18
"KAMUSTA NA KAYA SI BUDDY?"
Nagpasalit-salit ang tingin ni Arthur sa daan at sa kanyang telepono. Hinihintay niya ang mensahe mula sa kanyang kasama sa bahay. "Tawagan ko na kaya siya?" Tinanong niya ang sarili.
Pumindot siya sa kanyang telepono at noong tatawagan na niya ang binata ay napatigil siya.
"Tatawagan naman siguro ako ni Buddy kung may problema." Pinigilan niya ang kanyang sarili. "Pero kilala ko 'yon si Buddy. Hangga't kaya niya, hindi siya magpapakita ng kahinaan sa ibang tao. Lalo na sa akin." Ilang sandali lang ay kinontra niya rin ang una niyang sinabi.
Dahil litong-lito't ang atensyon ay nakapokus sa kanyang telepono, hindi niya na namalayan ang kanyang dinaraanan.
"Ow, shoot—"
"Hala, sorry!"
Napaatras siya noong maramdaman niya ang pagtapon ng malamig na inumin sa kanyang katawan. Maging ang hawak niyang telepono ay nabasa dahil sa nangyaring insidente.
"Sir, sorry po. Sinubukan ko po kayong iwasan pero masyado pong mabilis ang lakad niyo, e. Sorry po talaga, sir, papalitan ko na lang po 'yong damit niyo."
Hindi agad nakapagsalita si Arthur. Bagkus, itinuon niya ang kanyang tingin sa lalaking nakabangga sa kanya.
Naramdaman na lang niyang dumoble sa bilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa mukhang sumalubong sa kanya.
"W-wait..." Hindi makapaniwala si Arthur sa kanyang nakikita.
"Jacob?"
"A-arthur?"
Hindi na napigilan ni Arthur ang kanyang emosyon. Nasa gitna man ng kalsada't basa man ang damit ay niyakap niya pa rin ang kaharap.
"Na-miss kita, Jacob." Hindi na rin napigilan ni Arthur ang kanyang pagluha, tila nagpapaunahan ang mga ito palabas sa kanyang mga mata.
"Bakit ka umiiyak, Arthur?" Abot-langit ang ngiti ni Jacob noong muli niyang makita ang kaibigan. "Akala mo ba, hindi kita na-miss? Ang tagal na kaya nating hindi nagkikita, syempre, na-miss din kita!" biro ni Jacob.
Bumitaw si Arthur sa pagkakayakap habang pinupunasan ang kanyang mga luha. "Kamusta ka na, Jacob? Ang tagal nating walang connection sa isa't isa, a." Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mukha ng binata pagkatapos niyang magtanong.
"Ito, graduating na. Kinailangan ko kasing mag-stop for a year para tulungan sina Mama." Malungkot man ang balita ay nanatili rin ang ngiti sa mukha ni Jacob. "Ikaw, kamusta ka na?"
"Heto, tumatakas sa pamilya." Natawa ang dalawa sa naging sagot ni Arthur. "Pero iba rin maglaro ang tadhana, ano? Katatakbo ko palayo sa mga magulang at sa kapatid ko, napalapit naman ako sa iyo."
Halos matunaw ang puso ni Jacob sa narinig. Masaya siyang sa dinami-rami ng kanilang pinagdaanan, hindi nagbago ang kanyang kaibigan.
Nagulat si Arthur noong siya naman ang niyakap ni Jacob. Mahigpit ang kanyang pagkakayakap, hindi nito ininda ang kanyang basang kondisyon.
"Hey, Jacob. Are you okay?" tanong ni Arthur sa binata.
"Masaya lang ako, Arthur. Hindi mo alam kung gaano ako kasayang makita ka." sagot sa kanya ni Jacob.
"Iparamdam mo sa akin, Jacob." Huli na noong mapagtanto ni Arthur ang kanyang sinabi. Napahiwalay naman si Jacob mula sa pagkakayakap dahil sa gulat.
"Anong ibig mong sabihin, Arthur?" Naguguluhang tanong ni Jacob.
"Bakit ko ba sinabi 'yon?" Napakagat-labi si Arthur habang nag-iisip ng isasagot.
"Arthur..." Walang pagdadalawang-isip na hinawakan ni Jacob ang mapuputi at makikinis na mga kamay ni Arthur.
BINABASA MO ANG
Seven Days with Buddy
RomantizmWHEN DOES A PERSON BECOME REALLY FREE? Noong makapagtapos ng kolehiyo si Buddy Benitez ay isa lang ang ipinangako niya sa kanyang sarili, at iyon ay ang makumpleto ang kanyang bucket list. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay matatagpuan niya a...