!!!TYPO AND UNGRAMMATICAL AHEAD!!!Chapter 6
Mabilis akong naglalakad papasok sa loob ng building kung saan ako nagtatrabaho dahil for the first time ay malapit na talaga akong malate
"Ameliaaaaaaa" napalingon ako sa likod ko ng marinig ko ang baklang maland—este maganda
"Oh? Anong bang kailangan mong bakla ka" tanong ko dito habang pinupunasan ko ang pawis ko sa noo dahil sa pagmamadali ko kanina pa
"Ano ka ba Amelia babae nga sabi ako!" inis na sabi nito saka umirap pa sakin
Aba!
"Oo na babae ka nang gaga ka ano ba kailangan mo at tinawag tawag mo pa ako" inis na sabi ko din dito dahil nagmamadali na talaga ako
"Ay hehe sorry naman init ng ulo natin ah pag sa iba ang bait bait mo pero pag sakin hmp!" Pagpapabebe pa nito sakin kaya tinignan ko nalang ito ng masama
"hehe wag naman ganyan Amelia ipapabigay ko lang naman tong dokumento sa Boss mo e sama na agad ng tingin mo" sabi pa nito sabay ngiti ng malapad sakin tsk kung hindi lang kita kaibigan sinakal na kita
"okay akin na" lalong lumapad ang ngiti nito saka dali daling ibinigay sakin ang makapal na mga papel na kanina pa pala nitong dala dalahindi ko man lang napansin
"Thank you Ameliaaaa maaasahan ka talagang bruha ka, bat nga pala late ka?" Tanong nanaman nito kahit kailan talaga di sya mawawalan ng ikukwento at itatanong
"Maaga kasing nagising si Auntie kanina" maikling sagot ko dito dahil alam kong alam nya na ang ibig kong sabihin
"ah-eh ingat ka nalang ah, sige na pala una na ko" alanganing sabi nito at lumakad na papaalis alam nya kaseng ayokong pinaguusapan ang buhay na meron ako lalo na pag maraming tao
Mabuti nalang at nagpaalam na si bakla kaya lumakad nadin ako papuntang elevator upang maakyat sa taas tangkang pipindutin ko na ang button sa gilid ng elevator ng maramdaman ko ang pagkirot ng kamay ko kaya napatingin ako dito nakita kong namumula ito marahil ay dahil ito sa kapeng tinapon si Autie sa akin kanina maaga kase itong nagising at nakita akong nagkakape sa kusina pagkatapos kong magluto kaya sinaboy nito ang bagong kulo na kape sa akin buti nalang at agad kong naiiwas ang aking mukha ngunit kamay ko naman ang natamaan nito
Hindi na bago sa akin ang ganong eksena sa bahay ngunit hindi parin ako nasasanay marahil ay umaasa parin ako na baka balang araw ay marealize nila ang mga mali nilang ginagawa
Tumunog na ang elevator at agad narin akong lumabas pupunta na sana ako sa aking office ng makita kong nakabukas ang pinto sa office ng Dragon kaya lumapit muna ako dito isasara ko sana ngunit nakita ko ang Boss kong nakaupo at nakatingin sa isang picture frame "—miss you" rinig kong bulong nya habang hawak hawak ang picture frame na yon
BINABASA MO ANG
His Bossy Secretary
RomanceChase Aphelion Alzarde He knows that being this crazy over his Secretary is up to no good. He should fire every employees that will go against his will because he's the Boss no one is allowed to shout at him, blame him or be bossy around him, but...