Chapter 5

94 13 23
                                    

Kyla's Point of view...
.
.
.
Pagkalipas nang tatlong araw, napag desisyonan namin nila Gwyn na mag surfing. Okay na ang lahat at sinusulit na namin ang aming bakasyon. Napakabilis ng mga pangyayari at hindi ko parin akalain na bumalik na kami sa dati. Ang tres maria's ng pamilya Rivera ay muling nabuo!!

"Nasan na ba sila Nanon?" Tanong ko kay Gwyn na ngayon ay halos pumikit na sa init ng araw. Kanina pa kami rito sa gilid ng malaking bato dito sa baybayin at kanina pa namin hinahanap sila Nanon. Yes, kaibigan na namin sila ngayon, and nag open up na rin kami about sa past namin. Thankfully, they still accepted us to be their friends.

"Oh ayan na pala si Yasmin oh." Imbis na sagutin niya ang tanong ko ay bigla niyang itinuro si Yasmin na nasa tapat ng coconut tree at mukhang hinahanap niya rin kami.

Itinaas ko ang aking kamay at isinigaw ko ang pangalan niya.

"Yassi!!!!"

Tumingin siya at tumango sabay takbo palapit saamin. Siya ang nag suggest na mag surfing kami ngayon, tapos siya ang malalate?

"So ano? Tara na?" Tanong niya saamin.

"Nasan sila Nanon? Akala ko ba sasama sila sa 'tin?" Tanong ni Gwyn sakanya.

"Nag mimini golfing na sila eh, tayo nalang daw. Bakit?" Tugon ni Yasmin kay Gwyn.

"Wala lang," tipid na sagot ni Gwyn.

"Miss mo si Sandro?" Biro ni Yasmin dito kaya sabay namin siyang nginitian para asarin.

"Hindi noh! Si Kyla kaya ang kanina pa hanap ng hanap kay Nanon!" Deny pa ni Gwyn.

"Oo na sige na, tara na nga!" Saad ko nalang at hinila na sila papunta sa dagat.

We've been surfing before so we know what we're doing. Medyo kinakabahan lang ako dahil ilang years na ang nakalipas nong huli kaming mag surfing.

"Hi?" Sabay sabay kaming napa lingon nang magsalita yong babae sa likod namin. May hawak din siyang surfing board.

"Hi!" Tugon ni Gwyn.

"Thank God okay ka na. I tried to warn you that day na delikado ang lumangoy habang umuulan pero hindi ka nakinig, buti at niligtas ka ng friends mo," saad niya kaya ngumiti kaming tatlo.

"Mag susufing ka rin ba?" Tanong ko sa babae.

"Yeah, by the way ako si Cyril." Ngumiti kaming tatlo at isa isang nag pakilala.

"I'm Kyla,"

"Yasmin"

"Gwyn"

"Nice to meet you!" Naka ngiting sambit niya. She's pretty. Chubby siya pero makikita mong maganda siya.

"Sabay na tayong apat, mag susurfing din kami eh. May kasama ka ba?" Tanong ni Yasmin sakanya.

"Well, kasama ko boyfriend ko pero nandon siya nag mimini golfing kasama ng mga pinsan at brother niya kaya mag isa kong mag susurfing," saad niya at nag pout.

"Don't worry kasama mo naman na kami," saad ni Gwyn kaya ngumiti ito.

"So, ano pang hinihintay natin? Tara na!" Aya ni Yasmin at nauna nang pumunta sa tubig.
.
.
.
.
.
Ilang oras din ang lumipas bago namin napag desisyonan na umahon na sa tubig. Inaya na rin namin si Cyril para uminom ng buko shake diyan sa malapit na store. Galing pala si Cyril sa isabela at nag babakasyon lang sila ng boyfriend niya rito sa ilocos. 7 years na sila nong boyfriend niya at balak na rin niyang pakasalan yong boyfriend niya soon. Good for her.

"Tawagan mo na kaya sila Nanon." Agad kong inilabas yong phone ko nang utusan ako ni Gwyn.

Dinial ko ang phone number ni Nanon at agad naman itong sumagot.

Thanatophobia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon