HINDI alam ni Inggo kung paano niya sosolusyunan 'tong problema niya.
He sighs and rubs his fingers over his temples. Ito na. Sumasakit na ulo niya sa stress.
Hindi problema 'to before. Blessing pa nga noon at hindi nagrereklamo si Inggo.
Pero ngayon, ang hassle. Ang hirap.
Bukod pa sa mabigating workload niya as a first year med student, isa pa 'tong iniisip niya.
Wala kasing solution right now.
Nakakaiyak. Nakaka-stress. Nakakabaliw. 'Di na niya alam gagawin niya.
"Migs, ano gagawin natin sa problemang 'to?" tanong ni Inggo sa kaibigan, pagod na pagod na. He runs his hands through his face and groans. "'Di ko na talaga kaya."
Tiningnan siya wearily ng kaibigan niya. "Ina ka, anong problema?"
Inggo sighs and shakes his head, wiping his tears. "Ang pagiging sobrang gwapo."
Pareho kasi sila ng problema ni Migo. Ang pagkakaiba sa kanilang dalawa, may masasabing reason ang best friend niya.
Ang mahiwagang: "May girlfriend ako."
E si Inggo na walang masabi?!
Second week pa lang nila sa med school at ang kulang na lang is magtago si Inggo sa ilalim ng tables para sa isang duck, cover, and hold dahil every day siyang binibigyan ng papel na may number.
Tinapon na niya lahat 'yon.
Akala ba ng mga classmates niya hindi niya napapansin na vi-ni-video siya o pi-ni-picture during class? Sinusundan ng tingin 'pag papasok siya ng kwarto kasama ni Migo?
Baka gusto na siyang angkinin ni Rinn. Baka lang naman.
Baka gusto niya na rin mag-reply. Sabihing na-receive na niya flowers ni Inggo.
Flowers. Girls like that shit, 'di ba?
Except si Ji. Alam ni Inggo ayaw niya n'on kasi mabilis mamatay, pero gusto niya pa ring nakaka-receive from Migo kaya ang binibili ni gago is yung preserved.
Simp, amp.
Pero si Rinn, TBH, 'di niya sure. Bobo siya pagdating dito. 'Di pa sila ni Rinn, pero sa isip ni Inggo, sinasanay na niya sarili niya na may girlfriend na siya.
Minsan, shh lang kayo, sinasabi niya to himself sa mirror, "May girlfriend ako," pang-practice lang. Ang saya pala sabihin n'on. Medyo sinapian si Inggo ng kilig when he said that the first time, tanggal angas, ampota.
Binatukan siya ni Migo. "Kailan pa naging problema 'yon sa 'yo, gago? Napapakasaya ka na sa bachelor pad mo, e."
Nagpapakasayang nakikipag-FaceTime sa kapatid mo habang nag-aaral kami, pota ka.
Wala nang ibang papasok sa condo niya na babae kundi si Rinn.
Inggo winks at him. "Miss mo 'kong roommate, 'no? Mas magaling ako magsaing ng kanin kesa kay Ji, 'no?"
"Marunong na siya magluto ng itlog!" depensa ni Migo sa girlfriend.
"Ugly eggs 'yon!"
"Ako lang pwedeng magsabi na ugly ang eggs niya, tangina mo, suntukan!"
Habang hinihintay nila next lecture nila, Inggo stares at his phone and drums on it, still waiting for her text.
Nagpa-send siya ng isang bouquet from Ateneo's Valentines in August na event through the anonymous Google Form. Siyempre walang name din sa card, pero sa nakasulat, alam na alam dapat ni Rinn na sa kanya galing 'yon.
BINABASA MO ANG
And Then You
Storie d'amoreInggo de Paz has a long line of girls waiting outside his door. He never thought Maureen Salas, his best friend's little sister, would be one of them. DISCLAIMER: This story is written in Taglish.
