FAQ's

57.8K 1.9K 470
                                    

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS

*Drum rolls* *sabog confetti*

Finally! Masasagot na ang mga katanungan palaging tinatanong! Baka sakaling nandito po mga tanong na sinend niyo ;)

1.) Pano nyo po ba napagsasabay ang pag-aaral nyo at sa paggawa ng story?
- Multitasking :) Minsan naman walang assignment eh. O kaya minsan kapag free day o maaga uwian from school nakakapag-update.

2.) Ano po naging inspiration niyo sa pagsulat ng Emerald?
- Madami :D JK Rowling syempre. Rick Riordan. Grimm. JR Tolkien. Madami sila :)

3.) Ilang oras po kayo bago makagawa ng isang chapter at ano ang ginagamit niyong inspiration para sa paggawa?
- 2-3 hours. Gaya po ng sagot ko sa pangalawang tanong, ang aking mga favorite authors :))

4.) Bakit po hindi nakalabas ang brief ni super mario kagaya ni superman? :'(
- Kasi panty suot niya.

5.) Ano po reaksyon niyo nung mapapublish yung special section?
- Sumigaw tas tumalon habang nababa ng hagdan. Naiimagine niyo na? :)

6.) Bakit po ang hilig niyo sa horror? Ayaw niyo ba ng love story? ;)
- Mahilig naman ako sa love stories kasi hopeless romantic din ako. Nagawa ako ng stories na hindi lang love story. Gusto ko may kasamang horror o fantasy.

7.) Bakit po Teresa pangalan nyo?
- Kasi pangalan ng lola ko Teresita. Bata palang tatay ko, namatay na siya dahil sa cancer. Kaya nung pinanganak ako, naalala bigla ng tatay ko siya. Kaya mahal na mahal ko pangalan ko.

8.) Bakit walang lovelife si Thelessa? Nirerepresent ka ba nya?
- Siguro. Minsan. Pwede. Maaari.

9.) Ano po ba ang rason bakit onneechan yung username sa wattpad niyo?
- Kasi panganay ako sa aming magkapatid. Tapos panganay pa ako sa aming magpipinsan. At ang 'Ate' sa japanese ay 'Onneechan' :)

10.) San po kayo nakakuha ng mga pangalan sa mga characters mo sa story?
- Minsan pangalan ng mga kaklase at kaibigan ko. Minsan nagsesearch ako sa google HAHA.

11.) Naniniwala ka po ba sa forever? (As in sa bf/gf relationsip ha)
- Naniniwala ako sa concept ng soulmates. Kung soulmate kayo at nasa tamang panahon, kondisyon, at edad na kayo, aba'y sige. May forever na.

12.) Otaku po ba kayo?
- Opo ;)

13.) May boyfriend po ba kayo ngayon?
- Syempre wala :)

14.) Dream nyo na po ba yung pagiging writer?
-Oo :)

15.) Kailan po yung birthday ni Emerald?
- Nung araw na pinanganak siya :)))) Dahil di ko naman binanggit sa story, Feb. 30 nalang.

16.) Ilan taon na si Emerald?
- Sa book 1, 18 yrs old. Sa book 2, add lang ng 18 years kasi 17 na si Clyde (anak nila) tapos 9 months pa nagbuntis si Em. Bale 36 yrs old na :) Pero maganda parin siya.

17.) Noong kinasal po sina Emerald at Matt, Ampalaya pa rin yung flavor ng cake?
- Siguro. Kahit naman Ampalaya na yung flavor, maglalasang matamis yon kasi kay Matt siya kinasal. Everything is sweet when you're with the person you love.

18.) San nyo po nakuha yung mga bagong pangalan sa Scarlet?
- Yung Scarlet, sinuggest ng isang reader :) Yung ibang pangalan ay yung magaganda at pogi kong Kablock slash Kaclan ko sa COC <3

19.) Bakit po walang book 3 yung special section?
- Kasi po kapag pinahaba pa natin yung story nila Rhianne, masyado na silang kawawa. Para bang puro kamatayan nalang ang nangyari sa buhay nila. Let's give them peace.

20.) Bakit po ang bitter niyo?
- Masakit kasi ngipin ko kaya bawal ako sa matamis.

Syempre hindi mawawala yung panghuling tanong na 'to na hanggang ngayon ay tinatanong parin saken.

21.) Lalaki po ba kayo?
- Hindi po. HINDI PO TALAGA. Babae po ako. Onneechan po. Kung lalaki ako, Onniichan dapat. May female reproductive organ ako at hindi naman ako flat-chested.

Kung may mga tanong pa po kayo, comment beloooow ;) Gagawa ako ulit pag umabot ng 20+ :)

Mahal ko kayo <3
-Onneechan

SCARLET (Emerald Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon