Chapter 13

47 9 0
                                    

!!!TYPO AND UNGRAMMATICAL AHEAD!!!

Chapter 13

Nang makauwi ako ay agad kong ibinigay kay Mama ang pagkaing binili namin ni Matt kanina masayang masaya ito dahil ito ang paborito nya natutuwa naman ako na kahit sa munting bagay ay nagagawa nya na ulit sumaya

Pagkatapos nyang kumain ay sinamahan ko ito saglit papunta sa kwarto upang magpahinga habang nakahiga ito ay bigla itong nagsalita

"Lia, wala na talaga si papa mo 'no?" Tanong nito ngunit hindi katulad ng dati ay walang tumutulong luha sa mga mata nya nakatingin lang ito sa kisame at tila malalim ang iniisip

"Ma..." Mahinang tawag ko dito ayokong masimulan nanaman ang ganitong usapan dahil isa lang ang patutunguhan nito...iiyak lang sya ng iiyak at ayoko ng mangyari pa 'yon

Lumingon naman ito sa pagtawag ko sakanya at bahagyang ngumiti saka nagsalita "Unti unti ay natatanggap ko narin ang nangyari, pasensya ka na sakin" wika nito saka hinawakan ang aking kanang pisngi

"Okay lang po 'yon Ma ang mahalaga ay kasama parin po natin ang isa't isa" ngumiti ako dito at hinawakan ang kanyang kamay na kanina ay nasa aking pisngi

"May hihilingin lang sana ako sayo 'nak" mahinang wika nito na parang nagdadalawang isip pa sa kanyang sinabi

"Ano po 'yon Ma? May gusto pa po ba kayong kainin? may gusto ka bang ipabili sakin? o gusto mo mamasyal tayo Ma? Kahit ano pa po yan gagawin ko ag-" natigil ang pagsasalita ko ng bigla itong tumawa ng malakas

"Ano ka ba Lia pwede bang pasingitin mo naman ako andami mo agad sinabi e HAHAHA" wika nito habang tatawa tawa parin napatitig naman ako dito at hindi mapigilang mapangiti hindi ko na maalala kung kailan ang huling araw na nakita ko itong tumawa tulad ng ngayon

She looks so happy....I wish it will last long

"Sorry naman Ma minsan ka lang kase humiling sakin ng isang bagay e" Wika ko habang ngiting ngiti parin dito kung pwede ko lang pahintuin ang oras ay gagawin ko wag lang mawala ang masasayang ngiti nito

"Lia...gusto ko sana ulit magtrabaho" Mahinang sambit nito habang hindi makatingin sa akin ng deretso inaakala nya sigurong magagalit ako

"Wow! Ma talaga po ba? Anong trabaho naman po ang nais nyo?" Excited kong tanong dito sa lumipas kase na maraming taon ay palagi lang itong nasa mansyon ayaw nitong lumabas o mamasyal man lang dahil natatakot itong biglang mawala ang bahay katulad ng pagkawala ni papa...

"Gusto ko sana ulit e yung katulad ng dati..." Alanganin pang sabi nito sa akin, naaalala ko pa ang dati nitong trabaho meron itong isang restaurant na talaga namang kilala dito sa bayan mahilig kase si mamang magluto at talaga namang masasarap ang mga pagkaing niluluto nito sa katunayan ay naimbitahan pa ito sa isang interview dati dahil sa naging sikat ang mga pagkaing niluluto nya ngunit bago pa ito mangyari ay nawala si papa dahilan kung bakit pinasara at ibenenta ni mama ang dating restaurant

"Kung ganon Ma ay kailangan na pala nating tumingin ng pwestong pagtatayuan ng restaurant mo!" Masigla kong wika ngunit agad itong umiling iling na para bang hindi sya sang-ayon dito

His Bossy SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon