Chapter 35

47.9K 2K 305
                                    

= 35 =

"Welcome home, Alice!"

Bahagya ko siyang tinulak palayo sa akin. Siya si... Althea.

Siya ang... nanay ni Alice. Ang nanay ko.

"Are you not happy to finally see your mother?" sabi ng malamig na boses sa likod ko. Paglingon ko ay nakita ko yung lalaking may dark na buhok. Ang tatay ni Alice. Este, ang tatay ko. Si Max. Umatras ako palayo sa kanila. Gulong-gulo na ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nakita ko na ang pamilya ko o maiiyak ako kasi masasamang tao sila.

May biglang humawak sa balikat ko. "Miss me?"

"G-Graciela..." sambit ko. 

Niyakap niya ako nang mahigpit habang natawa. "I missed you, ate!"

Hinatak nila ako papasok sa madilim na castle. Nadaanan namin yung mga taong nakatingin sa amin kanina. Mga Dark Side. Witches and monsters. Dinala nila ako sa parang throne room nila. Agad na sinarado ng mga kawal ang malaking pinto pagkapasok namin dahilan para magkaroon kami ng privacy.

Umupo si Max sa trono niya. Pati rin si Althea at si Graciela. May isang trono na bakante sa right side ni Althea. Nakangiti silang nakatingin sa akin. Mali 'to. Hindi dapat ako nandito. Dark Side sila. Masasama silang tao.

"Hindi kami masasamang tao," malungkot na sabi ni Althea. Teka, paano niya nalaman kung ano ang iniisip ko?

"Paanong hindi kayo masama? Marami kayong pinatay. Marami kayong ginulo at sinaktan!" sabi ko.

"AT MADAMI DING NAMATAY, NAGULO AT NASAKTAN SA AMIN!" sigaw ni Graciela.

"Akala mo ba kami lang ang masama? Akala mo ba mabait sila? Akala mo ba mabubuti silang tao?" Galit na ang expression ng mukha ni Max. Wala akong masabi. Ano nga ba ang nangyari noon? Bakit... bakit ako nalayo sa kanila? Bakit may war?

"Graciela, dalhin mo ang kapatid mo sa kwarto niya," utos ni Max. "Sabihin mo sa mga kawal na bantayan siya at huwag hahayaang makalabas hangga't hindi ko sinasabi."

Pumiglas ako sa hawak ni Graciela ngunit nanghina ako bigla. Para bang nauubos ang lakas ko. Agad akong napatingin kay Max. Nakangiti siya sa akin. Siya ba 'yon? Paanong... paano niya nagagawa 'yon? Para bang kontrolado niya ako.

Hinatak na ako ni Graciela. She is humming a melody. A very familiar melody. Hindi ko lang matandaan kung saan ko 'yon narinig. Tumigil kami sa tapat ng isang kwarto. Binuksan niya ito at bumungad sa akin ang isang malawak na kwarto. Ito yung kwarto ni Alice sa panaginip ko. Mas malawak nga lang. Mas malawak pa sa kwarto namin nila Patricia. Mas malawak pa sa kwarto nila Clyde.

Clyde... Ano na kayang ginagawa niya ngayon?

"Araw-araw 'tong pinupuntahan ni Mama," sabi bigla ni Graciela. "Kwarto mo talaga 'to noon pa. Ayaw na ayaw nilang pagamit sa iba. Kahit sa akin."

Napayuko ako. "Ano ba talaga ang nangyari? Bakit ako nahiwalay sa inyo?"

Hinatak niya ako papasok sa kwarto. Lumapit siya sa bookshelf at may kinuhang libro. Kulay itim ito at maalikabok na. "Binabasa ko 'to palagi noong bata pa ako. Noong wala akong makalaro kasi wala ka."

Inabot niya sa akin yung libro. "Ano ba 'to?"

"Nakasulat diyan ang lahat ng nangyari," sabi niya. "Ang mga dahilan."

