Chapter 9

81 12 0
                                    

Due to the accident, Gwyn's condition in the hospital became slightly critical. She's been in a coma for a few weeks while Sandro is doing everything he can to save Gwyn's life. Magtatagumpaya kaya si Sandro? O tuluyan ng mawala sakanya ang pinaka mamahal niyang babae? Sila parin ba sa huli o hahayaan nilang paglayuin sila ng nakaraan?

.
.
.
.
.
.

Third person's point of view...

"Nagulantang ang mga naninirahan sa Ilocos Norte nang makarinig sila ng matinding ingay na nagmumula sa pinaka-abalang highway sa lugar na tinatawag na Pan-Philippine Highway. Sa Pan-Philippine Highway, natamo ang isang Montero sport matapos mabundol ng humaharurot na tenwheeler truck. Isang lalaking nagngangalang Romer at tatlong babae na nagngangalang Kyla, Yasmin, at Gwyn ang nasa sasakyan. Dalawang babae at isang lalaki ang patay, habang nasa kritikal na kondisyon ang isang babae na nagngangalang Gwyn. Ayon sa mga pulisya, bandang alas diyes nangyari ang nakakalungkot na trahedya."

"Kasalukuyang nasa Dela Cruz Hospital ang mga biktima." Agad na tumayo ang tatlong lalaki at nag madaling bumalik sa parking lot.

Hindi nila alam kung ano ang dapat nilang gawin. Hindi sila makapaniwala sa nangyari. Nag madali silang pumunta sa nasabing hospital kung saan dinala sila Gwyn.

"Bakit ngayon pa nangyari ang lahat ng ito," mangiyak ngiyak na saad ni Nanon kila Sandro.

"Bakit ngayon pa siya nawala saakin?" Tanong ni pa ni Nanon sakanyang sarili na tila ba nawawala na siya sa kanyang sarili.

Agad silang bumaba ng sasakyan nang makarating na sila sa Dela Cruz Hospital. Nag madaling dumiretso si Sandro sa OR at pumasok doon habang sila Nanon naman ay dumiretso kung basan ang mga bangkay nila Kyla.

"Doc, nandito na po si Doc. Sandro," saad nung isang nurse na babae habang duguang naka higa si Gwyn sa hospital bed. Agad na kinuha ni Sandro ang kanyang kamay at umupo sa kanyang tabi habang abala si Doc. Lloyd kay Gwyn.

"Gwyn? Can you hear me?" Tanong ni Sandro sa dalaga kahit alam niyang hindi siya nito naririnig.

"You can do it," saad pa nito habang tuloy-tuloy na pumapatak ang maiinit na likido pababa sa kanyang pisngi.

"Marami pa akong pangarap kasama ka, kaya please Gwyn, don't leave me," sambit pa ng binata.

"Nurse, ilabas niyo muna si Doc. Sandro," utos ni Doc. Lloyd sa mga kasama niyang nurse.

"What? No! Lloyd!" Sigaw ni Sandro nang hilain na siya palabas ng mga nurse. Napa buntong hininga si Doc. Lloyd at nag patuloy sa kanyang ginagawa.

"Bitawan niyo ako!" Sigaw ni Sandro nang maka labas na sila sa operating room. Agad naman siyang binitawan ng mga nurse.

"Sorry po Doc, hayaan niyo na po si Doc. Lloyd sa loob, hindi niya po papabayaan yong pasyente," saad nong isang nurse at muling pumasok sa loob ng OR at iniwan na si Sandro na naka tunganga doon.
.
.
.
.
Lumipas ang ilang oras lumabas na si Doc. Lloyd sa OR. Agad na sinalubong siya ni Sandro.

"Ano? Anong balita?" Tanong ni Sandro sa doctor.

"Tulog pa siya, pero sigurado akong okay na ang lagay niya," paliwanag ni Doc. Lloyd habang tinatanggal niya ang kanyang puting gown na may naka burdang Dela Cruz. Sila kasi ang may ari ng hospital kung saan nag tratrabaho si Sandro.

Hindi nag salita ang binata at dumiretso na ito sa loob ng OR. Nakita niya si Gwyn na naka higa sa hospital bed at maraming naka kabit sakanya gaya ng, monitor na Isang makina na nagpapakita ng tibok ng puso, paghinga, presyon ng dugo, presyon ng intracranial, presyon ng tserebral perfusion, at gaya ng head dressing na Isang bendahe sa paligid ng ulo na ginagamit upang panatilihing malinis at tuyo ang sugat o hiwa. At marami pang iba.

Lumapit muli ang binata sa dalaga at hinawakan niya muli ang kamay nito.

"Gwyn? Kung naririnig mo ako, please gising na," bulong ng binata kay Gwyn.

"Doc? Ililipat na po siya sa kanyang room," singit ng isang nurse kaya walang nagawa ang binata kundi umalis sa tabi ng dalaga at sundan ang mga nurse kung saan nila ilalagay si Gwyn.
.
.
.
.
"Kyla! Bakit? Bakit mo'ko iniwan?!" Patuloy ang pag hagulgol ni Nanon habang yakap yakap ang malamig na katawan ni Kyla.

"Yasmin? Akala ko ba papakaslan mo pa ako?!" Saad ni Force habang hawak hawak naman ang kamay ni Yasmin.

"Kaano ano kayo ng mga apo ko?" Sabay na napatingin ang dalawang binata nang may matandang nag salita sa kanilang likod. Umiiyak din ito at may kasamang dalawang babae at lalake.

"Kaano ano kayo ng mga anak namin?" Tanong ng isang babae na namumula na rin ang mata sa kakaiyak.

Nag pakilala ang mga binata at agad namang nag pakilala ang lola at mga magulang nila Kyla.

"Ba't niyo naman ako iniwan mga anak?" Tanong nung mama nila Kyla habang patuloy na humahagulgol.

"Kailangan nating tanggapin ang mga nangyari, wala na tayong magagawa," saad nung isang lalaki.

"Pwede ba! Pasalamat ka buhay pa ang anak mo! Eh si Kyla at Yasmin? Buhay pa ba?!" Galit ba sabi nung mama ni Kyla sa tatay ni Gwyn.

"Pwede ba, kayong dalawa, wag na kayong mag away," suway naman ng lola nila at hinaplos ang mga mukha ng kanyang apo.

"Alam kong masaya na kayo mga apo," sambit niya sabay halik sa mga noo ng mga ito.
.
.
.
.
To be continued...

.
.

Dedicated to: sanoraya

Thanatophobia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon