4

15.6K 309 22
                                    

UMIIYAK na isinubsob ni Selena ang mukha sa unan nang makapasok siya sa kwarto niya. She felt so guilty.

Akala niya, madali lang ang lahat. Ang pagbigyan ang kahilingan ng asawa niya, na makipagsiping at magpabuntis kay Greg pero kapag pala nandoon na at nangyayari na, sobrang hirap pala. She also felt so...dirty. Wala pa man pero ganoon na ang pakiramdam niya, paano kaya kapag nakipag-sex at nabuntis na siya ng kapatid ng asawa niya?

Oh, God! Ano ba ang pumasok sa isip niya at pumayag siya sa gusto ng asawa niya?! Kasalanan sa Diyos ang ginagawa nila! Muli siyang napahagulhol ng iyak. Hindi alam ni Selena kung anong oras na siya nakatulog, nakatulugan na kasi niya ang pag-iyak.

Nagising na lang si Selena kinabukasan dahil sa sinag ng araw na bahagyang tumatama sa mukha niya mula sa nakabukas na bintana. Hindi pala niya naisara ang bintana sa kwarto niya kagabi. Umupo siya sandali sa kama niya bago siya nagdesisyon na pumasok sa banyo para gawin ang morning routines niya.

Hindi niya maiwasang pagmasdan ang sariling reflection sa harap ng salamin. Mugto ang mga mata niya sa kakaiyak, medyo namumula pa nga ang mga iyon. Ipinilig ni Selena ang ulo, pumasok siya sa shower stall at naligo.

Nang makababa siya sa kusina, naabutan niya doon si Greg na naghahanda ng almusal nila. Nakaramdam siya ng hiya. Hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang lalaki matapos nang nangyari sa kanila kagabi.

"El! Good morning!" he said while smiling at her. Ipinaghila rin siya nito ng upuan.

"T-thanks." matapos niya maupo, naupo na rin ang lalaki sa harap niya. Ipinagsalin din siya nito ng fried rice sa plato niya. Akmang pagsasalinan din siya nito ng ulam nang pigilan na niya ito.

"A-ako na lang, k-kuya." kinuha niya ang plato na pinaglalagyan ng ulam mula dito. Hindi na naman tumutol ang lalaki at hinayaan na siya.

Nagsimula sila kumain. Tanging tunog lang ng mga kubyertos ang naririnig sa pagitan nila. Sumulyap siya kay Greg, nag-abang siya ng tiyempo kung paano io-open up dito 'yung nangyari kagabi.

"About last night—"

"'Yung nangyari kagabi—"

Sabay nilang sabi. Parehas din silang natahimik. Greg heave a deep sigh.

"About last night, I want to say sorry, El. Hindi ko dapat ginawa iyon. Alam kong nabigla kita." he sincerely said.

"G-gusto ko rin mag-sorry, alam ko na napag-usapan na natin ito, may kontrata na...kaya lang, hindi pa pala talaga ako..handa."

Ngumiti si Greg sa kanya, he nodded, "That's okay, I understand. Ang mas mabuti pa, huwag mo muna masyado isipin ang tungkol sa contract natin."

"S-salamat." nahihiyang saad ni Selena. Nagpatuloy sila sa pagkain. Napaangat lang siya ng tingin nang tumikhim ang lalaki.

"Ahm, gusto mo bang samahan kita na mamasyal dito sa isla? Para rin hindi ka ma-bored habang nandito tayo." alok ni Greg sa kanya.

"T-talaga kuya? Pwede?"

Ngumiti si Greg, "Oo naman. I'll tour you around, kung ayos lang sayo na kasama mo ako."

Nang matapos sila kumain, si Selena na ang nagpresinta na maghugas ng mga pinagkainan nila, hinayaan na lang siya ni Greg. Nagpaalam sandali ang lalaki na aakyat sa kwarto nito para maligo. Nang matapos si Selena sa ginagawa, naupo muna siya sa living room habang hinihintay si Greg.

Inabala muna niya ang sarili sa pagtingin sa mga pictures nila ng asawa. Wala naman kasing internet o data connection sa isla kaya hindi niya makamusta ang mga biyenan o ang asawa mismo sa ibang bansa. Hindi niya tuloy maiwasang mag-alala para kay Andy.

ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon