14

11.2K 293 27
                                    

"PARE, malapit na magsimula yung program para sa birthday party ni Galatea, makakapunta ka pa ba?"

Wala sa loob na napahilot sa sentido niya si Greg. Lakad-takbo niyang tinungo ang parking lot sa mall bitbit ang paper bag na naglalaman ng regalong binili niya para sa anak ng kaibigan.

"I'm on my way. May dinaanan lang ako sandali." sagot ni Greg. Siguradong bibigwasan siya ni Gener kapag nalaman nito na ngayon pa lang siya bumili ng regalo para sa anak nito. May jetlag pa nga siya dahil kakauwi lang niya ng Pilipinas kaninang madaling-araw. Nang tumawag sa kanya si Gener kaninang umaga, noon lang niya naalala na inimbitahan pala siya nito sa birthday party ng anak nito na inaanak raw niya.

Absent na siya sa first at second birthday ng bunso ni Gener kaya nahihiya na rin siya kung absent pa rin siya sa third birthday party ng bata. Kaya naman pagkagaling niya sa bahay para itabi ang mga gamit, bumyahe na agad siya papunta ng Tarlac. Dumaan muna siya sa mall at bumili ng regalo para sa inaanak niya.

Nang maabutan ng stop light ang kotse niya, wala sa loob na napatingin siya sa labas ng bintana. Napukaw ang tingin niya ng isang buong mag-anak na masayang naglalakad sa gilid ng kalsada habang kumakain ng ice cream. Mapait siyang napangiti, hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng inggit.

Naalala niya si Selena at ang anak nila. Kumusta na kaya ito? Walang araw na hindi siya pumalyang magdasal na sana ay nasa maayos na kalagayan ito at ang anak nila. Sa totoo lang, masama ang loob niya nang magising na lang siya na wala na ito sa tabi niya, she left him. Isang maikling sulat lang ang iniwan nito para sa kanya. Hindi niya maintidihan kung bakit umalis si Selena. He thought that they're okay. Kontento na siya sa mga nakaw na sandali na kasama niya ang babae kahit gusto na niyang sabihin sa parents niya ang relasyon nila ni Selena.

Sinubukan pa niyang hanapin ang babae, he even hired a private investigator pero bigo pa rin siyang makita ito. Pero siguro nga, hindi madaling mahanap ang isang tao na ayaw naman magpahanap. Matapos ang halos dalawang taon na paghahanap kay Selena, sumuko na rin siya. He chose to give up. Literal na naging miserable ang buhay niya. Halos araw-gabi siyang nag-iinom ng alak. Dumating pa sa punto na muntik na siyang makulong dahil sa riot na kinasangkutan niya sa isang bar kung saan siya nag-iinom.

Nang matauhan siya sa pinaggagagawa niya, sinubukan niyang magpatuloy ulit sa buhay. Bumalik siya sa Hollywood para balikan ang career na minsan na niyang ginive-up para sa babaeng pinakamamahal niya.

Sunod-sunod na busina ang tila nagpagising kay Greg mula sa daloy ng mga alaala niya. Nagpatuloy siya sa pagda-drive. Ilang sandali pa, nakarating na siya sa lugar nila Gener. Nang makababa siya sa sasakyan niya, natigilan siya nang makita ang isang batang lalaki na nakaupo sa gilid ng kalsada. Umiiyak ang bata base na rin sa pagkakatakip ng maliliit nitong mga kamay sa mga mata nito.

"M-mommy ko..." anang bata habang humihikbi ng iyak.

Walang pagdadalawang-isip na nilapitan ni Greg ang bata.

"Hey buddy..." tawag-pansin niya sa bata. Parang natuka si Greg mula sa kinatatayuan nang magsalubong ang tingin nila ng bata. Tila nakaramdam din siya ng kakaiba habang nakatingin sa bata. Bakit....bakit parang kamukha ata niya ang bata?

Lumuhod siya sa harap ng bata, "Hey, why are you crying?"

"Anap ko mommy ko..." anang bata, "Mommy..."

Base sa suot ng bata, may posibilidad na bisita ito nila Gener at may posibilidad rin na baka nasa loob ang ina ng bata. Baka nag-aalala na rin ang mommy nito sa paghahanap sa anak.

"Sama ka sa akin? Hanapin natin ang mommy mo..."

Umiling ang bata, "Strangel..."

Hindi napigilan ni Greg na mapangiti, "I'm Greg. Do you know Galatea? I'm his god-father and one of his visitors," pakilala niya sa sarili, "How about you buddy? What's your name?"

ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon