2

13.5K 302 16
                                    

HINDI makatulog si Selena matapos ang pag-uusap nila ni Andy. Matapos kasi nito sabihin ang kundisyon nito, hindi siya nakasagot agad. Lumabas siya sa balcony ng kwarto at pumasok lang siya ulit sa kwarto nang makatulog na si Andy.

She loves Andy, ayaw niya itong mawala pero maaatim ba niya na makipagsiping sa kapatid nito at magpaanak para lang pumayag ang asawa na magpagamot sa ibang bansa? Hindi niya maiwasan ang ma-dissapoint. Para kasing ipinapamigay siya ng asawa sa ibang lalaki, parang ipinapagamit siya nito sa iba ng ganoong kadali.

Inayos ni Selena ang kumot ni Andy bago siya lumabas ng kwarto. Bumaba siya sa kusina para uminom ng tubig. Isang malamlam na ilaw lang sa pader ang tanglaw niya habang papalapit siya sa refrigerator, hindi na siya nag-abala na buksan pa ang ilaw sa kisame.

Yumuko siya para abutin ang babasaging pitsel sa ref at nagsalin sa baso na kinuha niya. Halos naubos niya na ang isang baso pero nagsalin pa siya ng panibago. Ibinalik niya sa loob ng ref ang pitsel, pagkatalikod niya, bumangga siya sa malapad na dibdib ni Greg, na hindi na pala niya namalayan na nasa likod na niya.

She was startled, natapon tuloy ang tubig sa baso na hawak niya sa kanilang dalawa.

"I-I'm sorry!" naglakad siya papalapit sa counter, ibinaba niya doon ang baso at kumuha ng tissue. Agad niyang pinunasan ang nabasang damit ni Greg.

"Hey, that's alright. Nabasa ka rin, it's my fault din naman. Mukhang nagulat ata kita." saad ng lalaki sabay sulyap sa katawan niya.

Pinamulahan si Selena ng mukha nang mapansin na basa nga rin ang suot niyang puting oversized shirt. Pasimple siyang humalukipkip, bakat kasi ang dibdib niya, hindi niya alam kung napansin iyon ng lalaki. She's only wearing that and a panty shorts.

"B-bakit kasi para kang kabute, bigla-bigla kang sumusulpot." huli na para ma-realise ni Selena ang sinabi.

Natawa naman si Greg, "You're cute."

She cleared her throat and bit her lower lip. Nag-iwas siya ng tingin sa binata. Dinala niya ang ginamit na baso sa lababo at hinugasan iyon bago niya ulit ibalik sa lagayan.

"You can't sleep?" sabi ni Greg. Binuksan nito ang ref at kinuha ng karton ng gatas. Nagsalin ito sa baso na nasa counter, "Ganyan din ako kapag may iniisip na problema, you want to share? Pwede ako makinig."

Nagdalawang-isip si Selena kung sasabihin ba niya sa lalaki ang problema niya. Pero what she can do? Gulong-gulo na siya. Wala naman siyang ibang mapagsabihan, that topic was too personal, ayaw niyang malaman iyon ng mga magulang niya pati ang ilang ilang malapit niyang kaibigan.

Pero si Greg, involved naman ito sa problema niya kaya bakit hindi na lang siya dito mag-kwento? Umupo siya sa high stool chair sa tabi ni Greg, iniusog naman nito sa harap niya ang baso ng gatas.

"Drink that milk, para madali ka na makatulog mamaya."

Nanatili siyang tahimik, nakatitig lang siya sa baso ng gatas sa harap niya. Nakamasid naman sa bawat galaw niya si Greg.

"Kung ayaw mo pag-usapan, ayos lang—"

"H-humingi ng kondisyon si Andy sa akin," lakas-loob na panimula niya, Greg nodded to her, encouraging her to speak more, "H-he said, papayag lang siya sa gusto ng parents niyo na magpapagamot siya sa US kung....kung papayag ako na sumiping at magpaanak sayo." there, she said it. Wala nang atrasan iyon.

Hinintay niya ang magiging reaksyon ni Greg. She's expecting him to freak out but he did not. Nagsalubong ang mga kilay niya nang mapansin na parang hindi man lang nagulat ang lalaki sa sinabi niya, then her eyes widened when she conclude something.

ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon