7DWB: The Past and The Present

23 0 0
                                    

16

"BUDDY? OKAY KA LANG?"

Kasalukuyang kumakain ng almusal sina Ryan at Buddy ngunit kapansin-pansin sa huling hindi nito masyadong nagagalaw ang kanyang pagkain.

"S-sorry, Ry." Nakatingin lang si Buddy sa platong nasa kanyang harapan. "May iniisip lang."

"Is it about your boyfriend?" Alam na alam ni Ryan kung paano basahin ang utak ng kaibigan.

Ngumiti si Buddy bago umiling. "Hindi, tungkol lang ito kina Mommy. Parang dalawang araw ko na rin kasi silang hindi nakakausap, e." pagdadahilan niya.

"Of course, it's about Arthur." totoong tugon nito sa kanyang isip.

"Bakit 'di natin sila kausapin ngayon?" aya ni Ryan. "Na-miss ko na rin sila Tita, e. Sigurado akong matutuwa 'yon kapag nalaman niyang magkasama tayo dito sa Genero."

"Mamaya na lang siguro, Ryan." Tumayo si Buddy bago kumuha ng plato. Doo'y naglagay siya ng kanin at ng inilutong corned beef. "Baka gising na kasi si Arthur, ibibigay ko lang 'tong almusal niya." dagdag niya.

"Matutulog daw siya, hindi ba? Kausapin muna natin si Tita, baka nag-aalala na 'yon sa iyo." ani Ryan. "Pagpahingahin muna natin si Arthur, alam kong puyat 'yon kasi late na kayo natulog kanina."

"Saglit lang ako, Ryan." Madiing sumagot si Buddy. "Ibibigay ko lang 'to kay Art tapos aalis na rin ako agad."

"O-okay." Hindi na nakapalag pa si Ryan, sumang-ayon na lang ito sa nais gawin ng kausap. "Bilisan mo, a. Maghahanda ka para sa pag-alis natin mamaya." Ngumiti si Ryan upang kahit papaano'y mabawasan ang nararamdamang tensyon.

Hindi na sumagot pa si Buddy at dumiretso na lang ito sa kuwarto ni Arthur dala-dala ang inihandang pagkain. Noong makarating sa kuwarto ng huli'y kumatok muna ito bago nagsalita.

"Arthur?" Muling kumatok si Buddy noong wala siyang nakuhang sagot. "Arthur? Gising ka na ba?"

Sinubukang buksan ni Buddy ang pinto ng kanyang kuwarto at nagulat siya noong nagtagumpay siya.

"P-pasok ako, Art, a." Kabado man na baka mapagalitan ay pumasok pa rin si Buddy sa kuwarto ng kasama sa bahay. Doo'y nadatnan niya si Arthur na nakatalikod sa pintuan at para bang mahimbing na natutulog.

"Art, nandito na 'yong pagkain mo." Malumanay na nagsalita si Buddy pagkatapos nitong isara ang pinto ng kanyang kuwarto.

Walang nakuhang sagot si Buddy. Nanatiling nakatalikod sa kanya ang kaibigan.

"Galit ba 'to?" tinanong niya ang sarili.

Inilapag muna niya ang dalang pagkain sa lamesa bago muling nagsalita. "I-iwan ko na lang dito sa lamesa itong pagkain. Kainin mo na 'to agad, a, baka lumamig na—"

Hindi pa natatapos ni Buddy ang gusto niyang sabihin noong bumangon si Arthur. Hindi ito nagsalita, kinusot-kusot lang nito ang kanyang mga mata.

"G-gising ka na pala." Naguguluhan man sa ikinikilos ni Arthur ay hindi ito ipinakita ni Buddy. "S-sorry, pumasok na agad ako. Hindi rin naman kasi naka-lock 'yong pinto, e." dagdag niya.

"It's okay. Kuwarto mo rin naman 'to, after all." Seryosong sumagot si Arthur habang nakatitig sa sahig na para bang iniiwasan nitong tingnan sa mata ang kausap.

"Dinalhan kita ng pagkain." ani Buddy, pagkatapos ay itinuro ang pagkain sa lamesa. "Kumain ka na muna."

"Maya-maya na, Buddy. Medyo busog pa kasi ako, e." Tinanggihan ni Arthur ang alok ng binata. "Mag-aayos muna siguro ako, baka parating na rin kasi si Raven, e. Idagdag mo pa si Ate, paniguradong hindi niya ako titigilan hangga't hindi niya ako napapauwi."

Seven Days with BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon