- Day 13 -

1.4K 72 2
                                    

**********

**********

- Day 13 -

**********

**********

- Gina's Point Of View -


"AAAAAHH!! sino k-hmp-ump!". Sigaw ko dahil sa sobrang pagkagulat pati hindi ko na rin naituloy yung sasabihin ko kasi maagap niyang tinakpan ang bibig ko gamit ang kanyang isang kamay. Papaano siya nakapasok dito? Wala akong matandaan na may pinapasok ako, posibleng kayang... pero paano?!. Ang daming tanong ang pumapasok sa isip ko ngayon pero sa lahat ng yun tatlo lang ang mas nangingibawbaw sa buong pagkatao ko. Una, pagkalito. Pangalawa, kaba at pangatlo, takot.

 Walang sabi-sabi ay biglang dumagan ang lalaki sa akin. Pinaghahampas ko siya, pilit na inaalis ang kamay niyang nakatakip sa aking bibig habang nagpupumiglas at pilit na kumakawala. Ginamit ko yung mga iba't-ibang techniques na natutunan ko sa martial arts para lamang makawala sa kanya pero wala pa rin itong nagawa. Bigla niya akong sinikmuraan na halos ikawala ng aking ulirat pati na rin ng aking buong lakas. Gamit ang isa pa niyang kamay ay hinawakan niya ang dalawa kong kamay sa pulsuhan sa ipinaibabaw sa aking ulo.

"Tinatanong mo kung sino ako 'di ba? HAHA! hindi mo na kailangang malaman pa kung sino ako dahil mamamatay ka rin naman! sayang ka at maganda ka pa naman". Sabi niya at saka siya lumapit sa mukha ko at inamoy-amoy ako.

"Kilalanin mo kasi kung sino ang iyong babanggain!". Segunda pa niya sabay dila sa pisnge ko pataas. Nakakadiri! kilalanin? binabangga? wala akong maalala na may ginawan akong masama. Kahit na sa past school ko wala akong maalala. Sino ba ang may pakana nito, bakit at anong motibo niya. Litong-lito na ang utak ko. Hindi ko na rin masyadong makita kung ano man ang ginagawa niya dahil nanlalabo na ang paningin ko dahil sa pagbuhos ng aking mga luha.

"Hm, pero bago ko muna kunin ang buhay mo, hayaan mo munang matikman kita". Pahayag niya at unti-unti niyang tinanggal ang pagkakatakip ng kanyang kamay sa aking bibig at pinaglandas ito sa aking katawan. Mas lalo akong napaiyak.

"P-please p-parang awa... mo na i-itigil mo na yan. TULONG! TULUNGAN NIYO AKO!". Pagmamakaawa kong sigaw habang humingi ng tulong.

"Walang makakarinig sa pagihingi mo ng tulong, HAHA! baka nakakalimutan mong ang bawat kwarto dito ay soundproof kaya kahit anong sigaw at paghingi ng tulong ang gawin mo walang makakarinig sayo at kung ako sayo tumahimik ka na lang at sundin mo ang lahat ng ipapagawa ko sayo kung gusto mo pang mabuhay!". May diing pahayag niya. Walang anu-ano ay winarak niya ang aking pang itaas na damit at muling iginala ang kanyang mga kamay sa aking katawan.

"T-tama n-na!, p-please t-tumigil ka na". Utal-utal at mahinang ani ko habang patuloy pa ring tumatangis. Diyos ko, tulungan niyo po ako hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Diyos ko tulungan mo ako, bigyan mo ako ng konting lakas , konting lakas lang para makawala at makatakas sa demonyong ito. Pagsusumamong saad ko sa aking isip.

 Huminga ako ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili. Hindi pwedeng ganito na lang. Sa mga sitwasyong ganito wala akong ibang maaasahan kundi ang sarili ko lamang. Kailangan kong lumaban.

 Naramdaman ko ang isang kamay niya sa aking bandang tiyan at kumikilos pa ito pababa. Napansin kong medyo naging maluwag ang pagkakahawak niya sa dalawa kong kamay. Ito na ang pagkakataon na hinihintay ko.

  Humugot ako ng isang malalim na paghinga at ibinuhos ang lahat ng natitira kong lakas sa pagtulak sa kanya ng malakas. Nagtagumpay ako. Tumakbo ako sa pinto ng kwarto ko at binuksan ito saka kaagad na tumakbo palabas ng unit ko. Hindi ko na inalintana ang mga nasasagi kung bagay basta ang tanging nasa isip ko lamang ay makalabas.

