Chapter 25

63.8K 2.3K 721
                                    

= 25 =

*** SCARLET's POV ***

"Mommy! Daddy!"

Tumatakbo siya palayo. May humahabol sa kanya. Iyak siya nang iyak.

Bakit tumatakbo si Alice?

Nadapa siya bigla. Nagdudugo na ang kanyang tuhod. Lumingon siya sa humahabol sa kanya at malapit na siya.

"Wag po! Please!" sigaw ni Alice.

Nakalapit na yung lalaki. Mukha siyang kawal. May hawak siyang mahabang sword.

"Wag po!" naiiyak na sabi ni Alice. "Mommy! Daddy! Tulong!"

Ano ba ang nangyayari?

Inangat na ng lalaki ang espada niya at itinutok kay Alice.

"WAG!"

"Scarlet?"

Napabangon ako bigla. Pawis na pawis ako. Napanaginipan ko nanaman siya...

Yun ba ang pagkamatay niya? Bakit niya pa ako ginugulo?

"Scarlet? Okay ka lang?" Ay. May gumising pala sa akin.

"Sky?" Napaayos tuloy ako ng buhok ko. Nakakahiya. May muta pa yata ako.

"Okay ka lang? Naiyak ka kasi habang natutulog. Kaya ginising na kita," sabi niya habang puno ng pag-aalala ang kanyang mukha. Napangiti ako. Tinitignan ko palang siya ay masaya na ako.

"Okay lang ako. Bakit ngayon lang kita nakita ulit? Umalis ka ba?" tanong ko.

Tumango siya. "May hinanap lang ako."

"Ano?"

"Basta. Ang mahalaga ay nandito na ako." Nginitian niya ako. Pero bigla rin nawala ang mga ngiti niya.

"Bakit?" tanong ko.

"Yung kaibigan mo... si Star..."

"Ha? Bakit? Anong meron kay Star?"

"May naramdaman ako bigla," sabi niya. "May nangyaring masama yata sa kanya."

Tumayo siya bigla at tumakbo palabas ng kwarto. Nataranta ako't sumunod sa kanya. Paglabas namin ng school ay dumiretso agad siya sa likod.

Kinakabahan na ako. Anong nangyari kay Star?

Pagdating namin sa likod ng school ay hinubad ni Sky yung tshirt niya at agad na lumipad. Buti nalang walang tao. Walang nakakita na half-angel siya.

Nanlalamig na ako sa kaba. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nasaan ba si Patricia? Sina Clyde?

"Scarlet!" Pagtingin ko sa taas ay nakita ko si Sky na pabalik na. Buhat buhat niya si Star na walang malay.

"Anong nangyari?" tanong ko pagkalapag niya. Tumakbo agad kami papasok ng School. Nagtitinginan na ang ibang nga estudyante.

"Scarlet?" tanong nila Patrcia na kakagaling lang sa Dining Hall. Sama-sama pala sila nila Clyde. Ba't di nila kasama si Star?

"What the hell happened?" tanong ni Jude. Pinasa sa kanya ni Sky si Star. Tumakbo sila papunta sa Clinic Wing kaya sumunod kami.

"Bakit ba hindi ninyo kasama si Star?" tanong ko.

"Hindi ko nga alam eh. Paggising ko palang wala na siya," sabi ni Patricia. Pagdating namin sa Clinic Wing ay hiniga nila agad si Star sa isang kama. Agad kaming nilapitan ni Rapunzel at Carlo para tignan si Star. Sa di kalayuan ay nakahiga din sa isang kama si Lucy. Natutulog at mukha mahina. Ano ba talaga ang sakit niya? Ilang araw na siya nandito ah?

SCARLET (Emerald Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon