10

14.3K 296 19
                                    

KINAKABAHAN na lumapit si Selena sa mga biyenan at nagmano. Pasimple namang nagpaalam sa kanya si Tamara at nag-excuse sa mga bagong dating na bisita para umalis habang hila nito ang nobyo na bitbit ang kahon ng pizza.

"Selena, tama ba yung dinig ko na sinabi ni Tamara? Buntis ka?" muling tanong sa kanya ng biyenan na babae.

Napilitan siyang tumango sa babae, "O-oho, mag-iisang buwan na."

"How's that possible?" salubong ang mga kilay na tanong naman ng biyenan niyang lalaki. Kahit hindi nito sabihin, alam niyang duda na ito na ang anak nitong si Andy ang ama ng dinadala niya. Alam din kasi ng mga ito na wala pa sanang plano si Andy na magkaanak sila noong malakas at nabubuhay pa ito dahil nga masyadong busy ang lalaki sa profession nito.

Wala sa loob na napahawak si Selena sa tiyan, nagtatalo ang kalooban niya kung sasabihin sa mga ito ang tungkol sa kahilingan ng asawa bago ito mamatay, lalo na ang tungkol sa kontrata na namagitan sa kanila ni Greg.

"It's Andys' dad. Selena undergo IVF."

Napaangat si Selena ng tingin kay Greg. Pasimple itong tumango sa kanya, na parang sinasabi na huwag na siyang mag-alala dahil ito na ang bahala.

"May alam ka tungkol dito, Gregory?" hindi makapaniwalang tanong ng biyenan niyang babae sa anak nito.

"Kinausap ako ni Andy bago kayo magpunta ng States, nakiusap siya na samahan ko si Selena sa clinic kung saan siya nagpa-freeze ng eggs niya. Hindi pa muna namin naipaalam sa inyo kasi hindi pa namin alam kung magiging successful ang result." paliwanag ni Greg.

"Oh God!" naluluhang niyakap siya ng biyenan na babae at hinaplos ang tiyan niya, "I didn't expect this! Sayang nga lang at hindi na makikita pa ni Andy ang anak niya."

"Mom..."

"Gregorio! Magkakaroon na tayo ng apo!" naluluhang at nakangiting baling ng biyenan na babae sa esposo nito.

"I heard, Amelia." malamig na saad ng biyenan na lalaki pero hindi naman naikubli ang kislap ng tuwa sa mga mata nito. Mukhang sabik din ito sa apo.

Walang nagawa si Selena nang akayin siya ng matandang babae paupo sa couch, "If I'm not mistaken, you're vomiting a while ago, hija. Nahihilo ka ba? Gusto mo ba na sa bahay muna namin tumuloy para naman may kasama ka?"

"Ayos lang po ako, Mom."

"No hija. Nasa first trimester ka palang ng pagbubuntis mo kaya kailangan na magdoble ingat ka. Alam ko na hindi madali sayo ang pagkawala ni Andy, and you might be stressed while you're alone here lalo na at punong-puno ng memories ng anak ko ang bahay na'to, but I'm afraid you should avoid that as much as possible. It's not good for your baby."

"Amelia, hayaan mo si Selena ang magdesisyon para sa sarili niya." anang biyenan na lalaki.

"But I just want to help Selena, hon. And you can't blame me, I'm excited for our very first apo!"

"I think pagbigyan mo na si Mommy sa hiling niya, Selena. Sa bahay ka na muna tumuloy. And it's for your own good, para rin may kasama ka at hindi ka nag-iisa dito." singit ni Greg.

Sa huli, walang nagawa si Selena kundi pumayag sa gusto ng biyenan na babae. Nagpresinta pa si Greg na tulungan siyang mag-impake ng mga dadalhin niyang damit.

"G-Greg, salamat pala kanina..." anya sa lalaki habang naglalagay siya ng mga damit sa bag niya. Tinutukoy niya ang pagtatakip nito tungkol sa pagbubuntis niya. Hindi naman sumagot ang binata at tinignan lang siya. "B-bakit pala kayo biglang nagpunta dito?" pag-iiba niya ng usapan.

"My parents wanted to visit you."

"Bakit mo naman sinuportahan pa ang gusto ng mommy mo sa bahay niyo muna ako tumuloy? Ayos lang naman ako dito—"

ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon