7DWB: The Game Changer

7 0 0
                                    

20

"WHAT?"

Hindi na itinago pa ni Buddy ang pagkagulat. Para bang tumigil sa pagtibok ang kanyang puso noong marinig niya ang sinabi ni Artemis. Tiningnan niya ang may-ari ng bahay na para bang humihingi ito ng tulong.

"Sorry Buddy, pero wala na akong magagawa." Sinagot siya ng dalaga.

"Ganoon na lang iyon, Ms. Angela?" Unti-unti nang hindi napipigilan ni Buddy ang sarili. "Hindi nga gusto ni Arthur na sumama sa kanila, bakit hindi niyo 'yon naiintindihan?" dagdag niya.

Isa lang ang nasa isip ni Buddy.

Gagawin niya ang lahat, mapanatili lang si Arthur sa Genero.

"Bakit ba ayaw mong sumama sa amin si Arthur, Buddy?" Si Raven na ang sumagot sa binata. "Umamin ka nga sa amin. Ano ba talagang namamagitan sa inyo ni Arthur?"

Hindi nakapagsalita si Buddy. Hindi niya alam kung anong isasagot sa dalaga.

Ano nga bang namamagitan sa kanila ni Arthur?

"O Buddy, bakit hindi ka na makapagsalita ngayon?" nakangising ani Artemis. "Napagtanto mo na bang wala kang karapatan para pigilan kami?"

Nanatiling tahimik si Buddy. Nakayuko ito dahil sa magkahalong inis at hiyang bumabalot sa kanya.

"Next time, Buddy, don't forget to check the label." Hindi pa rin tapos si Artemis sa panggigisa kay Buddy. "Wala akong pakialam kung may gusto ka sa kapatid ko, pero tandaan mo 'to."

"Kapatid pa rin niya ako, Buddy. Kaya matuto kang lumugar."

Para bang balang dumiretso sa puso ni Buddy ang mga sinabi ni Artemis. Gusto man niyang sagutin ang dalaga, alam niyang sa huli, siya pa rin ang talo.

Kasama lang naman siya ni Arthur sa Genero. At hanggang doon na lang iyon.

"S-sorry po." Sa dami ng sinabi ni Artemis ay iyon lang ang naging sagot ni Buddy.

"No, Buddy." Hindi na rin napigilan ni Ryan ang sarili. Hinawakan niya sa braso ang umiiyak na kaibigan, pagkatapos ay muli siyang nagsalita. "Let me handle this."

"Excuse me, pero wala kayong karapatang pagsalitaan si Buddy nang ganyan." seryosong sabi ni Ryan.

Natawa si Artemis bilang pagtugon. "Excuse me, but who are you? Buddy's sidekick? Knight in shining armor?"

"What's wrong with being a knight in shining armor?" Hindi nagpatalo si Ryan. Baka naiinggit ka kasi walang may pakialam sa iyo."

"How dare you talk to Ate Artemis like that-"

"How dare you talk to Buddy like that?" Naging mabilis ang pagpapalitan nina Raven at Ryan, bawat salita ng huli'y sapat upang magdala ng takot sa una. "Ang lalakas ng loob niyo kanina pero ngayong nilalabanan na kayo, takot naman pala kayo!"

"Ryan, huwag mo na silang patulan-"

"No, Buddy." Kahit kay Buddy ay matatalim na tingin ang ibinigay ni Ryan, nagdulot naman ito ng takot sa una. "Hindi ako papayag na binabastos ka ng dalawang 'to."

"Not again." Humigpit ang hawak ni Ryan sa umiiyak na binata.

Ito na ang pagkakataon niya para bumawi. Hindi na niya ito palalagpasin pa.

"How dare you! Kung sigawan mo kami, parang ikaw ang may-ari ng bahay na 'to, a!" Takot man kay Ryan ay hindi pa rin nagpadaig si Raven.

"Ang lakas naman ng loob mo para sabihin 'yan. Kaya ka lang naman nandito kasi pilit ka pa ring lumalapit kay Arthur kahit alam naman nating dalawa na wala siyang pakialam sa 'yo!"

Seven Days with BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon