Chapter 13

59.7K 2.4K 956
                                    

= 13 =

*** CLYDE'S POV ***

"Sigurado na ba kayo sa desisyon mo?" tanong ni Theo. Tumango lang si Rapunzel.

"Okay. Good." Binigay na ni Theo kanila Rapunzel at Carlo yung pixie niya. "Sundan niyo lang 'tong si Flippy. Dadalhin niya kayo sa school."

Naglakad na sila palayo sa amin. Pumayag sina Rapunzel na pumunta sa school. Pero dala nila yung lola niya.

"Paano yung lola niya?" tanong ni Patricia.

"Sinabihan ko na si Flippy na sabihin kay Prof. Ox ang lahat ng nangyari dito. Si Prof. Ox na ang bahala doon," sagot ni Theo.

"Malamang ikukulong siya sa dungeons," sabi ni Zayden.

"Saan na tayo susunod na pupunta?" tanong ni Star.

Tumingin ako sa langit. Parang uulan. Malas. Napatingin ako kay Scarlet. Tahimik lang siyang nakasandal sa isang puno. Parang ang lalim ng iniisip niya.

Naalala ko yung nagawa niya kagabi. Paano niya nagawa 'yon? Saan niya natutunan gawin 'yon? Sino ba talaga ang mga magulang ni Scarlet?

"Clyde?" tawag sa akin ni Andrea. "Saan na tayo pupunta?"

Tsk. Kulit nitong mga 'to.

"May maliit na bahay daw malapit dito," matipid kong sabi. Nagsimula na akong maglakad. Alam ko namang susunod sila eh.

"Okay ka lang, Scar?" rinig kong tanong ni Rachelle.

"Oo naman," mahinang sagot ni Scarlet.

Gagawin ko ang lahat malaman lang kung sino ba talaga ang mga magulang niya. Hindi ako mapakali.
May kakaiba kay Scarlet na kailangan kong malaman.

*** SCARLET'S POV ***

"Gaano katagal pa ba tayo maglalakad?" tanong ni Star. "Akala ko ba malapit lang?"

"My legs hurt naaaa~" angal pa ni Rachelle.

"Nagugutom na ako," sabi naman ni Jude.

Hindi ko makalimutan yung sinabi ni Rapunzel kanina. Dark Side din ba ako? Kaya ko ba nagawa 'yon? Nagawa ko 'yon dahil nagalit ako. At alam kong masama ang mga bagay na nagagawa dahil sa galit.

Ano ba talaga ako?

Tumigil bigla sa paglalakad si Clyde. May kung ano siyang tinitignan sa harap. Pagtingin namin ay may isang puno.

Mas malaki ito kaysa sa ibang puno. Tapos may maliit na pinto sa gitna. May nakasulat sa taas na "Mr. Sanders'". May bonfire pa na mukhang kakapatay lang kasi nausok pa. Tapos may mga tambak na jars sa gilid ng puno.

"Eto na ba 'yon?" tanong ni Patricia.

"Hindi pa," sagot ni Clyde.

"Huhu. I wanna eat and rest na," angal ni Rachelle.

"Angal ka kasi nang angal diyan. Di ka nalang sumunod," bulong ni Theo. Hindi siya pinansin ni Rachelle.

"Kapag hindi ako nakakain, mangangagat ako." inis na sabi ni Rachelle. Oo nga pala, vampire din siya kagaya ni Jude.

May parang pumatak sa noo ko. Pagtingin ko sa langit ay makulimlim na. Uulan yata--

"Sht. Naulan!" sigaw ni Rachelle. Ang lakas ng ulan! Mabilis siyang tumakbo papasok doon sa puno este bahay este... aish! Puno na bahay nalang. Sinundan namin siya at pumasok na rin sa bahay. Na puno. Puno na bahay.

SCARLET (Emerald Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon