Chapter 15

48 6 0
                                    


!!!TYPO AND UNGRAMMATICAL AHEAD!!!

Chapter 15

Malapit na ako sa office ng may marinig akong sigaw na nanggagaling sa opisina ni Sir

Ito nanaman tayo pabago bago talaga ang mood ng lalaking 'yon parang kanina lang ay nakikipag-asaran pa ito sakin tas ngayon naman ay nagbubuga na ito ng apoy

Kawawa naman ang mabubugahan nya for today

"NO! YOU ARE NOT INVITED AND I DON'T WANT TO SEE YOU OR YOUR FAMILY IN THAT PARTY!" rinig kong sigaw nito mula sa loob ng office nya tsk tsk sino naman kaya ang kausap nya para magalit sya ng ganon

Bumilis ang bawat hakbang ko habang palapit ng palapit sa pintuan ng office nya madadaanan talaga kasi ito bago makarating sa office ko kaya no choice kundi marinig ang galit nitong boses

Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad at sa wakas at nakarating na din, agad kong isinara ang pinto at naglakad papuntang mesa

Mukhang may nadagdag nanamang mga files sa mesa ko walang katapusang pagbabasa nanaman ang mangyayari dito

Hindi ko na masyadong pinansin ang dami o bilang ng mga ito at sinimulan ko na lang silang gawin para kahit papaano ay mabawasan ang trabaho ko para bukas

Lumipas ang ilang oras na pagtatrabaho ay nakaramdam ako ng sakit sa likod malamang ay kakayuko ko ito kaya nag-inat inat muna ako saglit nang mapatingin ako sa wall clock sa aking harapan

Yes! Malapit na ang uwian my favorite time of the day!

Hindi na ako bumalik pa sa pagbabasa ng mga papeles dahil masakit na talaga ang likod at leeg ko isa pa ay ilang minuto nalang naman din ang natitira okay lang naman siguro maging tamad ng ilang minuto

Nakaupo lang ako habang nakatingala sa kisame at nagmumuni muni nang biglang magring ang phone ko na nasa aking bulsa  kaya agad ko itong kinuha at nakita ko ang pamilya na pangalan

Claire.

Ano naman kaya ang kailangan nya? Madalang lang kase ito tumawag at kung tatawag man ay may ipag-uutos lang o kaya ay maninigaw

Hindi na ako nagdalawang isip pa at sinagot na lang ang tawag nya

"Hello, Amelia asan ka ba?" Tanong lang nito gamit ang normal nyang boses himala at hindi ito nakasigaw ngayong kausap ako

"Ah Claire nasa trabaho ak—" hindi pa ako natatapos magsalita ay sumabat na agad ito

"Ano?! Pinuntahan kita kanina sa restaurant kung saan ka nagtatrabaho wala ka naman dun ah! Niloloko mo ba ako?!" at sumigaw na nga sya

"Ah-eh matagal na akong hindi nagtatrabaho doon iba na ang pinapasu—" hindi nanaman ako nito pinatapos at may komento agad sya

"What the h*ck? You should have told me earlier para di na ako nag-abalang magpunta sa dati mong pinapasukan!" May galit nanamang sambit nito

Pinaglihi ata sa sama ng loob ang batang ito

"Sorry hindi mo naman tinanong sak—"

"At kasalanan ko pa talaga?!" Inis ng tanong nito

"H-hindi wala naman ako sinasa—"

"Pero parang ganon na din 'yon!" Pagputol nanaman nito sa sasabihin ko

"C-Claire p-pwede bang kumalma ka muna hindi tayo makakapag-usap ng maayos kung palagi kang nakasigaw" mahinahon at mahina kong wika dito actually takot lang talaga ako sa kanya sa sobrang maldita kase nito ay wala kang magagawa kundi manahimik nalang

"Fine." Maikling wika lang nito at rinig ko pa ang pagbuntong hininga nya sa kabilang linya

