Chapter 18

47 4 1
                                    

!!!TYPO AND UNGRAMMATICAL AHEAD!!!


Chapter 18

"A-Aray Sir Chase naman masakit!" Inis kong wika dito nang bigla nyang idiin sa pisngi ko ang nilalagay nyang yelo napalayo tuloy ng bahagya ang inuupuan ko dahil sa pagkakabigla

Hindi ito kumibo at matalim parin ang ibinibigay na mga tingin sa akin gustuhin ko mang biruin ito para gumaan ang paligid ay hindi ko magawa dahil sa titig pa lamang nito ay hindi na ako makapagsalita

"What really happened to your face?" Matalim na tanong nito habang seryosong nakatitig sa mukha ko hindi ko na nga mabilang kung ilang beses nya na bang naitanong yan sa akin magmula pa kanina

"Nadapa nga lang ako kaya nagkaganto-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ay nagsalita na agad ito

"Stop lying to me, Amelia." Malamig na tugon nito napayuko naman ako dahil sa pagkapahiya, sa talino ng lalaking ito ay imposibleng maniwala talaga sya sa kasinungalingan ko

"I want to hear the truth. Isang pagsisinungaling mo pa ay tatanggalin kita sa kompanya." Pagbabanta nito, gulat naman akong napatingin sa kanya at nanlaki ang mata dahil sa pagbabantang ginawa nito seryosong seryoso ito at walang bahid ng pagbibiro ang kanyang mga titig

"S-Sir wala lang naman 'yon e aksidente lang po talaga." Sa palagay ko ay aksidente lang talaga ang nangyari baka naman nabigla lang sya kaya bigla nya akong nasampal

"Then who did that?" Tanong parin nito mukhang hindi talaga sya titigil hanggang sa hindi nya nakukuha ang pangalan nung mismong gumawa

"S-sir aksidente nga la-"

"I'm not asking if it's an accident or not! I'm asking about the name of that f*cking person!" biglang galit nitong sigaw mukhang kanina nya pa talaga pinipigilan ang galit nya at ngayon ay kumawala na ito

"TELL. ME. WHO. DID. THAT. TO. YOU." Madiin ang bawat salitang sambit nito

"Sir, aksidente nga lang bakit ba kase kailangan nyo pang malaman ang buong detalye hindi ka naman siguro concern dahil hindi naman tayo magkaano-ano!" Balik kong sigaw dito naiinis na kase ako sa kanina pang pangungulit nito hindi ko alam kung concern ba sya o nakikialam lang talaga

"Seriously? You dare to ask me that? Of course I'm concern, You're My Secretary for f*cking 3 years and someone will just hurt you like that!"

Nagulat naman ako sa sinabi nito mukha talagang nag-aalala lang sya at namisinterpret ko 'yon nalimutan ko na kahit nga pala palagi kaming nag-aaway at nagsasagutan ay malambot parin ang puso nito para sa mga empleyado

"Sorry..." Mahinang sabi ko dito habang nakayuko narinig ko naman itong bumuntong hinanga saka hinila ang upuan ko palapit sa kanya

Nagulat ako sa biglaang galaw nito bahagya nyang itinaas ang kanang kamay na may hawak na cold compress at inilapat ito sa aking pisngi

"S-Sir, ako na" wika ko at balak na sanang kuhain ang cold compress sa kamay nya ng bigla itong magsalita

"Don't move or I'll fire you" mabilis ko naman ibinaba ang aking kamay at umupo ng tuwid mukhang mas makabubuti kung hahayaan ko nalang ito sakung ano mang gusto nyang gawin

"Sir Chase, Bakit ka pala nandito?" Tanong ko dito upang basagin ang tahimik na paligid

"What do you mean? This is my Building." Nakakunot noo na sambit nito habang busy parin sa kanyang ginagawa sa aking pisngi

"Ang ibig kong sabihin is bakit ka pumasok dito sa office ko kanina, may kailangan ka ba?" Paglilinaw ko dito akala nya ata ay pinagbabawalan ko sya sa sarili nyang kompanya

His Bossy SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon