NAPANGITI si Selena nang makita si Greg sa tabi niya, mahigpit siya nitong yakap habang magkatabi silang nakahiga sa sofa ng bahay niya. After their reconciliation last night, hindi na nila namalayan na nakatulog na pala sila doon sa sofa. Dinampian ng magaang halik ni Selena si Greg sa noo nito bago siya dahan-dahang bumangon. Mukha nga itong pagod na pagod, nai-kwento nga sa kanya ng binata na kakauwi lang nito galing US kahapon.
Pumasok siya sa kwarto nilang mag-iina, tulog pa rin ang kambal kaya dumiretso na siya sa banyo. Matapos gawin ang morning routines, pumunta naman siya sa kusina at nagsimulang maghanda ng almusal ng mag-aama niya.
"Mommy ko!"
"Morning mommy!"
Natawa si Selena nang yumakap sa hita niya ang kambal, hindi niya namalayan na nagising na pala ang mga ito. Pinatay ni Selena ang stove, lumuhod siya sa kambal at niyakap ang mga ito saka pinaulanan ng halika sa mukha.
"Good morning, mga baby ko!" niyakap din siya ng kambal at hinalikan sa magkabilang pisngi niya. Nagtaka lang siya nang biglang lumayo sa kanya si Georgina, pinanood naman niya ang anak na puno ng kuryosidad na lumapit at nakatingin kay Greg na natutulog pa rin sa sofa. Magkarugtong lang kasi ang kusina at living room ng bahay nila, hindi na niya pinalagyan ng divider dahil maliit lang ang espasyo ng bahay at para mas madali rin niyang mabantayan ang mga anak kahit pa may iba siyang ginagawa.
"Vistor, mommy?" tanong ni Georgina habang nakaturo ang isang daliri kay Greg. Tumakbo naman palapit sa kambal nito si Gideon at tinignan din si Greg.
"Oh, strangel!" ani Gideon nang tila makilala ang binata.
Ngumiti naman si Selena at lumapit sa kambal, umupo siya sa harap ng dalawa. She cleared her throat, huminga siya ng malalim at inihanda ang sasabihin, "Babies, he's your daddy. I would like you to meet your daddy..."
"Addy?" they both murmured in unison. Alam ni Selena na masyado pang bata ang mga anak niya para maintidihan ang lahat but they're both smart, alam niyang alam na ng mga ito kung ano ang 'daddy' lalo pa at nakikita niya rin kung paano tila makaramdam ng inggit ang mga anak kapag nakikitang masayang naglalaro si Guiller pati ang anak nila ni Tamara.
Hindi inaasahan ni Selena ang sumunod na gagawin ng kambal, nagulat siya nang biglang sumampa sina Georgina at Gideon sa tiyan ni Greg at tuwang-tuwa na niyakap ang lalaki. Naalimpungatan naman si Greg habang gulat na nakatingin sa mga anak nito. Nang tila ma-realise nga ng lalaki na mga anak nito ang nasa harap nito, maagap nitong niyakap pabalik ang mga anak.
"Addy!" tuwang-tuwa at sabay na saad ng kambal.
"Selena?" naguguluhan namang tanong sa kanya ni Greg.
"They already know you." anya habang naluluha. Nakuha naman agad ni Greg ang ibig niyang sabihin. Naluluha din niyang hinalikan sa ulo ang kambal. Bumalik sa kusina si Selena at ipinagpatuloy ang paghahanda sa almusal nila habang patingin-tingin pa rin sa mag-aama niya. Walang paglagyan ang saya niya ng mga sandaling iyon habang nakikita at naririnig kung paano humalakhak ang mga anak niya maging si Greg. Madaling nakapalagayan ng loob ng kambal ang ama ng mga ito. Pero siyempre, hindi rin niya mapigilang ang ma-guilty lalo pa at kasalanan niya kung bakit halos tatlong taon na hindi nagkasama ang mag-aama niya. Kung hindi lang siguro siya nagpadaig sa takot niya, hindi sana sila magkakahiwalay ni Greg.
"Ready na ang breakfast!" pukaw ni Selena sa mag-aama niya. Nag-unahan namang lumapit sa kanya ang tatlo. Akmang hahalikan ni Selena si Greg nang bigla siya nitong pigilan.
"Pwede ba muna makagamit ng banyo? Nakakahiya, hindi pa ako naghihilamos at nagtu-toothbrush."
Natawa naman si Selena sa ka-cute-an ni Greg, namumula pa ang dalawang tainga nito. Tumingkayad siya at mabilis na hinalikan sa labi ang binata, kahit naman hindi pa ito mag toothbrush, wala naman itong morning breath. Sobrang bango pa nga rin nito kahit kagigising lang. Itinuro niya sa lalaki ang banyo, itinuro na rin niya sa lalaki ang mga nakatagong spare toothbrush na nasa cabinet.
BINABASA MO ANG
Contract
RomanceBehind Closed Doors #2 : Contract Dahil sa kagustuhan ni Selena na makumbinse ang asawa na magpagamot dahil sa sakit nito, pumayag siya sa kundisyon ng lalaki na kahit sa panaginip hindi niya akalain na magagawa niya. And that is to sleep with her...