4
"MAIBA AKO. KUMAIN KA NA BA?"
Hindi maiwasan ni Buddy ang mag-alala para sa kaharap dahil patapos na siyang kumain ngunit nanonood pa rin ito sa kanya.
"Gusto mo bang ipagluto kita? Kaunti nga lang ang alam kong lutuin." dagdag pa nito.
"Kaya pala may cook a fish ka sa bucket list mo." Biniro siya ni Arthur bilang sagot. Agad namang nagbago ang mukha ni Buddy. "I'm just kidding. Huwag ka nang mag-alala, kumain na ako sa labas."
"Oh, okay." Iyon lang ang naisagot ni Buddy.
"Bakit pa siya nag-abalang magluto para sa akin kung kakain lang din naman pala siya sa labas?" Pagkatapos niyang sagutin ang binata'y tinanong niya ang sarili. "Talaga bang nag-alala siyang baka galit ako sa kanya kagabi?" Gulong-gulo na ang kanyang isip.
"Siya nga pala," Si Arthur naman ang nagsalita noong nanahimik si Buddy. "May gagawin ka ba ngayon?"
"Wala naman, 'yong bucket list ko lang." sagot ni Buddy. "Bakit mo naman naitanong?"
"Wala." Itinuon ni Arthur ang kanyang atensyon sa ibang parte ng bahay.
"Sigurado ka?" Napatingin si Buddy sa kausap dahil sa naging sagot nito. Alam niyang may gustong sabihin si Arthur ngunit hindi niya ito itinuloy. "Baka may hihingin kang pabor tapos nahihiya ka lang, a." dagdag pa nito.
"Hindi, wala naman. Talagang curious lang ako." Hindi pa rin sinabi ni Arthur ang tunay niyang hangarin. "Uh, excuse me lang muna. May gagawin lang ako sa kuwarto ko, iwan na muna kita riyan." Pagkatapos niyang magsalita ay agad din siyang naglakad papunta sa kanyang kuwarto. Si Buddy naman ay tahimik lang siyang pinanonood.
"Anong nangyari doon?" Natagpuan na naman ni Buddy ang sariling nagtatanong sa kawalan.
—
Hindi naman mapakali si Arthur habang nakatingin sa kanyang telepono. Hindi kasi siya sigurado kung dapat ba niyang ituloy ang pagbili ng mga gagamiting materyales para sa bucket list ni Buddy.
Gusto niya kasing sorpresahin si Buddy pero wala siyang lakas ng loob para ituloy ito.
"Ni hindi ko nga alam kung anong ilalagay kong pangalan dito sa order." ani Arthur habang nakatingin sa kisame.
Maya-maya lang ay tumayo siya't dumiretso siya sa kanyang salamin. "Well, Arthur, make up your mind. Gagawin mo ba 'to para kay Buddy o hindi?" Kinausap niya ang kanyang sarili.
"Oo nga, ito naman, ayaw maniwala!" Ang malakas na boses ni Buddy, kasabay ng kanyang pagtawa, ang naging dahilan upang mawala ang tingin ni Arthur sa salamin. Palihim niyang binuksan ang pinto ng kanyang kuwarto upang malaman ang ginagawa ng kasama sa bahay.
Nagulat na lang ito noong magtama ang kanilang tingin.
"O-oh, h-hi." Si Buddy ang unang nakapagsalita. Mababakas ang gulat sa mukha ng dalawa matapos ang tagpong iyon. "S-sorry. Masyado bang m-malakas 'yong b-boses ko?" Nauutal pa ang binata noong magtanong ito.
"Ano... hindi naman." Hindi rin makapag-isip nang maayos si Arthur dala ng matinding gulat.
"May problema ba? Bakit ka nakasilip diyan?" Diretso na ang pagsasalita ni Buddy noong muli itong magtanong.
Kabaligtaran naman ang nangyari kay Arthur. Mas lalo itong kinabahan dahil hindi niya alam kung anong isasagot kay Buddy.
"Sabihin ko na lang kaya ang totoong pakay ko?"
"Arthur?"
"Huh?" Muling bumalik ang kamalayan ni Arthur noong tawagin siya ni Buddy.
"Ayos ka lang ba? May maitutulong ba ako sa iyo?" Muli rin namang inulit ni Buddy ang kanyang tanong.
BINABASA MO ANG
Seven Days with Buddy
Roman d'amourWHEN DOES A PERSON BECOME REALLY FREE? Noong makapagtapos ng kolehiyo si Buddy Benitez ay isa lang ang ipinangako niya sa kanyang sarili, at iyon ay ang makumpleto ang kanyang bucket list. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay matatagpuan niya a...