 Malapit na ako sa pinto, konting-konti na lang pero nahawakan niya ang pulsohan ko at marahas na hinila't saka binitawan dahilan upang mawalan ako ng balanse at matumba.


*BLAG!*


"O-ouch!". Daing ko. Pilit akong tumayo kahit na sobrang sakit ng katawan ko dahil sa aking pagbagsak ngayon-ngayon lang.

"Akala mo ba makakatakas ka sakin, pwes! nagkakamali ka!". May diing sabi niya saka mahigpit na hinawakan ang aking buhok. Ang sakit parang natatanggal na pati anit ko at hinila akong muli papunta sa kwarto pero bago pa man niya ako tuluyang maipasok ay may nakapa ako sa sahig, isang gunting. Kaagad ko itong hinawakan at walang anu-ano ay sinaksak sa kanyang binti. Nabitawan niya ako at napahiyaw sa sakit.

"AAH! FVCK!". Sigaw niya sa sakit. Marahas ko siyang tinulak at ako naman ay hinang-hinang tumayo. Hindi pa man ako tuluyang nakakagawa ng isang hakbang ay nahawakan na naman niya ang isa kong paa dahilan para muli akong mawalan ng balanse at matumba. Muli akong napadaing sa sakit pero hindi ko na iyong inalala. Pinagsisipa ko siya pero hindi pa rin siya natinag. Muli siyang humiyaw ng hugutin niya ang gunting na nakabaon sa kanyang binti at tinapon ito.

 Unti-unti siyang tumayo habang hawak pa rin ang isang paa ko. Pilit pa rin akong kumakawala at nagpupumiglas mula sa kanya. Nang maayos na siyang nakatayo ay binigyan lang niya ako ng isang nakakapangilabot na ngiti. Isang ngiti na ngayon ko lang nakita. Isang ngiti na siyang nakapagpatayo ng aking mga balahibo sa unang pagkakataon. Isang ngiti na siyang dahilan upang balutin ng matinding takot ang buong katawan ko. Isang ngiti ng isang totoong demonyo.

Dumoble, hindi trumiple ang pagkalabog ng puso ko sa sobrang nararamdaman kong pinaghalong kaba at takot ngayon. Bigla akong napatitig sa kanyang mga mata at napansin kong iba ang mga ito, ang kulay ng mga mata nito. Parang hindi mata ng isang pangkaraniwang tao.Nanlilisik at kulay pula ang mga ito, sobrang pula at tingkad na parang katulad ng isang dugo at ang itim sa mata nito ay parang katulad sa isang ahas.

"Hindi ba sabi ko kanina sa iyo na sundin mo lang ang lahat ng gusto kong ipagawa sayo kung, GUSTO MO PANG MABUHAY!!". Sigaw niya. Binitawan niya ang pagkakahawak sa aking isang paa at pumunta sa may bandang leeg ko, mariin akong hinawakan nito sa magkabilang balikat. Napa- aray ako sa sobrang sakit pati sa hapdi na wari ba ay may bumabaong mga matutulis na kuko sa aking magkabilang balikat.

Inilapit niya ang kanyang katawan sa akin at ako naman ay pilit na inilalayo sa kanya ang aking sarili. Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa aking mukha na wari ba ay hahalikan ako kung kaya ay kaagad ko itong ibinaling sa ibang direksyon.

"Halika... rito!". Sabi niya. Hindi pa rin natatanggal ang malademonyong ngiti na nakalarawan sa kanyang mukha. Muli na namang tumakas ang mga luha sa aking mga mata. FVCK! 'di dapat ganito, dapat akong lumaban.

"TULONG!! TULUNGAN NIYO AKO! TULONG!!!". Sigaw ko habang nagpupumiglas at pilit pa ring inilalayo ang aking sarili sa kanya.

*PLUGSH!*

"A-aray!". Daing ko ng bigla niyang i-untog ang ulo ko sa pader ng pagkalakas-lakas. Hawak- hawak niya lamang ang ulo ko gamit ang isa niyang kamay. Ang lakas niya, paanong ang isang pangkaraniwang tao na tulad niya ay may ganitong pambihirang lakas. Tao nga ba ito?

---

NOTE: Dito na lang muna :* kaway- kaway pala sa mga bago :)

The Long Lost Queen Of VampiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon