!!!TYPO AND UNGRAMMATICAL
AHEAD!!!Chapter 3
Nagmamadali akong lumabas ng building na pinagtatrabahuhan ko at agad agad na pumara ng jeep mabuti nalang at madami ng jeep sa hapon kaya hindi ko na kailangan pang mag taxi ulit dahil sayang din ang pera
Nang makarating ay agad agad akong bumaba at tumakbo papasok ng village mahigpit ang security dito ngunit sa tagal ko na ditong nakatira ay kilala na ako ng mga guard paminsan minsan ay binabati pa ako ng mga ito
Nang nasa harap na ako ng malaking mansyon ay nakarinig ako ng malakas na sigaw mula sa loob
Si Mama!
Nagmamadali akong pumasok at doon ay bigla nalang bumagsak ang mga luha ko nakita ko kung paano nila sipain ang aking ina na ngayon ay nakadapa sa sahig habang tinatakpan ang ulo
"Walanghiya kang babae ka hindi ba't sinabi ko sayo na plantsahin mo ng maayos ang mga damit ko!"
"M-mama" dali dali ko itong dinaluhan at niyakap ng mahigpit
"Lia" sabi nito habang nakatingin at bahagya pa itong ngumiti sakin kahit kita ko sa mga mata nito kung gaano na ito nasasaktan
"M-ma sorry ngayon lang ako"
"Ayan na pala ang malandi mong anak buti dumating ka pang babae ka walang pakinabang 'yang walang kwenta mong ina" nakangisi pa nitong sabi samin
"A-auntie—
" Wag mo 'kong matawag tawag na Auntie, wala kang karapatan!" Galit nitong sabi sakin simula ng namatay ang aking ama ay wala na itong ginawa kundi ang saktan at pahirapan kami
"M-ma'am please wag na si Mama hindi nya 'to kaya" umiiyak kong pagmamakaawa dito kahit na alam kong wala namang mangyayari ay sumusubok parin ako
"Wala akong pake sa inyong mag-ina! Tigil tigilan mo 'ko sa kaartehan mo Amelia tumayo ka dyan at ikaw ang magplantsa nito!" Galit na sabi nito nagulat nalang ako ng biglang binalibag nito sakin ang mainit na pangplantsa dahilan kung bakit ito tumama sa ibabang binti ko napaigik nalang ako sa sakit hindi ko kayang magreklamo dahil baka hindi lang ito ang abutin ko ang mahalaga lang sa ngayon ay ang makita kung may mga sugat bang tinamo si Mama na ngayon ay nakupo parin sa sahig at nakahawak sa aking braso
"Ano pa bang iniiyak iyak nyo?! Amelia simulan mo na ang pinagagawa ko!" Sigaw nanaman nito samin sabay talikod at umakyat na ito sa taas
Simula nang nawala si Papa ay naging ganto na ang aming buhay, marangya ang buhay na kinalakihan ko ngunit nang nawala ito ay kinuha na ng kanyang nakababatang kapatid ang mga ari ariang naiwan nya hindi kasal sila mama at papa kaya naman wala daw si mamang karapatan at wala naman akong sapat na kakayahan upang maibalik ang dapat na saamin
Itinayo ko na si Mama mula sa sahig nakita kong dumudugo ang kanang braso nito marahil ay dito tumama ang mga sipang sinalo nya hindi ko mapigilang mapaiyak nanaman habang tinitignan ang braso nito
"Nak tahan na, ako naman ang may kasalanan hindi ko naayos ang trabaho ko dahil sa sakit ko" nakangiting sabi nito hindi ko alam kung paano nya nakakayang ngumiti habang may luha sa mga mata, Nagkaroon ng mental disorder si mama mula ng nawala ang aking ama madalas ay nakatulala ito sa bawat sulok ng bahay at paminsan minsan ay bigla nalang iiyak may mga pagkakataon pang hindi nito ako nakilala sa tuwing sinusumpong ito ng sakit nya
Kinakaya ko nalang ang lahat kase mahal ko sya...pero ang hirap...sobra
"Halika na po Ma gamutin ko muna ang sugat mo" dahan dahan ko itong inalalayan papasok ng basement na naging kwarto narin naming dalawa
BINABASA MO ANG
His Bossy Secretary
DragosteChase Aphelion Alzarde He knows that being this crazy over his Secretary is up to no good. He should fire every employees that will go against his will because he's the Boss no one is allowed to shout at him, blame him or be bossy around him, but...