7
"ANO KAYANG NANGYARI DOON?"
Pagpasok ni Buddy ng kanyang kuwarto ay agad siyang umupo sa dulo ng kanyang kama upang makapag-isip-isip.
"Sino na naman kaya ang nagpaiyak sa kanya?" Muli niyang tinanong ang sarili. "Magiging okay na kaya siya mamaya? Hindi ko tuloy alam kung paano siya lapitan."
Naputol ang kanyang pagmumuni-muni noong tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya ito't tiningnan kung ano ang dahilan ng pagtunog nito.
Ryan
Hello ulit, Benz. Sorry kung makulit ako. Nabalitaan ko kasing magkakaroon ng concert yung Constella sa Genero City.Ryan
Correct me if I'm wrong, pero favorite band mo iyon, hindi ba?Ryan
Nakakuha kasi ako ng tickets for their concert tomorrow. So, I was thinking, puwede mo ba akong samahan bukas?Pinatay niya ang kanyang telepono pagkatapos niyang mabasa ang mga ipinadalang mensahe ni Ryan.
"Ang lakas naman ng loob niyang kausapin ako." Naiinis niyang sinabi sa hangin. "Sino naman kaya ang tumulong dito—"
Napahinto siya sa pagsasalita noong isang pangalan ang rumehistro sa kanyang isip.
Si Rose.
Muli niyang binuksan ang kanyang telepono upang tawagan ang kaibigan. Ilang sandali pa ang lumipas bago sinagot ni Rose ang tawag.
"Hello, bes? Napatawag ka?" Si Rose ang unang nagsalita.
"Hi, Rose." Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Buddy. "May itatanong lang sana ako sa iyo."
"Ano ba 'yan, Buddy? Bakit parang ang seryoso mo naman?" Kinakabahang kumento ni Rose.
"Ikaw ba ang tumulong kay Ryan para makausap ako?" Diretso at seryosong tanong ni Buddy.
"Bakit, bes? Kinausap ka na ba ni Ryan?" Hindi umamin si Rose pero inintriga niya ang kaibigan.
"So, ikaw nga ang tumulong sa kanya—"
"Wait, bes, hear me out." Kinuha na ni Rose ang pagkakataon para makapagpaliwanag. "Nagbago na si Ryan, okay? Hindi na siya 'yong Ryan na kaklase natin noong college, ibang-iba na siya ngayon, bes."
"Pero alam mo kung anong ginawa niya sa akin, Rose!" Hindi na napigilan pa ni Buddy ang kanyang emosyon. "Alam mo kung anong idinulot ng mga nangyari sa akin noong college tayo!" Inis na sinagot ni Buddy ang kaibigan.
"Buddy, naiintindihan kita." Sinubukang pakalmahin ni Rose ang kaibigan. "Saksi ako sa mga nangyari sa 'yo noong college tayo kaya naiintindihan kita, okay?"
"No, Rose." Madiin at seryosong sagot ni Buddy sa kaibigan. "Kung naiintindihan mo ako, hindi mo dapat tinulungan si Ryan—"
"Pero nagbago na siya, Buddy!" Maging si Rose ay hindi na rin napigilan ang emosyon. "Handa na siyang alalayan ka, handa na siyang tulungan ka, Buddy!"
"Saka na ulit tayo mag-usap, Rose." Kumalma man ay pinaglaban pa rin ni Buddy ang sarili. "Kapag kalmado na ulit tayo." Hindi na niya hinintay pa ang sagot ng kaibigan dahil agad niyang ibinaba ang tawag.
Ibinato niya ang kanyang telepono sa kama bago siya bumuntong-hininga.
"Maayos na ang buhay ko, Ryan." Nagsalita si Buddy, umaasang kahit papaano'y mabawasan ang sakit na muli niyang naramdaman. "Bakit ka ba muling nagparamdam?"
Ikinuyom niya ang kanyang mga kamao. Hindi niya alam kung paano ilabas ang galit na unti-unti nang lumalamon sa kanya nang hindi naaabala ang kasama sa bahay.
BINABASA MO ANG
Seven Days with Buddy
RomanceWHEN DOES A PERSON BECOME REALLY FREE? Noong makapagtapos ng kolehiyo si Buddy Benitez ay isa lang ang ipinangako niya sa kanyang sarili, at iyon ay ang makumpleto ang kanyang bucket list. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay matatagpuan niya a...