Chapter 7

67.3K 2.5K 794
                                    

A/N:

Sa mga nagtatanong kung Directioner ba ako, hindi po. Asawa po ako ni Louis at Liam. Hindi ako fan kasi ako ay asawa nila. :))

-Onneechan

______________________________________________________________________________

= 7 =

*** SCARLET'S POV ***

"ASDFGHJKL!" Tatakbo na sana ako kasi pinigilan ako ni Clyde. Ayoko na. Naiiyak nako. Nakakatakot.

"M-Meron palang ganito dito..." mahinang sabi ni Zayden pero mas naririnig ko yung sigaw ng babae. Di ako makatingin sa harap. Tapos naramdaman ko pang naiyak na pala ako sa takot.

"Clyde... a-ano ba Clyde... takbo na tayo," pagmamakaawa ko. Maiihi pa yata ako sa underwear ko dahil sa takot.

"Di pwede," sabi ni Theo. "Hahabulin niya tayo."

"Bakit tayo hahabulin? Abnoy ba 'yan?" naiiyak kong sabi. "Inaano ba natin siya? Ayoko naaaa."

"Para kang tanga diyan. Wag ka ngang umiyak," suway saken ni Clyde. Bakit ba? Eh takot nako eh.

"Woah." Napatingin kami kay Jude at Grayson na nakatingin rin pala sa amin.

"Bakit?" sabay naming tanong ni Clyde

"Yung mga mata niyo," sabi ni Zayden. "Kulay violet."

"Green mata mo diba?" tanong ni Theo kay Clyde. "Bakit violet na ngayon?"

Napahawak ako sa mga mata ko. Violet? Eto ba yung sinasabi nila Patricia? Na naging violet mga mata ko noong Sorting?

Bakit kaya nagiging violet mga mata namin ni Clyde?

"Tsk, ang ingay. Nakakairita na," sabi ni Clyde at tumingin sa babae.

"S-Sino ba 'yan?" tanong ko. Hindi parin ako makatingin sa babae. Bakit ba kasi naiyak pa siya ng dugo? Hindi ba pwedeng sumigaw lang siya?

"Ang tanong mo dapat ay Ano hindi Sino," sabi ni Theo. Huh?

"Isa 'yang Banshee, Scarlet. Nagulat nga ako na may ganito pala dito eh," sabi ni Zayden.

Banshee? "Anong banshee?"

"Usually mga babaeng palaging naiyak. Mga multo talaga sila pero nagstay sila dito para umiyak sa tuwing may mangyayaring masama o may mamamatay," paliwanag ni Clyde. So, ibig sabihin may mangyayaring masama?

"Eh sabi niyo kapag tumakbo tayo, hahabulin niya tayo. Paano natin siya maiiwan?" tanong ko.

"Kapag nalaman na natin kung ano ba ang iniiyak niya," sabi ni Jude.

"Paano?" tanong ko.

"Ugh. Yayakapin natin siya," sabi ni Grayson. "Kadiri."

Edi.. matutuluan kami ng dugo? Ehhhhh nakakatakot! Maiihi na talaga ako sa panty ko pag niyakap ko siya!

"It's the only way,baby," sabi ni Theo.

"Nagawa niyo na ba 'to?" tanong ko. "At wag mo akong tawaging baby. Hindi ako sanggol."

"Haha. Hindi pa," sabi ni Jude. What? Hindi pa? Akala ko naman expert na sila sa ganitong bagay. Hindi pa pala nila naeexperience -_-

"Sino mauuna?" tanong ko.

"Ikaw," sabay-sabay na sabi ni Theo, Jude at Grayson.

TEKA BAKIT AKO?!

"Ladies first," sabi pa ni Zayden.

SCARLET (Emerald Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon