Payb's POV
Nasa Student Council Room ako ngayon hinihintay ung iba, kung kelan maaga ako late sila pisti.
* Dominic Alcoran sent a message. *
DOMINIC ALCORAN:Medyo malelate ako payb ah. Need to go somewhere with mom. The layout of the events is in your office, try to check it out. See yah.
PAULETTE DORIA:Payb sounds like babe hahaha. I'm checking it right now, You're always late alcoran I know you kahit wala naman kayong pupuntahan ni tita e late ka parin.
DOMINIC ALCORAN: Babawi talaga ako babe. Hahahaha. Sige bye na.
PAULETTE DORIA: Payb hindi babe bestfriend sounds like lang un ok? Sige na ingat. Uy oo nga pala pasabi kay tita Hi.
DOMINIC ALCORAN:Hello din daw sabi ni mama. Haha. Bye na talaga. Wag ka na mag reply bye bye.
* Deity Angel Lee Sent you a message *
DEITY ANGEL LEE:Paybi, sorry di ako makakapunta, nilalagnat ako. Sorry talaga.
PAULETTE DORIA:kung hindi may lakad, may sakit ano pa bang pwedeng excuse niyo? Bakit kung kelan naghahabol tayo ganyan kayo? Ts.
DEITY ANGEL LEE:Sorry na pau, bawi ako promise. Sige na pagpasok ko na lang tayo mag usap.
PAULETTE DORIA: Sige na mag pahinga ka na ts. Wag ka mag pagaling. Pisti. Bye.
* VMiguel Gonzales sent a message. *
VMIGUEL GONZALES:Pst, paule haha. Sorry di kame makakapunta nila jervs at rj ah. May inaayos pa kame e ung sa Grand ball at prom. Baka susunod na lang kame mamaya pag na tapos agad. Si kla ata pupunta siya na lang kausapin mo sakanya naman yang layout sa desk mo.
PAULETTE DORIA:What you mean is, kay kla lahat tong mga ideang to? Like this fireworks thingy, ung pageant ( Mr. And Ms. Hearst ), ung booths and stalls, and this fund raising? Oh please? You're joking right?
VMIGUEL GONZALES:Seryoso pau si kla nag isip niyan. Walang halong biro. Nang istorbo pa nga yan kagabi m kase nasira daw printer di siya makaprint. Kaya saakin sinend tas pinadala na diyan kanina kase dumaan kame sa school bago pumunta dito sa venue e.
PAULETTE DORIA:Sige sige. Hantayin ko na lang siya. Salamat migs. Ingat kayo diyan.
VMIGUEL GONZALES:Haha. Walang ano man Ms. President. Kayo din ingat. Nga pala may partner ka na ba sa prom?
PAULETTE DORIA:Si Jay hahaha. Kailagan ba may partner? Pwede naman wala diba?
VMIGUEL DORIA:Sus, Paule imposibleng wala kang partner e andami gusto makapartner ka sa prom, nag post kaya kame sa official page ng school at 80% ng nagcomment ikaw ang gusto makadate. Tska andami na nag ttag nag ttweet sayo wala parin napipili?
PAULETTE DORIA:Bahala na miggy, gusto ko ung ma-effort at seryoso haha.ayoko ung basta tag lang wala man lang effort. Tska sanay naman na kayo na si Jay partner ko diba? Unless may iba siyang partner na imposibleng mangyari.
VMIGUEL GONZALES: Uh oh? Di ba na sabi sayo ni Jay na may napili na siyang partner? Ts. Nag effort siya last week for Rhein?
PAULETTE DORIA: Kaya naman pala na ubos allowance nung tabatchoy na un. Wala na akong partner pisti talaga. Ako na lang pupunta mag isa.
VMIGUEL GONZALES:Di kame papayag Ms. President. Haha. Hahanap kame ng perfect boy para sayo after nitong venue. Haha. Sige later na lang ule, andito na ung ka-usap namin e. Bye.