Chapter 21

39 2 1
                                    

!!!TYPO AND UNGRAMMATICAL AHEAD!!!

Chapter 21

Gabi na at malamang sa mga oras na 'to ay nagsisimula na ang celebration pero nandito parin ako bahay at kanina pa hindi mapakali

"Anak, ano bang ginagawa mo at kanina ka pa paikot ikot dyan, hindi ka ba nahihilo?" Ani ni mama habang nakahiga na sa sahig at handa ng matulog

"Ma....ano kase e..." medyo nagdadalawa isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya na may pupuntahan ako baka kase mag-alala pa ito

"Ano? Hindi ka pa ba matutulog?" takang tanong nito

"Gising pa kaya sila Auntie, Ma?"

"Malamang ay tulog na ang mga iyon dahil nakasanayan na nila ang maagang natutulog, bakit mo naman naitanong?" Pauusisa nito

"Ahh k-kase Ma a-ano pwede ba a-akong a-ano—"

"Pwede ka bang ano? Pumunta sa 4th anniversary celebration ng company na pinagtatrabahuhan mo?" Dire-diretsong pahayag nito

"P-pano mo nalaman,Ma?" Alanganin ko pang tanong nito habang sinusubukang basahin ang reaksyon nya

"Aba'y nakita ko ang invitation sa bag mo saka ang gown mo doon sa drawer" wika nito hindi naman sya mukhang galit pero kinakabahan parin ako

"S-so ano nga, Ma? Pwede ba?" Tanong ko dito saka alanganing ngumiti sa kanya

"Shempre naman! Bakit naman hindi e ang laki laki mo ng bata ka hanggang ngayon ba naman ay natatakot ka pang magpaalam sakin?" Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi nito

"Bakit kase dati Ma hindi mo naman ako pinapayagan ah" may halong pagrereklamo kong saad dito dahil ilang beses akong nagpaalam sa kanya dati pero palaging hindi ang sagot nito

"Nakikita ko kaseng pagod na pagod ka dati sa sobrang dami mong ginagawa pero ngayon ay mukhang okay ka naman na bumili ka pa nga ng gown at shoes mo ibig sabihin ay gustong gusto mo talagang umattend sa celebration na yan" napangiti ako dahil sa narinig akala ko dati ay hindi nya ako pinapayagan dahil kailangan nya akong kasama palagi sa bahay ngunit iba pala ang rason

"Thank you Ma, pero yung sa gown hindi ako bumili nyan bigay lang yan ng Boss ko hehe" pagtatama ko dito

"Bakit ka naman bibigyan ng Boss mo? May gusto ba yon sayo?" Mapanuring tanong nito at pinaningkitan pa ako ng mata

"Hay nako ka Ma, issue yan?" Pabirong kong saad dito natawa naman sya at sinabing nagbibiro lang daw sya

"O sige na magbihis ka na at late na late ka ng bata ka" itutulak pa sana ako nito palabas upang makapagbihis sa CR pero pinigilan ko ito

"No, Ma baka magising ko pa sila auntie pag pumunta pa ako ng Cr upang magbihis" medyo pabulong kong saad dito

"Huh? Edi saan ka pala magbibihis?"

"Doon nalang ako magbibihis sa venue Ma may CR naman doon saka late na late narin ako e baka lalo pa ako matagalan pag dito ko ginawa" paliwanag ko dito

"Ganon? O sige basta mag-iingat ka" pagpapaalala nito sakin

"Sige po" humalik ako sa pisngi nito saka kinuha ang bag ko sa mesa at ang gown ko pagkatapos ay sinimulan kong buksan ang bintana sa aming kwarto

"Ano namang gagawin mo dyan,Lia?"   Nagtatakang tanong ni mama sa akin nakakunot pa ang noo nito at parang nawi-weirdan sa ginagawa ko

His Bossy SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon