Chapter 10

65K 2.5K 879
                                    

= 10 =

*** SCARLET'S POV ***

"Kumpleto na mga gamit mo?" tanong sa akin ni Clyde. Tumango ako. Wala naman ako masyadong dadalhin. Konti lang damit ko -_- Nandito kami ngayon sa Entrance Hall. Konti nalang yung nga estudyanteng naglalakad.

"Kailan daw tayo aalis?" tanong ko.

"Mamaya daw kapag tulog na lahat. Ayaw kasi nilang ipaalam muna sa mga estudyante. Baka daw kasi magpanic kapag nalamang malapit na ang war," sabi niya. Malapit na magcurfew, kami lang ba aalis?

"Oh look who's here," sabi ni... sino nga pala 'to?

"Ano nanaman kailangan mo, Rachelle?" iritadong sabi ni Clyde. Oo nga pala, Rachelle nga pala pangalan niya.

"Ew, I'm not going to talk to you," sabi ni Rachelle. "I'm talking to Scarlet kasi she looks more like a human than you are."

Inirapan niya si Clyde at tumingin sa akin. "Saan kayo pupunta, Scar?"

Tinawag nanaman niya akong Scar -_-

"Ah... wala. Dito lang. Sino nagsabing aalis ako? Hindi ako aalis," pagsisinungaling ko.

"Really? Eh why do you have your bags with you. You're lying to me na ha. I'm starting to hate you na," sabi ni Rachelle.

"Nagsasabi ako ng totoo. Tumatambay lang kami ni Clyde dito," sabi ko.

"Really?" tanong ulit ni Rachelle. "Promise? Pinky swear?"

"Oo," sabi ko.

Umalis na siya. Ba't ganon yun? Abnormal.

"Tsk. Papansin talaga 'yon," sabi ni Clyde.

"Bakit ba magkaaway kayo 'non?" tanong ko.

"Bata palang kami kaaway ko na siya," sagot niya. "Pinsan niya kasi si Jude. Anak siya ni Prince Vincent na kapatid ni King Vladimir."

Prince Vincent? Sino naman 'yon? Nevermind na nga lang.

Mga isang oras o mahigit na ang nakalipas wala parin si Prof. Ox at Prof. Thelessa para ihatid kami sa Dark Forest. Kung ano anong laro na nagawa namin ni Clyde. Ketchup, pen pen de sarapen (tama ba?), dunkin donut, atbp.

"Bato, bato, pick!" sabay naming sabi.

"Ang daya! Hinintay mo ako mauna para magpapel ka!" sigaw ko nung natalo nanaman ako.

"Tanga mo kasi. Palaging bato ginagamit mo," sabi niya. Natahimik kami nang makita na namin palapit sina Prof. Ox.

"Kanina pa kayo nandiyan?" tanong ni Prof. Ox.

"Halata po ba?" sarcastic na sabi ni Clyde. Kakaiba talaga mood swings nito.

"Tara na," sabi ni Prof. Thelessa. "Lumalalim na ang gabi."

"WAIT!" Napalingon kami sa mga nagtatakbuhan pababa ng hagdan. Sila Star, Patricia, Andrea, Theo, Grayson, Jude at Zayden. May mga dala silang bag.

"Saan kayo pupunta?" tanong ko.

"Bakit kayo nandito?" tanong naman ni Clyde. Sabay-sabay silang lumuhod sa harap nila Prof. Ox at Prof. Thelessa.

"SASAMA PO KAMI PLEASE!" sabi nila. Buang ba sila? Sasama sila sa amin? Tsaka ang dami nila para sumama!

Pero kahit anong protesta namin ni Clyde, pinayagan parin sila ni Prof. Ox.

SCARLET (Emerald Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon