Chapter 38

45.3K 1.8K 452
                                    

= 38 =

*** SKY's POV ***

"Sasama ka sa war?"

Nilingon ko siya. Mas lalo siyang pumayat. Sabi ni Rapunzel, mas lumala daw ang condition niya.

Tumango ako bilang sagot sa kanyang tanong. Tumingin siya sa labas ng bintana.

"Ganito pala ang itsura ng Blue Moon," sambit niya. Ilang minuto nalang at magsisimula na ang war. Dapat ay kasama ko na sila Clyde ngayon pero hindi pwedeng hindi muna ako magpaalam kay Lucy.

Para sa akin ay kababata ko parin siya. Kaibigan.

"Kailangan ko nang umalis, Lucy. Hinihintay na ako nila Clyde," paalam ko.

"Hindi na ba talaga magpapakita sa akin si Clyde?" tanong niya. Umiling ako.

"Baka marami lang kasi siyang inaasikaso ngayon. Dadalaw 'yon dito after ng war," nakangiti kong sabi. Kahit alam kong malulungkot lang siya dahil nagsinungaling lang ako.

Pinilit niyang tumayo at niyakap ako. "Babalik kayo ha? Ipangako mong babalik ka. Kayo ni Clyde. Ipangako mong mananalo kayo. Na babalik kayong buhay."

Tumango ako. "Promise."

***

"Remember our plan. Do or die na. Do this for our Kings and Queens. Do this for our kingdoms. Do this for our race, for our families, for our future!" sigaw ni Zayden. Tumayo ako sa tabi ni Clyde. Kanina pa siya walang imik. Kanina pa siyang tahimik na naglalakad. Naglalakad kami ngayon sa Dark Forest. Papunta na sa Dark Castle.

Natanaw na namin ang Dark Castle. At ang madaming Dark Sides.

Tumingin sa akin si Clyde at sa iba pa. "For our Kingdoms!"

Matapang ang mukha ni Clyde pero kita sa mga kamay niya na kinakabahan siya. Nanginginig niyang hinawakan ang espada niya at sumugod na sa Dark Side. Hinawakan ko na din ang espada ko at lumipad na.

From above ay kitang kita ko ang mga nangyayari. Nakita ko si Clyde na pinapatay ang kahit sinong Dark Side na makasalubong niya. Sina Theo at Jude naman ay may kinakalaban na Dragon.

And then I heard a scream. It was from Star. Nakaluhod siya at nasa harap niya si Graciela. Star's face is so red na para bang nakakaramdam siya ng heat.

I remembered how Graciela killed those manticores last time. Ganon na ganon ang ginagawa niya kay Star ngayon. I have to save her. Lilipad na sana ako palapit pero nakita ko si Jude na tumatakbo na palapit kay Star. Perhaps to save her.

Iniba ko ang direksyon ko at papunta na sa Dark Castle gaya ng nasa plano. Pero may narinig akong humampas sa pader. Paglingon ko ay nakita ko si Patricia. Being held captive by someone.

SCARLET (Emerald Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon