Chapter 14

58.7K 2.4K 790
                                    

= 14 =

"Hm? Hello?" sabi niya. Natulala kasi kami sa kanya. Yellow bear? Tapos nagsasalita?

"Ang cute..." bulong ni Star.

"Ah eh hello," bati ko. Napatingin siya sa jar ng honey na binuksan namin kanina.

"Kinain niyo honey ko?" tanong niya. Parang bata siya. Ang cute cute. Parang ang sarap niya yakapin.

"Oo eh. Sorry," sabi ni Theo. "Pasensya nga pala kung pumasok lang kami nang walang paalam dito ha?"

Kinamot ng yellow bear yung ulo niya. "Hmm bakit niyo kinain honey ko?"

"Kasi baby nagutom kami tapos tinikman namin siya," pabebeng sagot ni Rachelle. Napakamot nanaman sa ulo yung yellow bear.

"Hmm... Bakit baby tinawag mo sa akin? Baby ba pangalan ko?"

Napangiti ako. Ang cute cute!

"Pacute ka pa kasi eh," asar nina Grayson kay Rachelle.

"Ano ba pangalan mo?" tanong ni Patricia sa yellow bear. Kinamot nanaman ng yellow bear yung ulo niya.

"Hmm... Winnie the pooh," sabi niya. "Pero piglet, tiger, eeyore, Mr. Rabbit, Kanga, and Roo calls me pooh."

"Woah. Sinabi niya pa talaga lahat ng pangalan ng mga kaibigan niya," bulong ni Jude.

"Hello Pooh!" masayang sabi ni Star. "Mga friends mo ba yung mga binanggit mo kanina?"

Nag-nod si Pooh. "But piglet is my beeeeestfriend."

Kung Pooh ang pangalan niya... sino si Mr. Sanders?

"Sanders apelyido mo 'no?" tanong sa kanya ni Andrea.

"Nope," sagot ni Pooh.

"Eh sino si Mr. Sanders?"

"Hmm... yung dating may-ari ng bahay!"

"Eh bakit nakalagay parin pangalan niya sa labas ng bahay? Ikaw na may-ari diba?"

"Hmm... nakakatamad tanggalin eh!"

"Psst. Scarlet," bulong sa akin ni Grayson.

"Ano?" tanong ko. Randam kong nakikinig din si Clyde sa amin.

"Nagpupustahan kami ni Jude kung babae ba siya o lalaki. Anong pusta mo?" Agad silang binatukan ni Clyde. Puro kalokohan talaga sila jusko.

"Bakit ba? Wala siyang brief o panty eh. Wala rin siyang ano... yung alam niyo na... yung dapat na nandun sa baba... yung reproductive organ..." sabi ni Jude. Natatawa ako sa kanila. Hindi nila masabi ng diretso.

"Pasensya na ulit Pooh ha?" sabi ni Patricia. "Aalis na rin kami agad."

"Hmm? Aalis kayo agad?" tanong ni Pooh. "It's Roo's birthday today. Madaaaaming foods mamaya."

Kuminang bigla mga mata ni Star at Jude. "Pagkain ba? Bukas nalang pala kami aalis!"

Aish. Ang kukulit nila! Di na sila nakinig sa akin. Bahala sila.

"Happy Birthday Roo!" sigaw nila pagdating nung Roo. Maliit na kangaroo pala sya na nakalagay pa sa pouch ng Mama niya.

Kung ano anong mga nakahanda. May Honey Cake, Honey Ice Cream, Carrot Salad (para daw doon sa Mr. Rabbit), Honey flavored Chicken, Lettuce Salad, Carbonara, at Honey Juice. Halatang si Pooh ang nagluto kasi karamihan ay may Honey.

SCARLET (Emerald Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon