7DWB: One Special Night

20 0 0
                                    

10

"ANG DAMING TAO."

Maga-alas-sais ng gabi noong dumating sina Buddy at Arthur sa lugar na pagdarausan ng concert ng Constella. Sakay sila ng inarkelang taxi ni Arthur kaya maayos pa ang kanilang mga damit noong dumating sila sa kanilang pupuntahan.

"Oo nga, ano?" Nagkumento si Buddy habang nakatingin sa mga taong pumapasok at lumalabas ng lugar. "Grabe, sobrang dami palang nakikinig sa Constella." dagdag niya.

"Baba na tayo?" aya ni Arthur. "Malapit na rin yatang magsimula 'yong concert kasi marami nang tao, e."

"Tara, baba na tayo." Noong marinig ni Arthur ang sagot ni Buddy ay agad siyang bumaba ng taxi upang pagbuksan ng pinto ang huli. "Thank you." Sumilay naman ang ngiti sa mukha ni Buddy dahil sa ginawa ng kanyang kasama.

"No problem. Sobrang ganda kasi ng suot mo tonight, sayang naman kung madudumihan." Pakiramdam ni Buddy ay namumula na ang kanyang pisngi dahil kay Arthur.

"Anong maganda dito?" Kinontra niya ang papuri ni Arthur. "Luma na kaya itong suot kong polo, noong college ko pa ito sinusuot, e."

"Buddy, wala sa damit 'yan. Nasa nagdadala 'yan." Sinagot ni Arthur ang kausap. "Ang ganda mo kayang magdala ng damit."

"Ay naku, Pumasok na nga tayo sa loob!" Natawa si Arthur sa naging sagot ni Buddy. "Binobola mo lang ako, e!"

"Lead the way." Malawak ang ngiti sa mukha ni Arthur noong sumagot ito, bagay na ikinabilis ng tibok ng puso ni Buddy.

"Kalma, Buddy." Pinangaralan niya ang sarili. "Hindi ito ang tamang oras para isipin mo ang mga ganyang bagay."

Saglit pa niyang inayos ang kanyang sarili bago siya sumagot kay Arthur. "Tara, pasok na tayo."

-

"What's up, Genero?!" Napuno ng sigawan ang buong lugar noong nagsimulang magsalita ang mga miyembro ng Constella. "Kamusta kayo diyan?!" Noong nanguna na ang lider ng banda ay mas lalo pang lumakas ang hiyawan ng mga tao.

"Nakikinig ka rin pala sa Constella?" Halos sumigaw na si Buddy noong sinubukan niyang tanungin si Arthur.

"What?"

"Sabi ko, nakikinig ka rin pala sa Constella!" Itinodo na ni Buddy ang pagsigaw kahit magkaharap lang sila ng kanyang kausap.

"Minsan lang!" Pasigaw din ang naging pagsagot ni Arthur. "Kapag nire-recommend lang sa akin, doon ko lang sila napakikinggan!"

"Anong paborito mong kanta nila?!" Pasigaw pa rin ang tono ni Buddy noong muli siyang nagtanong.

"Para ito sa lahat ng mga iniwan! Sinaktan! Pinaasa! Niloko!" Naagaw ng banda ang atensyon ng dalawa. "Sabayan niyo kaming kantahin ang—"

"Bakit." Sabay na sinabi ng dalawa ang titulo ng kanta. Dahil sa nangyari'y napatingin sila sa isa't isa.

Hindi alam ng dalawa na halos pareho lang ang kanilang sitwasyon— iniwan, sinaktan, niloko, pinaasa. Parehong sugatan ang kanilang mga puso.

Ngunit hindi rin nila alam na sila rin ang unti-unting nagpapagaling sa puso ng isa't isa.

Noong nagsimulang tumugtog ang banda'y napaiwas ng tingin si Buddy. Sa kabila ng ingay ng lugar ay rinig na rinig niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Sa kabilang banda nama'y nanatili kay Buddy ang tingin ni Arthur.

Iniwang nag-iisa
Lumuluha ang mga mata

Para maiwasan ang pag-iisip ay sinabayan ni Buddy ang kanta.

Seven Days with BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon