Chapter 6

74.7K 2.6K 1.1K
                                    

= 6 =

*** SCARLET'S POV ***

"Anong ginagawa mo dito?"

Napaatras ako sa gulat kaya napahiga ako sa kama ni Ed. So mukha akong tangang tumayo agad at ngumiti ng pilit.

"Hi," mahina kong sabi.

"Scarlet, anong ginagawa mo dito?" tanong ulit ni Clyde. Yup. Sina Clyde ang nakakita sa akin kasama yung apat pang 'prince' kuno.

"Ano..." sabi ko at dahan-dahang lumabas ng kwarto nila Ed. "May naiwan ako?"

Tinaasan nila ako ng kilay. Sht. Ngayon ko lang napansin na over gwapo pala talaga nila. Akala ko mukha silang chicser or something. May 1D aura pala sila. Sht. Nagfafangirl nako. Ayoko nito.

"Ano naman naiwan mo dito?" tanong ulit ni Clyde.

"Baka yung puso niya," singit nung isang lalaki. "Baka naiwan niya yung puso niya sayo."

"Nice! Woyup!" natatawang sabi naman ng isa. Eto na ang chance ko para matakasan sila habang natawa sila. Dahan-dahan akong tumalikod at naglakad.

"Oy teka teka teka." May humarang bigla na isa pang lalaki. "Theo Valentine nga pala."

Nakipagshakehands ako para matapos na. Pero di ko naman inakala na sunod-sunod pala silang magpapakilala saken.

"Grayson Summer," sabi nung lalaking nagsabing 'naiwan ko daw puso ko' banat kanina at nakipagshakehands din saken. Ang ganda ng mata niya.

"Zayden Wright," matipid naman na pakilala nung isa. Feeling ko ang sungit nito. Psh.

"Jude Vladimir," nakangiting sabi naman nitong kasama ni Grayson na tumawa kanina.

Nalaman ko pa na kaya pala sila close ay dahil magpipinsan sila. Biruin mo yon? Yung mga nanay nila ay magkakapatid? (Malamang) Tapos puro pangalan ng gems pa yung mga pangalan ng mga nanay nila?

Cool. At ngayon ko lang narealize na ang dami nilang sinabi agad sa akin. Ilang minuto na ba kaming nakatayo dito sa hallway?

Natahimik kami nang dumaan si Ed. Papasok na yata sa kwarto niya. Phew. Buti nalang lumabas na ako.

"Pre, condolence," sabi ni Grayson. Tinanguan lang kami ni Ed at pumasok na sa kwarto niya. Nakakaawa siya.

"Ang alam ko wala na rin silang mga magulang. Ngayon... mag-isa nalang siya kasi wala na rin mga kapatid niya," sabi ni Theo. Nalungkot tuloy ako lalo.

May narinig kaming footsteps. Tapos biglang sabay-sabay nila akong hinatak nila Clyde papasok sa kwarto nila.

"Rape!" out of the blue kong sigaw. Syempe, nakakagulat kaya. Tsaka lima silang lalaki, isa lang ako. Gang rape ba 'to?

Tinulak nila ako bigla. "ASA!" sabay-sabay pa talaga nilang sabi.

"Bakit nyo ako pinasok dito?" bulong ko.

"Magtago ka sa cabinet namin dali!" sabi ni Theo at tuluyan akong kinulong sa malaki nilang cabinet. Magsasalita sana ako pero biglang narinig kong bumukas yung pinto ng kwarto nila.

"Bakit di pa kayo natutulog?" rinig kong sabi ni Prof. Luxien. Buti nalang may maliit na siwang yung pinto ng cabinet kaya nakakasilip ako ng konti. Nakita kong nagtinginan sila Clyde.

"Hindi po kasi namin makalimutan yung nangyari kay Ed," palusot ni Grayson.

"Opo, katapat na kwarto pa naman po namin sila Ed. Nakakakilabot po," sabi naman ni Jude.

SCARLET (Emerald Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon