!!!TYPO AND UNGRAMMATICAL AHEAD!!!
Chapter 24
Today is SUNDAY! its been a day since the celebration ended, it was really tiring but i still enjoy it especially that i'm with my friends and....Sir Cha—
"Amelia! Asan ka bang babae ka?!" Mula sa kusina kung saan ako nag-uurong ay narinig ko ang sigaw ni Auntie Emma kaya dali dali kong pinunas ang kamay sa aking damit at lumapit sa kanya
"Bakit po?" Mahina at may takot kong tanong dito agad naman syang nag-angat ng tingin
"Hindi ba't kanina ko pa sayo ipinapaayos ang mga ito?!" Wika nito saka galit na dinampot ang mga damit na nasa sofa at binato sa akin
"A-ah inuna ko po kasi muna linisan yung mga pinggan—" hindi natapos ang pagsasalita ko nang bigla nitong hinili ang aking buhok
"Sumasagot ka nang babae ?!" Mas lalo nitong diniinan ang pagkakahila sa buhok ko
"S-sorry p-po, A-auntie" tanging naiwika ko nalang
"Fine." Ramdam ko parin ang galit nito ngunit binitawan nya na ang buhok ko "Do it now" Maikling wika nya nalang bago umalis at pumunta sa taas
Mabilis kong pinulot ang mga damit na nagkalat sa sahig inilagay ko na ito sa sofa nanginginig ang mga kamay ko ngunit wala akong magawa kundi ligpitin nalang ng maayos ang mga ito upang hindi na mapag-initan pa
Hindi ko pa natatapos ang mga ligpitin ay narinig ko naman ang malakas na pagkabasag ng isang bagay mula sa kusina kasabay nito ay ang galit na boses ni uncle Wilson habang tinatawag ang pangalan ko
Kahit na naanghihina pa ang tuhod ko dahil sa nangyari kanina ay pinilit ko paring tumayo at dali daling magpunta sa kusina
Pagpasok ay nakita ko ang mga bubog na nagkalat sa sahig matatas ang mga ito ngunit wala ng mas tatalas pa sa mga tingin na ibinabato ngayon sa akin ni Uncle Wilson
"A-ano pong nangyari?" nagtatakang tanong ko dito ngunit sinuklian lang ako nito ng masasamang tingin
Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari namalayan ko nalang na nasa harap ko na ito at mabilis na hinila ang braso ko papuntang lababo napaigik nalang ako nang maramdamn ang mga bubog na unti unting bumabaon sa paa ko at baliwala lang ito sa kanya dahil sa suot nyang sapatos
It hurts but I don't want to cry—I don't want my mother to know how hard my life is because she will surely blame herself. If there's someone to blame for anything that happened that will only be me for not being strong enough, for not being brave enough to fight back and for not helping myself in this situation
This is only my fault
"Nakikita mo yan?! Muntik nang umapaw ang tubig dahil hindi mo pinatay ang gripo! Walanghiya kang babae ka palamunin ka lang dito sa bahay nag-aaksaya ka pa!!" Namumula ang mukha nito dahil sa galit alam kong kahit subukan ko mang magpaliwanag ay hindi din naman ito makikinig
"S-sorry p-po" I said for the second time hindi ko nanaman kayang lumaban
"Wilson, Anong bang nangyayari dito? Bakit basag basag ang mga plato?" Mabilis akong binitawan ni Uncle at hinarap si Mama, malamang ay hindi nito nakita ang sitwasyon namin kanina dahil nakatuon ang atensyon nito sa mga platong nabasag sa sahig
"Ano pa! Edi binasag ng magaling mong anak!" Bastos nitong sagot sa mama ko saka padabog na umalis
"Totoo ba, Lia?" Hinarap ako nito at mapanuring tumingin
BINABASA MO ANG
His Bossy Secretary
RomanceChase Aphelion Alzarde He knows that being this crazy over his Secretary is up to no good. He should fire every employees that will go against his will because he's the Boss no one is allowed to shout at him, blame him or be bossy around him, but...