Chapter 12

57.3K 2.3K 497
                                    

= 12 =

*** SCARLET'S POV ***

"S-Si... lola..." kinakabahang sabi ni Rapunzel.

"Great. Makikilala na namin ang lola mo," sabi ni Rachelle.

"Magagalit si Lola kapag nalaman niyang nagpaakyat ako ng ibang tao dito," sabi ni Rapunzel. "Di pa nga niya alam yung tungkol kay Carlo eh."

Aish. Lola lang naman 'to diba? Probably sisigawan lang kami nito.

"Paakyatin mo na," sabi ni Rachelle. "Para makausap ko."

"War freak," bulong ni Clyde. Buti ako lang nakarinig. Bakit ba magkaaway sila?

Binaba na ni Rapunzel yung mahaba niyang buhok. Sa di maipaliwanag na dahilan ay kinakabahan ako.

"Mabait naman lola mo diba?" tanong ni Patricia. Tumango lang si Rapunzel. Si Carlo parang di mapakali habang hawak ang kamay ni Rapunzel.

"Yung mga mata niyo," turo ni Andrea. Lahat sila napatingin sa amin ni Clyde.

"Oo nga," sabi ni Jude.

"Violet nanaman," sabi ni Star. "Ganda."

Pinikit ko mga mata ko at dumilat ulit. Pero alam kong violet parin yung kulay. Sana kasi magstay nalang siya sa iisang kulay. Hindi yung paiba-iba.

Natahimik kami nang makapasok na yung lola. Nung nakita niya kami... hindi siya nagulat?!

"Sabi ko na nga ba," sabi niya. Yung boses niya... kakaiba. Parang boses... masama.

"Hello po," sabay-sabay naming bati.

"L-Lola... tinulungan ko lang po sila. Wala po kasi silang matutulugan," paliwanag ni Rapunzel. Tumingin sa kanya yung lola niya at sa kamay nila ni Carlo na magkahawak. Agad binitawan ni Rapunzel yung kamay ni Carlo.

"Sweetie, anong sinabi ko sayo tungkol sa ibang tao?" tanong sa kanya ng lola niya. Tumingin sa amin si Rapunzel.

"Mababait po sila Lola," sabi ni Rapunzel. "Hindi po sila gaya ng sinabi niyo."

"SABIHIN MO KUNG ANO ANG SINABI KO SAYO!" sigaw ng lola niya. Woah. May anger issues si lola.

"S-Sabi mo po na masasama ang mga tao. Dahil sasaktan ka lang nila. Dahil gagamitin ka lang nila. At kapag tapos na silang gamitin ka, itatapon ka na nila... iiwan ka na nilang mag-isa," nakayukong sabi ni Rapunzel. What? Ganon yung turo sa kanya ng lola niya?

"You taught that to your grandchild?!" singit ni Rachelle. "Diba dapat tinuturo mo sa kanya kung paano magtiwala, makisalamuha, makipagkaibigan, magmahal, at kung ano ano pa?"

"And who are you?" mataray na sabi nung lola ni Rapunzel.

"Rachelle."

"Well, Rachelle, wala kang pakialam kung paano ko pinalaki ang apo ko," sabi ng lola.

"Bakit mo siya kinulong dito?" tanong bigla ni Zayden.

"Wala kang pakialam," sagot nung lola ni Rapunzel.

"Bakit ayaw mong sagutin tanong namin?" tanong ni Clyde. "Dahil ba ayaw mong malaman ni Rapunzel ang sagot?"

Tinitigan kami ng lola ni Rapunzel. Nag-iisip yata kung ano ang isasagot niya.

"Sagutin mo nalang po lola," sabi ni Rapunzel. "Bakit niyo po ako kinulong dito? Bakit ayaw niyo po ako palabasin noong mga panahon na gusto kong maglaro sa labas?"

SCARLET (Emerald Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon