13
"BAKIT GISING PA 'TONG LALAKING 'TO?"
Tinanong ni Buddy ang sarili habang naglalakad siya papasok ng kusina. Kani-kanina lang kasi ay nakatanggap siya ng mensahe mula kay Ryan. Alas-dose na ng hatinggabi ngunit hindi siya makatulog dahil kumakalam ang kanyang sikmura.
Noong makarating siya sa kusina ay agad siyang kumuha ng de-lata upang lutuin ito.
"Okay na siguro ito." Sabi niya habang binubuksan ang hawak na corned beef. "Pantawid lang ng gutom."
Habang nagluluto ay binuksan ni Buddy ang mensaheng ipinadala sa kanya ng dating kaklase.
Ryan
Hi, Buddy! Alam kong late na, pero gusto ko lang magpasalamat for tonight. Kahit hindi tayo masyadong nakapag-usap, masaya pa rin ako kasi hindi mo na ako iniiwasan. Hoping na makapag-bonding tayo nang tayong dalawa lang. Have a great day ahead!Palibhasa'y di sanay sa mga bagong ikinikilos ni Ryan ay hindi alam ni Buddy kung ano ang isasagot niya sa binata.
Benz
Hi, Ryan. Thank you rin kasi um-attend ka pa rin ng concert ng Constella kahit hindi ako ang kasama mo."Ang weird naman." Kumento ni Buddy bago niya binura ang lahat ng kanyang sinabi.
Benz
Sure! One week lang ako dito sa Genero, pero set ka lang ng date and titingnan ko kung puwede ako."Hays, na-miss ko rin siya kahit papaano." Pag-amin niya sa sarili bago niya inilagay sa platito ang nilutong corned beef. Sunod siyang kumuha ng kanin bago tuluyang umupo para simulan ang pagkain.
Ilang minuto lang ang lumipas ay muli niyang narinig ang tunog ng kanyang telepono. Kinuha niya ito't binasa niya ang sagot ng kausap.
Ryan
Bakit hindi natin sulitin ang stay mo dito sa Genero? May alam akong magagandang pasyalan dito. Free ka ba bukas? Puntahan natin!"O, Buddy, gising ka pa?" Walang pagdadalawang-isip niyang pinatay ang telepono noong marinig niya ang boses ni Arthur.
"A, oo. Hindi rin kasi ako makatulog dahil nga nakaramdam ako ng gutom. Sige na, sabayan mo na ako. Alam kong hindi ka rin nakakain ng hapunan." Sagot ni Buddy habang pasalit-salit ang tingin sa lalaking nasa kanyang harapan at sa kanyang kinakain. "Teka, ipaghahanda kita-"
"Wag na, Buddy. Okay lang." Hindi pa man siya nakatatayo ay agad na siyang pinigilan ni Arthur. "Bakit pala hindi mo ako tinawag? Sabi ko sa iyo, ipagluluto kita, 'di ba?"
Natuwa man sa sinabi ni Arthur ay itinago ito ni Buddy at hindi niya ito ipinahalata noong sumagot siya.
"Hindi na." Ani Buddy. "Alam ko namang nagpapahinga ka, e. Saka ang dami-dami naman nating de-lata, kayang-kaya ko na 'to."
"Sure ka na bang 'yan na 'yong dinner mo?" Muling nagtanong si Arthur. "Corned beef na nga lang 'yang ulam mo, ang konti pa ng kanin mo. Hindi ka mabubusog diyan, Bud." Dagdag pa niya.
"Art, you don't have to worry about me." Nakangiti si Buddy noong sumagot siya. "Talagang nilagyan ko lang ng laman ang tiyan ko. Bukas na siguro ako maghe-heavy meal. Siya nga pala," Bago pa muling makasagot si Arthur ay agad na iniba ni Buddy ang usapan. "bakit gising ka pa? Nagising ba kita? Sorry."
BINABASA MO ANG
Seven Days with Buddy
RomanceWHEN DOES A PERSON BECOME REALLY FREE? Noong makapagtapos ng kolehiyo si Buddy Benitez ay isa lang ang ipinangako niya sa kanyang sarili, at iyon ay ang makumpleto ang kanyang bucket list. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay matatagpuan niya a...