Chapter 4

96 14 20
                                    

Gwyn's point of view...
.
.
.
"Ah! I hate you, I hate you!"

"Gwyn! Are you okay?" Napalingon ako sa aking likod at bumungad saakin ang mukha ni Sandro. Anong ginagawa niya rito?

Bumuntong hininga ako at nag patuloy sa pag lalakad. Nandito ako ngayon sa dalampasigan at balak kong lumangoy sa dagat mag isa! Oo mag isa!. Walang masyadong tao sa paligid tanging ako at si Sandro lang ang nandito. I know it's weird pero pag mainit talaga ang ulo ko, tubig at pag ligo lang ang nakakapag pakalma saakin. Madalas akong maligo pag mainit ang ulo ko.

"Iwan mo na ako dito!" Saad ko kay Sandro at tinulak siya papalayo.

"No! Hindi ako aalis hanggang hindi mo saakin sinasabi ang nangyari sainyo ng pinsan mo!" He said.

"Bakit? Sino ka ba? Nakilala lang kita kanina ah!" Saad ko. Napakalakas ng mga alon at tanging ang tunog nalang nito ang naririnig ko.

"Please umalis ka na!"

"Fine! Pero kung gusto mo ng kausap, tawagin mo lang ako. Room 221 ang room ko!" He said at iniwan na nga ako doon.

Makulimlim ang ulap at parang uulan na. Lumapit ako sa dagat at agad akong sinalubong ng matataas at malalakas na alon.

"Miss!! Uulan na!" Napatingin ako sa babaeng naka tayo sa tapat ng isang villa. Medjo chubby siya at maputi.

"Ah maliligo lang ako dito saglit!" Sigaw ko pabalik at tumampisaw na sa tubig.

"Miss delikado yang ginagawa mo!" Hindi ko na pinansin ang sabi niya at lumangoy na papunta sa malalim na parte ng dagat.

Pagkatapos kong lumangoy palayo sa baybayin, nakarinig ako ng malakas na kulog kasabay ng sunod sunod na kidlat. Lumalakas na ang mga alon. Nag uumpisa na akong kabahan. Nag madali akong lumangoy pabalik sa baybayin ngunit, nahihirapan na akong gumalaw. Nag uumpisa na ang pag patak ng ulan at unti-unti na itong lumalakas.

"Tulong!" Halos wala na akong boses.

"Tulong!" Sigaw ko pa.

Mukhang wala namang nakakarinig saakin kaya hindi na ako sumigaw at lumangoy nalang muli. Ito na ba ang parusa ko? Ito ba ang parusa ng taong hindi marunong mag patawad?

Sinubukan kong lumangoy ng mas mabilis dahil sa tuwing lumalapit ako sa baybayin ay hinihila lang ako ng mga alon pabalik sa gitna. Nag sisimula ng mag cramps ang aking paa. Hindi ko na kaya...
.

.

.

.

*Cough*

*Cough*

"Gwyn?"

Iminulat ko ang aking mga mata at bumungad saakin sila Yasmin. What happened? Buhay ako?!

"Buti nalang at nakita ka agad nila Sandro, kung hindi tigok ka na ngayon!" Sabat ni Yasmin at mahina akong kinurot sa tagiliran. Napatingin ako kay Sandro.

"Thank you," saad ko at umubo ubo pa dahil mukhang marami ata akong nainom na tubig dagat.

"You're welcome," he said.

"Mag pasalamat ka din kay Kyla, siya ang lumangoy para sagipin ka," saad pa ni Sandro na ikinagulat ko. Akala ko ba siya ang naka kita saakin?

"What do you mean?" I ask.

"Kasama ko si Kyla at Nanon kanina. Nag aalala sayo si Kyla kaya hinanap ka namin, at nong nakita ka namin, agad na lumangoy si Kyla para iligtas ka sa malalaking alon." Napatingin ako sa likod ni Sandro at nakita ko nga si Kyla na nakabalot ng tuwalya at basang basa ito gaya ko. Should I thank her?

Thanatophobia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon