"LET us hear your terms and conditions, hon." ani Andy sa asawa. Nakaupo-sandal si Andy sa hospital bed nito, may nakapatong na laptop sa kandungan ng lalaki habang nakaupo sila ni Greg sa magkabilang gilid ng kama ng asawa.
Selena cleared her throat, preparing to talk, itinuon niya ang tingin sa papel na hawak, "First, once kuya Greg and I started to...uhm, s-sleep t-together, gusto ko na ako lang ang maka-sex niya sa mga panahon na iyon hanggang sa mabuntis ako. Don't get me wrong, pero gusto ko lang mag-ingat, no offense kuya Greg pero ayoko lang na...magkasakit. If you know what I mean."
Greg is a healthy man, and she knows that he has needs. He can sleep with other woman as long as he wanted, but not until they started that insane deal. They're both need to be responsible, lalo na at laganap ang sakit na HIV sa panahon na iyon.
Tumango naman si Greg sa kanya, "Don't worry, I'm clean El. We can undergo medical exam after this, kung hindi ka kampante."
"Sure. I'll have one too," agad na sagot niya, just to be fair.
"Okay, and I can assure you that I won't have sex with other woman aside from you once our set-up started."
"Let's see," anya bago ulit tinignan ang nakasulat sa papel na hawak, "Second, the sex must be consensual. It means, you can't force me to have sex with you kapag ayaw ko. No is a no."
Tumango lang si Greg, ang asawa naman niya ay abala sa pag-type sa laptop nito.
"Next, Greg only have one month to sleep with me, if he failed to impregnate me during that period of time, the contract will automatically nulled." sapat na naman siguro ang isang buwan para mabuntis siya, diba? 'Yung iba nga, nakipag-one night stand lang, nabuntis na. Healthy naman siya kaya siguro naman kahit isang beses lang may mangyari sa kanila ni Greg, mabubuntis na siya.
"Is that all, hon?" tanong ni Andy sa kanya. Tumango naman siya. Wala na naman siyang gustong idagdag, "How about you, kuya? May gusto ka bang ilagay?"
Sandaling natahimik si Greg, then he sighed, "I do have, actually."
"What is it?"
"When this contract ends, you will still let me visit my...child."
A silence filled between the three of them. When Selena glance at her husband, tumango lang sa kanya si Andy. She sigh.
"Okay." pagpayag niya.
"It's settled then. Maglalagay rin ako ng sarili kong terms and conditions then ipapaayos ko na sa family lawyer natin ang kontrata para mapirmahan na natin."
Matapos mai-settled ang kontrata sa pagitan ni Selena, Andy at Greg, nag-file agad siya ng resignation sa trabaho niya. Wala namang problema dahil hindi naman talaga siya na-promote katulad ng idinahilan ng asawa niya sa mga magulang nito kung bakit hindi siya agad makakasama sa pagpunta ng mga ito sa US.
Isang linggo matapos mai-process ang mga kailangang documents ng asawa niya, umalis na ang mga ito papunta ng New York. Sila pa ni Greg ang naghatid sa mga ito sa airport. Halos hindi pa niya mapigilan ang mapaiyak habang tinatanaw ang papaalis na asawa kasama ang parents nito.
"Where are we going?" tanong ni Selena kay Greg matapos siya nito tulungan ipasok ang ilang gamit niyang dala sa likod ng sasakyan nito.
Part din kasi ng contract nila na hindi nila sa bahay nila ng asawa niya gagawin ni Greg ang napagkasunduan nila. She doesn't want to taint their home, and for her, kahit pa kagustuhan din ni Andy ang mangyayari sa kanila ng kuya nito, it's still disrespect to his side.
At isa pa, para na rin malayo sila sa usap-usapan ng ibang mga taong nakakakilala sa kanila sa paligid. Lalo na kapag nabuntis na siya.
"Palawan. May binili akong private island doon. We will stay there until you get...pregnant."
BINABASA MO ANG
Contract
RomanceBehind Closed Doors #2 : Contract Dahil sa kagustuhan ni Selena na makumbinse ang asawa na magpagamot dahil sa sakit nito, pumayag siya sa kundisyon ng lalaki na kahit sa panaginip hindi niya akalain na magagawa niya. And that is to sleep with her...