"Bakit ka nga pala napatawag, Claire?" pagbabalik ko sa usapan

"Kinausap kase ako ni Auntie Alicia gusto nyang tulungan kita sa paghahanap ng restaurant na uupahan daw nya" medyo ayos ng salita nito mukhang kumalma na sya mabuti naman

"Ah kahit wag na hindi mo na kailangan pang gawin 'yo—"

"NO! sabihan mo lang ako kung kailan ka maghahanap at sasama ako!" Pag-iinsist nito

"Baka kase magalit ang mama mo Claire pag nalaman nyang sinamahan mo 'ko" subok kong pagpapaliwanag dito dahil alam nyo naman ang ugali ni Auntie baka mapagbuntungan nanaman kami ni mama ng galit nito

"Wag kang mag-alala hindi malalaman ni Mama isa pa si Auntie Alicia na mismong kumausap sa akin na wag ipalaam sa kanya"

"Kakausapin ko nalang si Mama na wag ka na nyang piliting tumulong di—"

"DON'T.YOU.DARE.AMELIA. kapag hindi ako pinakain ni Auntie Alicia sa restaurant nya malalagot ka talaga sa akin!" Pagbabanta nito mukhang hanggang ngayon ay gustong gusto nya parin ang luto ni Mama naalala ko pa noong bata kami ay umiiyak ito para lang makapunta sa bahay at doon kumain madalas pa kaming naglalaro nito dati dahil parehas kaming only child

Matagal na panahon na ang lumipas madami ng nagbago maging ang pakikitungo nito sa akin ay hindi na tulad ng dati

"Hoy Amelia andyan ka pa ba?!" Inis na tanong nito

"A-ah oo sorry may sinasabi ka ba?" Lutang na tanong ko dito

"Ang sinasabi ko ay wag mo ko kalilimutang tawagan pag maghahanap ka na ng uupahang restaurant, maliwanag ba?" Halatang inis parin ito dahil hindi ko nadinig ang una nyang sinabi

"Oo sige sige" pagsang-ayon ko nalang dito dahil paniguradong magagalit nanaman sya kung hihindi ako

"Good." Maikling smabit lang nito at pinatay na ang tawag ng hindi man lang nagpapaalam

Napailing nalang ako sa inakto nito saka tumingin muli sa orasan  ilang minuto nalang pala ay pwede ng umuwi kaya niligpit ko na ang mga gamit ko sa lamesa at nilagay ito sa bag pagkatapos ay lumabas ako ng office upang tignan kung nasa office nya pa ba si Sir Chase

Kumatok  muna ako at ng sumagot naman ito sa loob ay dahan dahan kong binuksan ang pinto bumungad sa akin ang malamig nitong mga tingin

"What?" Masungit na tanong nito na tila ba naistorbo ko ang ginagawa nya

"Ah Sir magpapaalam lang po sana, aalis na po kase ako" mahinang sagot ko dito

Biglaan itong napatayo sa kinauupuan at gulat na tumingin sa akin "What do you mean? Where are you going?" bakas sa boses nito ang pagkabigla

"Huh? Sir uuwi lang po ako sa amin uwian na kase e" napapakamot sa batok ko pang sabi dito dahil hindi ko alam kung ano bang meron at ganon ang reaksyon nya

"What the f*ck? I thought you're leaving the company!" Napalitan na ng inis ang kaninang gulat nitong boses

"Hindi Sir ah, bakit mo naman naisip yan?" takang tanong ko dito

"Bakit kase nagpapaalam ka pa? Can't you just f*cking go home?!"

He's right, hindi ko naman talaga kailangang magpaalam pa dito para umuwi...it just that i want to know if he was doing okay

"Sorry naman Sir hehe sabi ko nga uuwi na e" awkward kong sabi nito saka tumalikod na para umalis ngunit bago ko pa man maisarado ang pinto ay narinig ko itong nagsalita

"Take care, My bossy Secretary"

~      Melestial      ~

His Bossy SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon