31 / inggo

15.8K 387 283
                                    

ALAM ni Inggo na matalino siya.

Matalino siyang gago kahit buhay bobo siya minsan.

Pero bakit feeling niya bobo talaga siya ngayong nasa club siya?

He's having fun with his friends. He's drinking. Pero he keeps checking the time kasi sabi niya he'll stay for another hour lang para ma-appease si Rinn, tapos babalik na siyang Blue.

"Dance with me!" yaya ni Kaye sa kanya, grabbing his hand.

Inggo yanks it out of her grasp. "You go."

She pouts at his reaction and sits next to him, pressing her leg against his. Inggo's tongue darts out to push against his cheek in irritation as he stands up.

Okay, tama na.

Kaibigan niya 'tong bitchesa na 'to, nakakalaro ng ping pong minsan, nakakasama sa review o kaya sa dinner o lunch with their other friends, pero putangina, ha.

Naiinis pa rin si Inggo sa sinabi niya about Rinn kanina.

Kaye looks up at him, obviously distressed. "You're still not mad about me answering your phone kanina, are you?"

"Actually, I am. Nakakagago 'yon, Kaye. I'm going out for a smoke."

Hindi na niya hinintay ang sagot niya.

Out of all his new girl friends ngayong med school, si Kaye lang ang ganyan kasi may gusto siya sa kanya.

He's not blind. He's not dense, either.

Lumalayo na nga 'tong si Inggo sa kanya kasi he finds her advances, while brave, a little pathetic. Ilang beses na siyang t-in-urn down ni Inggo nang lunch na silang dalawa lang? Ilang beses na niyang sinabi sa kanya na hindi nga siya pwede sumakay sa motor niya?

Nagkukunwari pang hindi gumagana ang sasakyan, e. No'ng tiningnan naman ni Inggo yung hood, it was fine. When he started the car, it ran fine.

Hindi na lang niya c-in-all out sa pagmumukha niya ang lie. Desperate as she is, he wasn't going to embarrass her.

Pero punyeta kasi yung sinabi niya kanina, e.

Nakakagago kasi wala siyang nasabi in Rinn's defense.

'Yong sinasabi niyang babysitting, privilege para kay Inggo.

'Yong pagsusundo sa kanya. 'Yong pagpapapakita sa kanya ng mga damit niyang bagong bili. 'Yong siya pa rin ang pinipili niyang kasama manood ng movie kahit may libro sa lap niya.

And Inggo often feels like nagkukulang siya pagdating kay Rinn.

"Gago," bati ni Migo with a tip of his chin, holding a shot in his hand. "O, para sa 'yo."

"Uy, sabi mo 'di ka dadaanan. 'Tsaka kala ko umuwi ka na kanina pa?" sabi ni Inggo with scrunched eyebrows, taking the glass.

Migo leans against the railing next to him.

Tapos ang next na sinabi niya makes him almost drop his drink.

"Dumaan pa 'kong Ateneo para sa InTACT thingy ni Mau. 'Di sumulpot yung speaker."

Sabi na nga ba. Yung bobo intuition niya, tama.

Fuck, fuck, fuck. He missed it. He missed it when he promised her he'd free his Friday night for it.

Kaya pala siya tinatawagan kanina pa ni Rinn.

Nag-alarm siya, e. Nag-alarm siya na aalis siya nang maaga sa study group.

Fucking hell, he needs to go back.

"Hintayin ko na rin si wifey," sabi ni Migo. "'Di pa tapos sa trabaho, susunduin ko na."

And Then YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon