7DWB: Exception to the Rule

11 0 0
                                    

22

"YOU'RE NOT A SERIAL KILLER, RIGHT?"

Habang binabagtas nina Ryan at Jacob ang daan ay hindi napigilan ng una na magtanong.

Saglit siyang tiningnan ni Jacob bago ito sumagot. "Nandito na ako sa kotse mo, Ryan. Paano kung sumagot ako ng oo?"

"Tatalon ako dito." simpleng sagot ni Ryan. Para bang hindi siya mag-aatubili't gagawin niya iyon kung talagang kinakailangan. "Iiwan kita dito, bahala ka sa buhay mo."

Natawa naman si Jacob sa naging sagot ng binata. "Buti na lang hindi ako serial killer. Hindi mo kailangang gawin 'yan." tugon niya.

"Seriously, sino ka ba talaga?" Muling nagtanong si Ryan. "Kilala lang kita bilang kaibigan ni Arthur."

"Kaibigan lang naman talaga ako ni Arthur." Mabilis niyang sinagot si Ryan. "Ngayon nga lang ulit kami nagkita." dagdag niya.

"Bakit? Anong nangyari?" Hindi naiwasan ni Ryan na magtanong sa kausap.

"Basta. Mahabang kuwento." Iyon lang ang isinagot ni Jacob. Iniisip niyang hindi naman na dapat pang malaman ni Ryan ang nangyari ilang taon na ang lumipas.

"May kinalaman din kaya si Raven sa nangyari sa kanila?" Tinanong ni Ryan ang sarili.

"Siya nga pala," Iniba na ni Jacob ang usapan. "salamat pala ulit, Ryan. Talagang pinasakay mo pa ako dito sa kotse mo para lang makauwi ako. Hayaan mo, lalabhan ko agad 'tong jacket mo para maibalik ko agad sa 'yo." aniya.

"Hindi na, Jacob. Iuuwi ko na 'yan." Pagkatapos magsalita ni Ryan ay naramdaman niya ang malamig na hanging mula sa aircon. Agad naman niya itong pinatay para hindi na siya lamigin. Hindi naman ito nakatakas sa paningin ni Jacob.

"Nilalamig ka na. Nabasa ka kasi ng ulan kanina, e." kumento ng binata.

"Wala 'to." Iba ang naging sagot ni Ryan sa kanyang nararamdaman- kahit pinatay na niya ang aircon ay medyo nilalamig pa rin siya. "Uh, Jacob?"

"Bakit?"

"Puwede bang dumiretso muna tayo sa amin? Magpapatuyo lang ako saka magpapalit ng damit. I-charge mo na rin muna 'yang phone mo para makausap mo na 'yong mga magulang mo." Hindi inalis ni Ryan ang tingin sa kalsada habang nagsasalita.

"Oo naman. Walang problema." Nakangiting sumagot si Jacob.

"Ayos! Kumain ka na rin muna bago ka umalis." dagdag ni Ryan.

"Huwag na, nakakahiya naman sa inyo. Isa pa, hindi pa naman ako nagugutom, e. Sa bahay na lang ako kakain." Tinanggihan ni Jacob ang alok ng katabi.

Noong sandaling huminto ang sasakyan dahil sa traffic ay kinuha na ni Ryan ang pagkakataon upang tawagan ang kapatid.

"Sandali lang, a. Tatawagan ko lang 'yong kapatid ko." Saglit na tiningnan ni Ryan ang kausap habang hinihintay na sagutin ni Avyan ang tawag.

"Sure." maigsing sagot ni Jacob.

Hindi rin nagtagal ay sinagot na ni Avyan ang tawag.

"Hello, Kuya?"

"Avyan." bati ng kapatid. "Nandiyan na sina Mommy?"

"Wala pa kuya." sagot niya. "Nasa biyahe pa lang daw sila."

"Ganoon ba? Nagluto ka na ba ng pang-hapunan natin?" Muling nagtanong si Ryan.

"Hinihintay nga kitang umuwi, Kuya, e. Magdala ka ng makakain, a!"

"Sige na, sige na!" Naiinis na sumagot si Ryan. "Maglinis ka diyan, a! May bisita tayo."

Seven Days with BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon