2
"IKAW, SAAN KA RITO MAGBABAKASYON?"
Hindi agad nakasagot si Art sa tanong ni Buddy dahil gulat na gulat pa rin ito sa kanyang napagtanto.
Pareho lang sila ng inupahang bahay.
"Art? Okay ka lang?" Inalis na ni Art ang mga tumatakbo sa kanyang isip noong muli siyang tinanong ni Buddy.
"Oo, okay lang." Hindi sinabi ni Art ang totoo. "May naisip lang ako kaya medyo preoccupied ako kanina." dagdag niya. "Uh, excuse me, pero kailangan ko nang mauna. May pupuntahan pa kasi ako." Muling nagsalita si Art.
"Wait lang, Art!" Bago pa man makalayo si Art ay agad siyang tinawag ni Buddy, dahilan para mapahinto ito't mapalingon.
"Why?" maigsing tanong ni Art.
"Kasi ano... paano ko ba sasabihin 'to?" Hindi makatingin si Buddy sa mata ng kausap dahil nahihiya ito. "May hihilingin sana akong pabor sa iyo."
"Bakit sa akin ka nanghihingi ng pabor?" naguguluhang tanong ni Art.
"Ikaw lang kasi ang kaibigan ko dito sa Genero." Hindi inalis ni Buddy ang tingin niya kay Art habang sumasagot ito. "Pero kung busy ka, okay lang naman. Nagbaka-sakali lang din naman ako, e." dagdag niya.
Hindi matukoy ni Art kung nangongonsensya lang ba itong si Buddy o talagang kailangan niya ng tulong.
Alin man sa dalawang iyon ang totoo, hindi niya mapigilan ang sariling tulungan siya.
"Sige na nga." Nagningning ang mga mata ni Buddy noong marinig niya ang sagot ng binata. "Ano ba kasi 'yan?" Pinilit ni Art na magmukhang pilit ang pagpayag niya sa gusto ni Buddy para hindi ito makahalata.
Kailangan niyang panindigan ang pagiging masungit.
Nakangiting kinuha ni Buddy ang kanyang telepono't ipinakita kay Art ang kanyang hihilinging pabor.
"May dahilan talaga ang pagpunta ko rito sa Genero." Habang abala si Art sa pag-uusisa sa laman ng telepono ay nagsimula nang magpaliwanag si Buddy. "Gusto ko kasing matapos 'yang bucket list ko bago ako umalis dito sa Genero sa susunod na linggo." Pagkatapos niyang magpaliwanag ay napatingin din siya sa kanyang telepono.
BUDDY'S AWESOME GOALS TO ACHIEVE
• Have a Meaningful Conversation with a Stranger / Make a New Friend
• Watch the Sunrise & Sunset in One Day
• Create a Piece of Art and Sell it
• Name a Star
• See My Favorite Band Play Live
• Attend a High School Reunion
• Relax in a Natural Hot Spring
• Kiss on top of a Ferris Wheel
• Catch, Cook, and Eat a Fish
• Stay Awake for 24 Hours
• Do 24-Hours of Silence
• Dance on a Bar
• Build a Sand CastleHindi agad nakapagsalita si Art. Matapos niyang mabasa ang mga gustong gawin ni Buddy sa loob ng pitong araw ay dumami ang mga tumatakbo sa kanyang isip.
"Gagawin natin 'to?" Sa dami ng kanyang mga naiisip ay ito lang ang lumabas mula sa kanyang bibig.
"Naku, ako na'ng bahala doon sa iba. Kailangan ko lang talaga ng tulong mo doon sa una dahil ikaw lang ang kilala ko dito bukod doon sa may-ari ng inupahan kong bahay." Hindi nagdalawang-isip na sumagot si Buddy. Noong marinig naman ito ni Art ay hindi niya naiwasang malungkot.
Iwinaksi niya ang mga ideyang unti-unting nabubuo sa kanyang isip bago siya nagsalita.
"Sige, pumapayag na ako." mabilis niyang pagpayag. Hindi na siya nagtanong pa ng kahit na ano tungkol sa listahan ni Buddy.
BINABASA MO ANG
Seven Days with Buddy
RomanceWHEN DOES A PERSON BECOME REALLY FREE? Noong makapagtapos ng kolehiyo si Buddy Benitez ay isa lang ang ipinangako niya sa kanyang sarili, at iyon ay ang makumpleto ang kanyang bucket list. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay matatagpuan niya a...