Binuklat ko ang libro. "Why It Happened." ang nakasulat. Sulat-kamay.

"Sino nagsulat nito?" tanong ko. Nagkibit-balikat lang siya. Paglipat ko sa susunod na page ay may nakasulat na "The Other Side of the Story." Medyo naiirita na ako kasi pasuspense pa kaya nilipat ko na agad sa susunod na pahina. Doon na nagsimula ang kwento.

'Once there are only two kingdoms. The Light and the Dark. Light consists people who possess light magic while the Dark consists of people who possess dark magic. Matalik na magkaibigan ang King of Light at ang King of Darkness. Their friendship brings peace and balance between the two kingdoms. But like everything else, their friendship ended. The Queen of Darkness died. At ang mga huling salita niya ay ang pangalan ng King of Light. Doon palang ay nalaman na ng King of Darkness na hindi lang siya ang mahal ng asawa niya. He declared war against the Light. Hindi alam ng King of Light kung bakit. Hindi niya alam ang tunay na dahilan. Hindi niya alam na mahal pala siya ng Queen of Darkness. For him, they were just close friends. But the King of Darkness thought that there was something more than friends between his bestfriend and his wife. The war lasted for years. Sobrang nilamon ng galit ang King of Darkness. His title suits his personality. Hanggang sa finally niyang napatay ang King of Light. Balak niya sanang kunin ang bunsong anak nito ngunit naitago na agad ito sa malayong lugar. The King of Darkness eventually died because of sickness. But before he does, naipasa niya na sa Dark Prince ang kanyang korona. Si Max. Years later ay bumalik na ang bunsong anak ng King of Light. Si Emerald. Max did everything to get her. Nang magkita sila sa wakas ay inoffer niya itong magpakasal. Upang maging isa na ang kingdom nila. Upang maging hari na siya ng lahat. Ngunit hindi pumayag si Emerald. Pinagbantaan ni Max si Emerald na magkakaroon ng war. Na bibigyan niya lang sila ng panahon para maghanda. Kaya't hindi parin natatapos ang gulo. And then Max met Althea. Nalaman niya na isa pala itong engkantada. Akala ng karamihan na si Thelessa nalang ang natitirang engkantada pero hindi nila alam na hinuli pala ng King of Darkness si Althea at kinulong sa dungeons nila. He eventually married Althea. At doon dumating si Alice. 3 years later ay ipinanganak naman si Graciela. May kakaibang taglay ang magkapatid. Ngunit di maipagkakaila na mas malakas si Althea. Nasa dugo niya ang Dark Elixir. Nalaman nila Queen Emerald ang tungkol kay Alice. Dahil sa takot na baka matalo sila sa war, ipinadakip niya si Alice at ipinag-utos na patayin ito. Kahit labag sa loob nila ang pumatay. Lalo na't bata pa si Alice. They all thought na namatay si Alice. Pero alam ni Althea. Alam niyang buhay pa ang anak niya. At magbabalik ito para tapusin na ang war.'

Agad kong sinarado ang libro. Mabilis at malalalim ang aking paghinga. Queen Emerald... Si Queen Emerald na mabait... Siya ang nag-utos na patayin ako. Siya ang dahilan kung bakit nahiwalay ako sa pamilya ko.

Naguguluhan akong tumingin kay Graciela. "Si Queen Emerald...?"

"Yes. 1 years old palang ako 'non."

Bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Max. "Sabi ko naman sayo, hindi lang kami ang masama."

"Imagine the hardships that we've been through dahil sa kanila," sabi ni Graciela. "Imagine how sad I am kasi lumaki ako na walang kalaro. Na walang ate."

"Isipin mo ang naramdaman namin ng nanay mo noong nawala ka," sabi ni Max. "We lost you. Parang namatay na din kami."

Nag-unahan nang tumulo ang mga luha ko. Lumapit sa akin si Max at niyakap ako.

"Revenge is the answer, my dear."

___________________________________________________

SCARLET (Emerald Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon