dipa at kitang- kita ko ang napakalim na linya kong asan ako nakatayo kanina na dulot ng malakas na suntok na pinakawalan niya.
"Pagbabayaran mo ang pakiki-alam mo!". May diing sabi niya. Mas naging mapula pa ang kanyang mga mata. Masaya 'to! ngayon pa lang magsisimula ang totoong laban. Isang bulang itim ang ngayon ay nasa kanyang kamay saglit niya itong nilaro at saka nakangising tumingin sa akin. Walang anu-ano ay ibinato niya ito sa akin at ako naman ay mabilis naman na umilag. Tumama ang bulang itim sa lampshade ni Gina at bigla na lang itong natunaw na parang binuhusan ng acido kasama na ang cabinet kung saan nakalagay ang lampshade.
"Oh, what a wonderful power you have pero parang napaka makapangyarihan naman ng kapangyarihan mo eh isa ka lang namang hamak na Class E, matanong nga kita sino ba ang master mo?". Nang-uuyam na tanong ko sa kanya. Hindi ko napigilang mapangisi sa nakita kong reaksyon mula sa kanya.
"What's with the reaction?". Nakangising tanong ko sa kanya.
"P-paano mo n-nalaman?". Utal na sabi niya. "I-isa ka b-bang... royale vampire?". Segunda pa niya. Lihim akong natawa.
"Bingo". Sagot ko at sinugod siyang bigla. Sinikumuraan ko siya ng pagkalakas-lakas na halos ikabaluktot ng kanyang katawan at halos lumabas na ang aking kamao sa kanyang likuran. Napasuka siya ng dugo at lumipad sa ire saka siya muling buma-on sa kisame. Hindi rin siya nagtagal doon at nahulog.
Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya saka ko mahigpit na hinawakan ang buhok niya.
"Yan lang ba ang kaya mo?". Tanong ko sa kanya. Nginisihan lang niya ako at dinuraan. Napabitaw ako sa kanya saka napahawak sa mukha ko. Letseng hayop na 'to dinuraan pa ako. Humanap ako ng pamunas at dahil sa wala akong nakita, sinira ko yung damit dapat niya saka yun ang ipinunas ko sa mukha ko.
Walang sabi-sabi ay binaon ko ang aking kamay na may matutulis na kuko sa kanyang tiyan. Kinalikot ko ito ng kinalikot hanggang sa mahanap ko ang aking pakay. Pumikit ako. Nakita ko ang isang usok na kulay itim na pigurang babae na nakaharap sa bintana.
"Sino ka?". Tanong ko pero ilang segundo at minuto pa ang nakalipas ay hindi niya ako sinagot. Nakaramdam ako ng presensya sa aking likuran at alam kong aatake ito at tama nga ako.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Isang kusarigama ang kamuntikan ng tumama sa akin. Tumalon ako at ngayon ay nasa ire ng bigla na namang may umatake galing sa aking likuran.Sinipa niya ako at mabuti na lang mabilis ang reflexes ko at nasalag ko ito pero dahil sa lakas ng pwersa ng pagkakasipa sa akin ay napasubsob ako sa sahig.
Kaagad kong hinugot ang kamay ko mula sa pagkakabaon sa tiyan nitong low-life na bampirang ito pero bago ko tuluyang mailabas ang kamay ko ay narinig ko ang mga katagang ' papatayin ko siya ' na isinambit ng itim na usok.
Hindi ko inaasahan ang atakeng pinakawalan ng lalaking nakahiga sa aking harapan. Isang bulang itim ang tumama sa aking tagiliran at nabutas ito. Kaagad akong napalayo sa kanya. Tingnan ko ang malaking butas sa aking tagiliran at saka ko tiningnan ang lalaking papatayo.
"A-aeron". Tawag ni Gina sa akin. Tiningnan ko siya at nginitian lang. Tiningnan ko ang pintuan ba't ang tagal ng babaeng yun. Muli kong ibinaling ang atensyon ko sa lalaki. Na nakatayo na sa harap ko.
"Master". Sabi ng isang tinig sa pinto kaya lumingon ako.
"Ba't ang tagal mo? Mamaya na tayo mag-usap for now dalhin mo na si Gina sa Lamia Hospital, Go!". Mautoridad na pahayag ko. Kaagad naman siyang tumalima.
"K-Kimmy?". Rinig ko pa ang mahinang pagsambit ni Gina kay Kimmy habang papalabas sila ng silid.
"Filothea". Sambit ko.
"Yes Master"
"Follow them, Make sure you eliminate all her memories on this". Kalmado at seryosong sabi ko. Kaagad naman itong tumango at tumalon sa pinto.
"Asan na nga tayo?". Baling ko sa lalaki at nakangisi siyang tiningnan. Itinaas ko ang isang kamay na nakabuka at itinutok ito sa kanya.
"G-gintong mga m-mata". Utal- utal na sambit niya at ikinuyom ko ang aking kamay.