"Adiiieeee!!!!" sigaw ni Zaza sa kaibigan nya mula sa pintuan ng office nila sa Babsie's.
"Zaza ano ba? para kang tanga dyan, bakit kaba sumisigaw eh halos magkalapit lang tayo" Takang tanong ni Adie sa kaibigan.
She must admit, magkabaligtad sila ni Zaza sa maraming bagay, she's quiet while Zaza is a loud person, she is shy while Zaza is full of self confidence,napakarami nilang pagkakaiba pero mahal nila ang isat isa that's why they end up founding this business, Babsie's Delight which is known as one of the best pastries maker and coffee shop in town, they are also accepting catering services since they both know how to cook well.
She is Adelaida Cruz also known as Adie para sa kapamilya at mga kaibigan nyang malalapit sa kaniya, Zarina Eusebio a.k.a Zaza one of her best friends, actually dalawa lang naman ang mga kaibigan nya, si Royce at si Zaza, maybe because they knew her since they were kids and the fact that they are the only people who accepted her without any judgement kaya siguro sila lang ang tinuring nyang mga totoong kaibigan.
"I can't believe this, we got this wedding catering? can you imagine? Zander Zanford's wedding?? my God! kilala mo ba talaga kung sino yang client na yan?" Zaza is freaking out.
"Yes of course, pero alam mo ba kung sino talaga yung kumuha sa atin?? it's his future wife kaya I don't care about who that Zander Zanford is, what we have to do is to be thankful to his future wife Ellie, she's the one who believes in us." ani Adie.
"Ikaw talaga napaka ano mo, anyways let me give you a brief background who is that Zander Zanford is, kasi kung ganyan ka big time ang client, hindi na ako magtataka na big time ang darating na mga bisita and I guess you don't want to humiliate ourselves pag pumalpak tayo sa event na yan" Zaza teased her.
"Okay sige sino ba yang Zander na yan? ang alam kolang kasi sya ang may ari ng VIP bar ,kung saan dumaragsa ang mga celebrities at iba pang malalaking tao every night" Adie told Zaza.
"Well aside from that info, don't you know that his family also owns the Zanford Condominiums? I bet alam mo kung gaano ka first class ang mga condos na yun? then may mga big time friends din sya, wala akong masayadong alam about kung sino ang mga kaibigan nya, ang alam kolang lima sila sa grupo nila, isa ang kasal na at ngayon ikakasal naman si Zander that's why tatlo nalang ang matitira na bachelor sa grupo pero I don't know who are his other friends are, tinatamad na kasi akong mag research, I'm a very busy woman now" mahabang sabi ni Zaza sa kaniya.
"Eh bakit pati mga single nyang friends kinukwento mo pa sakin?" mataray nyang biro sa kaibigan.
No doubt na makukuha ni Zaza ang mga ganitong info about big time clients, isa din kasi ang pamilya nito sa mga mayayamang angkan sa Pilipinas kaya di na sya nagtataka kung bakit marami itong alam sa alta sosyedad.
Isa sa mga dahilan bakit nya minahal ang mga kaibigan nyang sina Royce at Zaza, they don't care miski galing sya sa mahirap na pamilya, caretaker ang pamilya nila sa isang rest house sa Baguio ng isang mayamang pamilya, silang magkakapatid ay nagsumikap para makatapos lahat sa pag aaral, ang kuya Angelito nya at Kuya Arnel nya ay pawang mga pulis na at may kaniya kaniya ng mga pamilya, sya nalang ang walang asawa sa kanilang tatlo at paminsan minsan ay bininisita nya pa din ang mga magulang nya lalo pag may okasyon, silang tatlong magkakapatid ay pumupunta pa din sa Baguio.
Nakagawian din nila na kada Linggo, naglalaan sila ng oras para sa kanilang mga magulang dahil may mga edad na ang mga ito at kasalukuyan na may sakit sa puso ang ama nila na malapit ng sumailalim sa operasyon sa susunod na taon, pinapalakas lamang nila ang immune system nito upang maiwasan ang anumang komplikasyon sa araw ng operasyon.
Nawala sa malalim na pag iisip si Adie ng magsalitang muli si Zaza.
"Wala lang, baka kasi maisipan mo ng mag boyfriend, my God Adie! mula nung mangyari yung...." hindi naituloy ni Zaza ang sinasabi dahil nakita nito na nag iba ang mukha nya.
BINABASA MO ANG
VIP Series #3 (Clyde Guzman) The Player (ONGOING)
RomantizmTired of always getting bullied, Adelaida Cruz also known as Adie decided to make decisions that changed her life forever. Unlike sa ibang kababaihan, growing up as a teenager, Adie was bullied because she was fat, inspite of that physical imperfect...