8

16.4K 300 37
                                    

🔞

"WOW! You have a yacht? Seriously, gaano ka ba kayaman?" namamanghang saad ni Selena kay Greg habang inaalalayan siya ng lalaki pasakay ng yacht. Hindi naman sumagot ang binata at natatawa lang na hinalikan siya sa sentido niya. Nagulat na lang kasi siya habang naglalakad sila ni Greg sa dalampasigan nang matanaw ang yate, hanggang sa dumaong na iyon sa tila pinaka-dock ng isla. Mas nagulat pa siya nang yayain siya ng binata pasakay sa yate nang makalapit sila doon.

First time ni Selena na makasakay sa isang yacht kaya hindi talaga niya mapigilang mamangha. Too bad, hindi niya nadala ang cellphone niya para makapag picture man lang siya. Sa mga movies, internet at magazine lang naman kasi siya nakakakita ng yacht. Nang makarating sila ni Greg sa deck, nagulat siya nang makita na may naka set-up na mesa for candlelight dinner doon.

"Do you like it?" tanong sa kanya ni Greg. Kumalas siya mula sa pagkakakapit sa bisig ng binata at tumayo sa harap nito.

"Are you serious?! I love it!" she tiptoed and kiss him on his lips. Nakangiting ipinaghila siya ni Greg ng upuan bago ito naupo sa tapat niya. Lumapit naman ang dalawang lalaki sa kanila, looks like a waiter at ipinagsalin sila ng tubig sa mga baso habang ang isa ay inihain sa mesa nila ang appetizer. May isang lalaki rin na sumulpot na nagsimulang tumugtog ng violin. Nagsimula rin umandar ang yacht hanggang sa huminto iyon hindi kalayuan sa isla. Napangiti si Selena sa papadilim na tanawin sa kalangitan at karagatan.

"How's the food, baby?" tanong ni Greg habang kumakain sila. Marahan pa nitong pinunasan ang gilid ng labi niya.

"The best. Sobrang sarap, puro favorite ko pa itong mga naihain sa atin."

Malawak na napangiti si Greg, "I'm glad that you like it, baby. I personally choose the menu for us."

"Wait, is it only coincidence o talagang puro favorite food ko ang nirequest mong ipahain sa atin?"

"Then I'm not going to tell you." anang lalaki sabay pilyo siya nitong kinindatan. Natatawang napailing na lang si Selena. Greg is really an unexpected person. He's always full of surprises.

"May I have this dance?" ani Greg habang nakalahad ang kamay sa kanya. Nakangiting tinanggap iyon ni Selena. They started slow dancing, her arms wrapped on his neck while his arms around her waist.

"It's my dream date setting," she said randomly, inangat niya ang tingin at sinalubong ng tingin ang binata, "Romantic candlelight dinner on the yacht in the middle of the sea. Hindi ko alam kung nagkataon lang pero I want to thank you for making one of dreams came true."

Isinandal ni Greg ang noo nito sa kanya, he gently kiss the tip of her nose, "All for you, Selena. I'll do anything for you." he whispered before claiming her lips. Magaan ang bawat paghalik ni Greg, but it's sensual, and it was like he's savoring that moment. Napakalas siya ng halik sa lalaki nang makarinig nang tila pagputok sa kalangitan.

When she look up, she saw the fireworks display.

At kahit hindi sabihin ni Greg, alam niyang ito rin ang may pakana 'non. And she loves it. It was so romantic. Kapag nakabalik na sila sa siyudad, duda siya na makakalimutan niya ang lahat ng nangyari sa pagitan nila ni Greg sa isla na iyon. Duda siya na makakalimutan niya lahat ng ginawa ng lalaki para sa kanya, para mapasaya siya.

Nang matapos ang fireworks display, niyakag na siya ni Greg papasok sa isa sa mga cabin sa yate. Doon raw sila magpapalipas ng gabi. Lumabas ulit sandali si Greg para kausapin ang mga tauhan nito, siya naman ay pumunta sa banyo, naghubad ng damit at nagbabad sa bathtub. She's busy playing with the bubbles in tub when she saw Greg, nakasandal ito sa nakasaradong pinto ng banyo at nakangiting pinapanood siya.

ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon