9
"BAKIT BUKAS PA RIN ANG MGA ILAW DITO SA LABAS?"
Alas-onse na ng gabi noong maalimpungatan si Arthur. Lumabas ito ng kuwarto para uminom sana ng tubig ngunit paglabas niya pa lang ng pinto ng kanyang kuwarto ay agad siyang nagtaka noong madatnan niyang bukas ang mga ilaw sa sala. Malinaw pa kasi sa kanyang isip na sinara niya ito bago siya matulog.
Uminom muna siya ng tubig bago siya nagdesisyong lumabas ng bahay. Naisip niyang baka bumisita lang si Ms. Angela't nakalimutan nitong patayin ang ilaw.
"Arthur?" Gulat ang una niyang naramdaman noong makita niya si Buddy na nakaupo sa labas ng bahay.
"Buddy? Anong ginagawa mo rito?" Tanong ang unang lumabas sa kanyang bibig.
"Wala." Maigsi lang ang naging sagot ni Buddy. "Ano lang... nagpapahangin."
"Bakit hindi ka pa natutulog?" Muli niyang tinanong si Buddy.
"Hindi pa ako inaantok, e." Sumagot si Buddy ngunit ang kanyang mga tingin ay nasa langit. "Saka hindi rin ako makakatulog sa dami ng iniisip ko." dagdag niya pa.
"Tungkol ba 'yan kay Ryan?" Sa ikatlong pagkakataon ay muling nagtanong si Arthur. Saglit siyang tiningnan ni Buddy ngunit agad din itong nawala dahil muling ibinalik ng huli ang tingin sa langit.
"Tungkol kay Ryan, tungkol sa sarili ko, tungkol sa future ko, lahat." Sinabi ni Buddy ang lahat ng tumatakbo sa kanyang isip, wala siyang binawasang kahit-ano.
"Tama pa ba 'tong ginagawa ko? Na sa halip na maghanap ako ng trabaho'y inuuna ko ang sarili ko at ang bucket list ko?" Nanatiling nakikinig si Arthur noong nagpatuloy si Buddy. "Na sa halip na sinusuportahan ko 'yong pamilya ko ay mas lumalayo pa ako sa kanila?"
"Buddy, 'wag mong isiping mali itong ginagawa mo." Hindi na napigilan pa ni Arthur na magkumento. "Hindi maling unahin mo ang sarili mo. Nakakapagod ang buhay, Buddy, kaya hindi mo kasalanan kung minsan, gusto mong huminga't talikuran ang mga problema."
"Can I ask you something, Arthur?" Muling napunta kay Arthur ang tingin ni Buddy noong nagtanong ito.
"Sure. Ano 'yon?"
"Bakit ka nandito sa Genero City?" Walang paligoy-ligoy siyang nagtanong. Gulat ma'y hindi ito ipinakita ni Arthur, nanatili lang na walang ekspresyon ang kanyang mukha.
"I think we have the same reason." Sumagot si Arthur ngunit hindi tuwiran ang kanyang tugon.
Matagal silang nagkatitigan noong naghari ang katahimikan sa pagitan ng dalawa. Punong-puno ng emosyon ang kanilang mga mata ngunit kapwa hindi nila maintindihan ang gustong sabihin ng isa't isa.
"Ang ganda ng langit, ano?" Si Buddy ang unang nag-alis ng tingin. Muli niyang itinuon ang atensyon sa langit. "Punong-puno ng mga bituin."
"You're right." Napagaya na rin si Arthur, tumingala na rin ito. "Ang ganda nga ng langit." Saglit lang siyang tumingala dahil muli niyang tiningnan si Buddy.
"Pero mas maganda siya kasi kasama kita ngayon."
Agad na dumoble ang bilis ng tibok ng puso ni Buddy noong marinig niya ang idinagdag ng kausap. Hindi niya inasahang sasabihin iyon ni Arthur kaya hindi niya rin alam kung ano bang dapat niyang sabihin o gawin.
"Alam mo kung anong magandang gawin kapag maraming stars sa langit?" Muli na namang nagtanong si Arthur.
"A-ano?" Nauutal pa si Buddy noong siya ay sumagot.
"Let's name stars." Agad na nawala ang kanyang mga iniisip noong marinig niya ang isa sa mga nakalagay sa kanyang bucket list.
"Sure." Mabilis siyang sumang-ayon sa suhestiyon ng binata. "Nasa bucket list ko rin kasi 'yan, e."
BINABASA MO ANG
Seven Days with Buddy
Roman d'amourWHEN DOES A PERSON BECOME REALLY FREE? Noong makapagtapos ng kolehiyo si Buddy Benitez ay isa lang ang ipinangako niya sa kanyang sarili, at iyon ay ang makumpleto ang kanyang bucket list. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay matatagpuan niya a...